Part 17: Mr. Worst Guy (Part II)

7.3K 91 6
                                    

"Bakulaw!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa kama, nagulat kasi ako nang biglang magring ang aking cellphone na nakatambay sa itaas ng study table. Napatakip pa ako ng mukha, gamit ang isang palad, nang mahagip ng aking mga mata ang sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana. Parang otomatikong gumalaw naman ng kusa ang ulo ko, at tinalunton ang orasang nakasabit sa dingding. 7:30 na pala ng umaga.

Tamad na tamad ang pakiramdam ng mga binti ko nang bumaba ang mga 'to sa kama, nag-unat ng ilang segundo ang magkabilaang braso at pina-ikot ng pakanan at pakaliwa ang balakang, bago ko tuluyang binigyan ng pansin ang teleponong kanina pang putak ng putak.

"Si Mister Taiwanese." bulong ko sa sarili, nang makita ang pangalan ng tumatawag.

Sumagi sa isip ko ang nangyari sa aming tatlo kagabi. Ang pagkakonsumisyon ko sa pagkain ng maraming seafood sa isang restaurant, ang nakakabinging ingay ng mga tao sa loob ng bidyoke bar, ang pag-akay ko kay Mister Taiwanese at Bakulaw sa kalsada sa kalagitnaan ng gabi, at ang pagpasok ko sa isang hotel kasama ang dalawang lasing. Bigla tuloy akong napasapo sa aking ulo nang makaramdam ito ng matinding pagkirot. Naalala ko ang ilang bote ng alak na pinilit kong itinungga sa aking lalamunan. "Ito na yata ang tinatawag nilang hangover."

"Hello?" tipid kong bungad sa kabilang linya, wari'y wala pa sa kundisyon ang aking bibig para magsalita.

"Where are you?!" napangiwi ako sa tinis ng kaniyang boses, hindi ko maintindihan kung ang dating ba ng kaniyang tinig ay galit, o nag-aalala.

"Nandito, sa bahay namin." tipid ko paring usal. Gustohin ko mang makipagdaldalan, ang problema, talagang latang-lata ang pakiramdam ng katawan ko ngayong araw na'to. Wala sa mood. Marahil dahil sa nangyari kagabi.

"Thank god! I'm so worried! Akala ko kung ano nang nangyari sayo!"

Umukit ng ngiti ang aking labi. Ewan ko ba kung bakit, pero nakaramdam ako ng tila kiliti sa puso. "Kamusta kayo?"

"I think i need a medicine. I feel like, my head is splitting into two." ngiti lang ang naigawad kong sagot sa kaniya. Corny man, pero naisip ko ang salitang destiny. Dahil parehas kami ng nararamdaman sa kasalukuyan. "How about you? What's up?"

"Masakit din ang ulo ko."

"Halata nga, ang tamlay ng boses mo." tumahimik ng ilang segundo, marahil ay hinihintay niya akong sumagot. "Anong nangyari kagabi Lyka? How do we get here?"

"Mahabang kuwento." halos pabuntong-hininga kong sagot, nilalabanan ang kirot na tumutorture sa aking bumbunan.

"How come wala ka dito? 'di ba magkasama tayo kagabi?"

"Umuwi na ako ng maihatid ko kayo ni Bakulaw diyan." sagot ko, habang sinasabunutan na ang sarili, upang mapawi kahit papaano ang parang pagbiyak sa aking ulo.

"Oh, is that so." tila lumungkot ang boses niya. "Listen, i'm sorry kung nakita mo akong nalasing. The truth is, mahina ako sa alak."

"Wala 'yun, parehas lang naman tayo." muling nagning-ning ang ngiti sa aking labi, nasa isip ko parin ang salitang destiny.

"HOY! BAKLANG KUYA! NASAAN KA?!"

Tuluyan ng napalayo sa tenga ko ang cellphone. Napakunot pa ako ng noo sa sakit, nang biglang may sumigaw sa kabilang linya. Pakiramdam ko'y parang may karayom na tumusok sa eardrum ko. Sa tindig palang ng kaniyang tinig, at sa hubog ng pananalita, walang duda, isa lang ang kilala kong may ganitong mayabang na boses.

"Ano bang problema mo?! Bakulaw ka!" napapakagat na ako ng labi sa inis.

"NASAAN KA?! BAKIT WALA KA DITO?! HUWAG MONG SABIHING NAIWAN KA NAMIN 'DUN SA BAR?!"

Kuya, pa-BUG naman po, please?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon