Part 21: "Condition"

5.9K 68 2
                                    

"May papaki-usap sana ako sayo."

Pilit kong binabasa ang mukha ni Bakulaw, nagbabakasakaling makakuha man lang ni isang clue tungkol sa favor na hinihinge niya sa akin. Subalit, walang naka-ukit na emosyon sa hitsura niya, ni kahit katiting man lang. Para siyang isang papel. Plain, unpredictable at hindi mo makikitahan ng kaka-iba.

"Kung puwede sana..." inalis nito ang mga mata niya sa daan, inilipat sa akin. "Kitang mayaya sa amin."

"Huh?" ang mabilis kong naisagot, ni hindi na pinag-isipan pa ng dila ko.

"Kung puwede ka pumunta sa amin." sumenyas ang isang kamay na 'to, na hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin. "Ikaw." tinuro niya ako, pakiramdam ko parang nangyari na'to. "Ako. Papasyal. Sa bahay namin." tinuro naman niya ang kaniyang sarili sa pagkakataong ito, pagkatapos, kinuyakoy niya ang dalawa nitong daliri na animo'y naglalakad, at sinundan ng pag-drawing ng hugis bahay sa hangin. "Gets?"

"Nang-aasar ka ba?!" pagdakma ko sa kuwelyo niya. "Natural alam ko 'yon! Ang gusto kong iparating, bakit mo ako iniimbitahan sa inyo?"

"Wala lang. Gusto ko lang."

"E kung ipalamon ko sayo 'yang manubela, at sabihin ko sayong wala lang, gusto ko lang?!" dahan-dahang paghigpit ng kamao ko sa kuwelyo niya. "Sasagot ka ba ng maayos o hindi?!"

"Pinaka ayaw ko sa lahat ang nag-eexplain." naghikab siya, wari'y binalewala ang komusyong ginagawa ng kamao ko malapit sa kaniyang leeg. "Nakakatamad. Isa pa, mas gusto kong aktuwal mong malaman kaysa ipaliwanag."

"Tanga ka ba?" naglangit-ngit ang mga ngipin ko. Pero sa kabila ng nagbabadyang highblood, pinilit ko paring huminga ng normal at magpakahinaon sa abot ng aking makakaya. "Paano ako sasama sayo kung hindi mo sasabihin ang dahilan kung bakit?!"

"Huwag kang mag-alala. Hindi kita ire-rape." ngumisi siya, na lalong nagpapadagdag sa pagkulo ng aking dugo. "Hindi ako pumapatol sa kapwa lalake."

Dumilim ang aking paningin. Kumuha ako ng puwersa at inihandang ilanding ang kamay ko sa mukha niya, subalit natigilan ako nang ituro niya ang dahan. "Ooops. Nagda-drive ako. Gusto mo bang maaksidente tayo?" muling sumilay ang nakakapagsalubong-kilay na ngisi nito, na siyang nagpapabukal ng labis sa himutok ko.

"Wala kang kuwentang kausap!" palahaw ko, na halos ikapatid ng aking mga ugat sa leeg. Maliban kasi sa ugali nitong ubod kong kinaiinisan, sumagi na lamang bigla sa utak ko ang ginawa niya sa akin noong gabing nasa hotel kami. Gusto kong imaktol sa kaniya 'to. Ilabas at isabog ang reklamo ng damdamin ko sa kaniya, na hanggang ngayon ay labis na tumu-torture sa isip at puso ko. Ngunit, nagpasya akong manahimik na lang. Ayaw kong marinig ang mga paliwanag niya.

Nagwika siyang muli, pero hindi na ito nai-process pa ng utak ko. Busy na namang naglakwatsa ang aking diwa sa kung saan. Unti-unti man, subalit damang-dama ko ang pagyakap muli ng kalungkutan sa akin. Gumuguhit sa kaluluwa ko, ang mga detalyeng ginawad niya sa akin noong mga oras na iyon. Sa una ay malabo, pero habang tumatagal, nagkakakulay ang black and white na senaryo.

"Kuya!"

Napa-igtad ako sa'king kina-uupuan, mabilis kong ibinaling ang mga mata ko kay Bakulaw. "Ano bang problema mo?!"

"Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito, hindi ka naman pala nakikinig."

"Ano bang paki-alam mo kung ayaw kitang pakinggan."

"So okay na?" sagot niya, na tila binaliwala ang sinabi ko. "Pupunta tayo bukas sa amin."

"Teka!" napakapit ako sa braso niya, gulantang na tinarayan siya ng titig. "Huwag ka ngang magdesisyon ng mag-isa!"

Kuya, pa-BUG naman po, please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon