Part 12: "7 Missed Calls"

7.8K 106 5
                                    

Hindi ko mapigilan ang pag-untog ng puso ko sa aking dibdib, sa tindi ng pagpintig, tila nagpupumiglas at gusto nitong kumawala buhat sa pagkakakulong sa loob. Pilit ko 'tong pinapatahan, subalit sa tuwing ipapantay ko ang aking tingin kay Bakulaw, ayaw nitong kumalma sa pagtalon at pagpapalahaw; sa paraan ng malalakas na pagkabog. Hindi ko mawari kung bakit ko nadarama ang nakakabinging kabang 'to. Marahil nahihiya ako sa kaniya dahil nakalimutan ko ang naka-skedyul naming pagkikita. Pero kahit na, wala sa sistema ko ang mahiya, lalo na hindi ko naman 'to sinasadyang makaligtaan. Ngunit hindi ko madaya ang aking sarili. Alam ko sa pinakasulok ng aking puso, merong namumuong hinanakit na nagbabadyang humulagpos mula dito.

"Sino ka nga ba ulit?" dinig kong boses mula kay Bakulaw. Dinapuan ko siya ng tingin, kausap niya si Mister Taiwanese. "Saan nga ba kita nakilala? Familiar ka sa akin."

"That hurt's Bro." sagot ng kausap nito, kasabay ang malakas na pagtawa. "Ako 'to, si Willy! Iyong tumulong sa inyo na gumulpi 'dun sa American boy!"

"American boy?Americano ka? Pero mas mukha kang hapon." kumubi ang kaliwang kilay ni Bakulaw.

"No!" bumagsak ng bahagya ang panga ni Mister Taiwanese, nababasa ko tuloy ang nasa isip niya. Kahit ako ay bahagyang napangisi sa tinuran nito. "Noong isang gabi, sa may park, tapos doon sa presinto, nakasama niyo ako. I can't believe you Bro, nakalimutan mo na kaagad iyon?"

"Ah! Ikaw yung madaldal na engliserong intsik!" pagturo nito kay Mister Taiwanese, na sunod-sunod na tango lamang ang isinagot. "So, e ano ngayon? Anong meron?"

"Hahaha! Ang suplado mo talaga Bro!" pagtapik ni Mister Taiwanese sa balikat ni Bakulaw. "Wala lang, nagkataon lang na nakita ka namin ni Lyka! Ano bang ginagawa mo dito?"

Inalis ni Bakulaw ang tingin nito kay Mister Taiwanese, nilipat sa akin. Subalit sakto palang ako nakaka-kurap ng ibalik niya ito sa kausap.

"Nagpapalamig lang, actually pauwi na ako, nagpapatay lang ako ng oras." sagot ni Bakulaw, pagkasulyap sa suot nitong orasan. Medyo nagliwanag ng kaunti ang kulimlim sa aking dibdib. Posible kayang nakalimutan niya rin ang dapat na pagkikita namin ngayon? "Sino siya? Girlfriend mo?"

"Whaaat?!" pag-angal ni Mister Taiwanese, medyo pumiyok pa ang boses nito. "Don't tell me nakalimutan mo narin si Lyka?! How rude Bro!"

"Joke lang. Hindi ko siya nakalimutan. In fact, hinding-hindi ko siya makakalimutan." sinibat niya ako ng titig, pero pakiramdam ko'y bigla akong namula, kaya dali-daling dumikit ang tuon ko sa sahig, at sa suot kong sapatos. Damn it! Ano ba ang nangyayari sa akin!

"Kasi, paano ko ba naman siya makakalimutan? Siya lang ang baklang hindi halatang lalake. 'di ba Kuya?"

Hindi ako makatingin sa kaniya. Parang hinihila paibaba ang mga mata ko, pinapanatili akong nakayuko. Tameme din ako sa panlalait na ibinala niya sa akin. Nakakapanibago, subalit hindi ko magawang umalma sa galit. Nilulunod ako ng aking puso sa ginagawa nitong pagtambol, na animo'y may live band sa ingay nitong magreact sa loob ng dibdib ko.

"Hahaha! Hanggang ngayon pa ba hindi parin kayo magkasundo?" tanong ni Mister Taiwanese, na walang nag-abalang sumagot maski sino man sa amin."

Hinawakan ako sa magkabilaang balikat ni Mister Taiwanese. Napatingin ako sa kaniya. "Lyka, are you okay? Bakit bigla kang tumahimik?"

"Ah, eh...Maalinsangan lang dito sa loob." pagpeke ko ng ngiti.

"Sa loob ng mall? Ang weird mo talaga Ate." sabat ni Gelo, na abalang binubusisi ang nabili nitong laruan.

"Namumula ka at nanginginig, you don't look well." ani ni Mister Taiwanese. "Gusto mo hatid ko na kayo ni Gelo?"

"I'm fine."

"I hate to interrupt you guys, pero maiwan ko na kayo. Naalala ko, may importanteng lakad pa pala akong pupuntahan." pagtalikod sa amin ni Bakulaw, kasunod ang paglabas nito sa mall.

"Wala paring pagbabago kay Charlie, laging busy, at suplado parin as always." pagsunod ng tingin ni Mister Taiwanese sa umalis, pagkatapos, ibinalik niya muli sa akin ang tuon nito. "Mauna narin ako Lyka. Tawagan nalang kita nexttime. Ang bilis talagang lumipad ng oras kapag nage-enjoy ka sa ginagawa mo."

Bigla niya akong hinalikan sa noo. Nagulat ako. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya ng ubod ng tamis. Kaya ganon na lamang kung gumalaw ng kusa ang aking labi, kumurba ito at umukit ng paletrang "U". Pero alam kong pilit iyon, dahil hindi parin maalis sa isip ko ang mga titig sa akin ni Bakulaw. "Damn it! Damn it! Lyka! Pagkakataon muna 'to! Hinalikan ka ng Prince Charming mo! Ano pa ang hinihintay mo! Tumili ka na!" ang nasa isip ko, pero ang kalahati nito ay nakikisimpatiya sa ginagawang pagwawala ng aking puso.

+++

"Ate, bakit bigla kang natahimik kanina?" bungad ni Gelo, habang tinatahak namin ang kalsada pauwi.

Hindi ako umimik. Wala akong sapat na mood para makipagtalastasan. Shit! Ano ba ang nangyayari sa akin! Dapat masaya ako dahil nakasama ko ng buong maghapon si Mister Taiwanese kanina! Hinalikan niya pa ako sa noo! And that means, nirerespeto at malaki ang paghanga niya sa akin. Pero kahit anong gawin kong paglimot, sisirko at sisirko parin sa utak ko si Bakulaw.

"Siguro naguguluhan ka 'dun sa dalawang lalake kanina 'no?" muling pukol na tanong ni Gelo.

Naguguluhan? Hindi. Malabong mangyari iyon.

"Kung naguguluhan ka, bakit hindi mo nalang sila pagsabayin." napadako ako ng tingin sa kaniya. "Mag threesome kayo."

Pumitik ang ugat sa aking sentido. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Maya't-maya pa, naramdaman ko na ang pag-akyat at pagkulo ng aking dugo. Bago pa'to tuluyang sumabog, nakatakbo na ng pagkatulin-tulin si Gelo. Walang humpay na habulan ang sumunod pagkatapos. Nahimasmasan na lang ako ng maka-uwi na kami. Lumutang sa imahinasyon ko ang parusang curfew sa akin nang sinalubong kami ni Tatay. Sa pustura niya, walang duda na hindi siya natutuwang nakabalik kami ng gabi na. Alam ko na ang susunod na kabanata. Panibagong parusa, at paalam na sa graduation gift niya sa akin nitong darating na lunes. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Nawala ang sabik ko sa bagay na minimithi kong makuwa sa aking pagtatapos ng pag-aaral. Pakiramdam ko wala na akong paki-alam sa regalo niya, maibigay man ito o hindi. Pakiramdam ko ang bigat-bigat ng puso, utak at ng aking katawan ngayon. Pakiramdam ko, wala akong gana.

Tinungo ko kaagad ang aking kuwarto pagkatapos kong maligo. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa sa kusina kung ano ang ulam. Hindi ko kasi mahagilap kung saan nagsuot ang appetite ko. Mas gusto ng aking tiyan na ilapat ito sa malambot na kutson, at ipahinga na ng tuluyan. Bumulagta ako sa kama. Medyo napaigtad pa ako ng maramdaman kong may kung anong bagay akong nadaganan. Hinablot ko 'to mula sa pagkaka-ipit sa aking likuran. Lumantad ang cellphone na nakalimutan kong dalhin kanina.

Siyam ang missed call na sumentro sa screen nito. Tig-isa para kay Mama at kay Tatay. At pito kay.....Bakulaw. Nakaramdam ako ulit ng isang kurot sa aking puso. But this time, pakiramdam ko hagupit ang isang iyon. Naalala ko kung paano ko siya nakita kanina. Sa may entrance ng mall, na tila abalang may kausap sa kaniyang telepono. Isa pang latay sa puso ang naramdaman ko, kasabay sa pag-alala sa mga naisambit niya kanina;

"Nagpapalamig lang, actually pauwi na ako, nagpapatay lang ako ng oras."

Sa isang banda, bigla nalamang pumatak ang luhang hindi man lang nagpa-alam, na humagos sa aking pisngi. Napapunas ako sa matang pinagdulutan ng sutil na butil ng tubig, pero sa pagtama ng aking palad sa mga paningin ko, tuluyan na itong nabasa. "Bakit? Bakit ako umiiyak? Bakit ako malungkot?" mga katanungang kusa na lamang lumabas sa aking bibig.

Sumubsob ako sa kama. Doon, isinumbong ko sa nanahimik na unan ang lahat ng katanungan at kalungkutang hindi ko maintindihan. Subalit nahinto ang pagpighati ko ng tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko 'tong dinampot, at napangiti nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Kuya, pa-BUG naman po, please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon