Part 11: "Date?!"

9.1K 92 7
                                    

Wala ng tatalo sa ginhawang hatid ng dilim at lamig sa loob ng sinehan. Samahan mo pa ng hotdog sandwich at ng family size softdrinks. The best. Stress free at iwas konsumisyon na, ang sarap pang matulog! Kung pwede lang, dito na lang ako habang-buhay. Sobrang init ng panahon ngayon. Lalo na sa bahay namin, parang may lava activity araw-araw sa ilalim ng sahig. kapag kasi buwan ng tag-ulan sa amin, maituturing palang namin 'yun na summer, at kapag tag-init naman, impiyerno. Konti na nga lang at makakaexperience na'ko ng mirage habang nakahiga sa aking kuwarto, sa tindi ng lagablab na humahalik sa balat.

"Ate hindi pa ba tayo lalabas? Tapos na iyong pelikula oh." pagyugyog sa akin ni Gelo, pagkabukas ng mga ilaw sa loob ng sinehan.

"Ulitin natin, hindi ko naintindihan 'yung story e." sagot ko, habang pinupuwesto ang sarili sa mas kumportableng posisyon sa malambot na upuan.

"Nasabi mo na kanina 'yan! Kanina pa tayong tanghali dito, pangalawang beses na nga natin natapos 'tong movie oh." patuloy parin niyang pangungulit sa akin. "At saka natutulog ka lang naman e!"

"Sandali na lang, bili ka na muna ng panibagong popcorn mo." pag-abot ko sa kaniya ng pera.

"Purga na ako sa popcorn Ate. Labas na kasi tayo, bilhin na natin iyong pinangako mong NDS cartridge para maka-uwi na tayo."

"Isang ulit nalang promise! Mai-ihaw ako ng buhay kapag nagstay pa ako ng kahit isang oras pa sa bahay natin."

"Okay. Ikaw ang bahala, kapag wala pa tayo ng 6 sa bahay, goodbye na sa graduation gift mo kay Tatay."

Napatayo akong bigla mula sa pagkakasandal-higa sa silya. Naaalala ko ang parusang curfew sa akin ni Tatay, ng dahil lang 'dun sa mga bad words na nasambit ko, na nirecord naman ni Gelo sa cellphone niya.

"Anong oras na?!" pangamba kong tanong sa kapatid ko.

"Magfo-four na."

Nagmadali akong lumabas ng sinehan, hila-hila si Gelo, habang iginagala ang tingin sa loob ng mall. "Nasaan na ba 'yung hinayupak na tindahan ng mga laruan?! Kailangan na nating maka-uwi!"

"Doon sa dulo ng corner na iyon, sa tabi nung boutique."

Paspasan kong tinungo ang lugar na tinuturo ni Gelo. Sa dami ng taong nakakalat sa dinaraanan namin, wala na akong paki-alam kung may masagi man ako. Imortante ang bawat segundong naglalaho sa nakasaad na curfew sa akin ni Tatay. Mahirap na, baka mawala din ang ipinangakong regalo niya sa akin.

"Ate teka lang! May show sa activity center oh!" bulyaw sa akin ni Gelo.

"Wala akong pakialam! Bilisan mo! Ayaw kong maabutan ng curfew." palahaw ko sa kaniya.

"Mukhang sikat na artista Ate."

"Wala akong paki-alam kahit na si Tom Cruise pa iyan! Wala akong pakialam kahit na si Vin Diesel o Brad Pitt pa iyan! Wala akong pakialam kahit kanino! Mas mahalaga ang regalo ni Tatay!"

"Hey! Lyka! What's up?!" pag-udlot ng lalakeng biglang sumulpot sa aking harapan. Napanganga ako.

"Iiiiiieeeeee! Mister Taiwanese!" pagpigil ko sa gustong kumawalang tili sa aking bibig.

"Kamusta?! You look so good as always!" kumislap ang ngiti sa kaakit-akit niyang mukha. Tila sinusumpong ako ng epileptik sa kilig. Umiikot ang balakang ko sa sabik. Makalaglag panty talaga ang dulot ng kaniyang appeal.

"Bakit ka huminto Ate? Bilisan natin para maka-uwi na tayo."

"Wala akong pakialam sa curfew!" pagbaling ko ng tingin kay Gelo.

"Wow, ang cute naman ng kasama mo Lyka, kapatid mo?" usisa ni Mister Taiwanese, kasabay ang paghimas nito sa buhok ni Gelo.

"Ang salitang cute ay para lang sa aso." pagtabing ni Gelo sa kamay ni Mister Taiwanese, kasunod ang paglipat ng tingin niya sa akin. "Siya ba yung pinagnanasahan mo sa iyong panaginip noong isang araw Ate? Ano nga bang sex position ginagawa niyo 'non?"

Kuya, pa-BUG naman po, please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon