Sabi nila, malaki ang kaibahan ng taong walang ginagawa, sa gumagawa ng wala. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ibibilang ang aking sarili sa dalawa. Magmula kasi nung gumradweyt ako, wala na akong inatupag kundi ang magkulong lang sa kuwarto at tumipa ng tumipa sa keyboard. Ayaw kong tumapak sa labas ng perimeter ng teritoryo ko. Minsan pati nga ang pagbabanyo ay kinatatamaran ko na. Siguro nasanay na lang ang aking katawan na humilata nalang sa kama buong araw. Hindi naman sa pagiging tamad, gusto ko rin naman lumabas sa comfort zone ko at pumasyal paminsan-minsan. Ang problema, kapag ready to go na ako, bigla kong maiisip na pagpapawisan lang ako sa labas plus mapapagod pa. Kaya ang ending, sa loob ng mundo ng internet ang bagsak ko. Besides, bakit pa ako lalabas ng bahay kung one click lang ang layo ko sa mga lugar na nais kong puntahan. Hindi ko alam kung tama ba ang aking katwiran, ang mahalaga kasi ay nage-enjoy ako sa ginagawa ko.
"Shit! Talo na naman! Bakit ba ang hirap makalagpas sa level na'to!" pag-awat ko sa aking sarili na bigyan ng kutos ang walang kamuwang-muwang na laptop. Napagdesisyunan ko tuloy na patayin nalang 'to, bago pa ako tuluyang mapikon sa larong kina-uumalingan ko. "Hayyy...Ang boring..."
Bumulagta ako sa kama at nagpagulong-gulong, dinadaya ang sarili na baka sa ganitong paraan ay bumilis man lang kahit papaano ang takbo ng oras. Sinibat ko ng tingin ang graduation potrait ko na nakasabit sa dingding. Limang araw narin ang lumipas mula ng kuhanan 'to. Naalala ko tuloy kung paano ako Nabadtrip sa graduation day na iyon! Paano ba naman, si Mama na ina-asahan kong umuwi, ay kinansel ang flight para sa isang once in a blue moon daw na raket! Ang collection ng 10 Books of Greatest Unsolved Mysteries Around the World, na regalo niya sa akin, ang pumroxy sa kaniya! As if naman may pakinabang ako sa mga iyon?! Si Gelo lang ang masayang-masaya na tumanggap sa mga nasabing aklat. Ewan ko lang kung saan niya gagamitin ang mga 'yon, pero hindi maganda ang kutob ko sa mga ngisi niya, lalo na kapag nahuhuli ko siyang numanakaw ng sulyap sa akin.
Higit sa lahat, lalong nagpapasimangot sa akin ang regalo ni Bakulaw! Isang plastic figurine ng gorilla, na may dalawang pulgada ang taas. Ano nanaman ba ang akala niya sa akin? Mukhang unggoy?! Nakakapanginig ng laman! Kundi lang sa payo ni Tatay na ang lahat ng bagay ay may silbi, matagal ko na 'tong sinilaban at ibinalik sa kaniya!
"Wala ka talagang kuwenta, Bakulaw ka." pabuntong-hininga kong sambit, kasabay ang pagkuha ko sa cellphone na nakalapag sa study table. "Kahit text ay wala din. I wonder, ano na kaya ang nangyari kay Mister Taiwanese."
Tiningala ko ang kalendaryo sa likod ng pinto, isang buwan pa ang natitira sa bakasyon ko, bago ang deadline sa offer sa'kin ng boss ni Mama para magtrabaho sa kumpanya nito. Napagkasunduan kasi ng aking pamilya, na susundan ko si Mama sa Tokyo para doon magtrabaho. Sa kabila ng magandang buhay na naiimagine ko sa lugar na iyon, still undecided parin akong sunggaban ang offer. Siguro dahil mas gusto kong unang sumahod dito sa pinas. O baka naman tumatalab sa akin ang panakot ni Gelo, na magkaka-asawa daw ako ng hapon na mahilig sa sex. Magkakaroon ng sampung anak at hindi magtatagal ay iiwanan niya ako na parang niligaw na pusa sa kung saan, kagaya daw nung pelikulang napanood niya.
"AY PUTSA!" nagulat at napa-igtad ako sa pagkakahiga ng biglang nagring ang aking cellphone! Muntikan ko pa 'tong maihagis! "He-hello?"
"Hey! Lyka! What's up!" bungad ng nasa kabilang linya. Sa boses palang niya ay sigurado na ako kung sino. Si Mister Taiwanese! "May bagong bukas na seafood resto malapit sa SM! Mind if i invite you to a dinner?"
"SURE!" mabilisan kong sagot habang hinuhubad paisa-isa ang mga saplot ko sa katawan, upang agad makapagpalit ng pang-alis na damit. "Walang problema sa akin! Puwedeng-puwede ako! Libre pa kita kung gusto mo!"
"Wow! That's great! So hintayin kita ng mga around 6 sa plaza, okay lang ba?!"
"SURE! Gusto mo 5 nandiyan na ako!" pagkalas ko sa lock ng suot kong bra, at agad sinunod ang pagtanggal sa underwear. "Heto nga nagbibihis na ako!"
BINABASA MO ANG
Kuya, pa-BUG naman po, please?
HumorDISCLAIMER: This story is not mine. All credits go to the rightful owner. I just re-post this story because it's damn worth sharing. Pinabasa lang sa akin ito ng friend ko long years ago. I was checking my files in my hard drive then i saw this. Na...