"Ang lakas ng ulan." Yakap ko ang aking sarili, kinokontrol ang panginginig ng katawan, buhat sa lamig na sumisiksik sa mga kalamanan ko. Lalo pang nagpapatindi sa ginaw, ang basang damit at pantalon na humapit na sa aking balat, mapagkakamalan tuloy na parang kakagaling lang sa labahan. "Gusto ko ng umuwi."
"I know." ika ni Mister Taiwanese, hawak din ang sarili. "But we can't go yet. Aside from getting wet, zero visibility ang kalsada. Baka maaksidente tayo."
Nakatanglaw siya sa kahabahan ng highway. Tila nag-iisip ng paraan kung paano makakabiyahe ulit. Tama siya, kung pipilitin kong magpahatid sa kaniya, baka sa hospital ang uwi namin imbis na sa bahay. Wala ni isang anino akong masulyapan sa daan, puro tubig na pinapana ng langit ang nakikita ko. Wari'y isang senaryo tuwing madaling araw ang paligid. Napakakapal na amog ang yumayakap sa amin. Kaya siguradong kapahamakan lang ang naghihintay, kung ipagpapatuloy namin ang pagbagtas. Suwerte na ngang maituturing na makahanap kami ng waiting shed para pagsilungan.
"I'm sorry, kasalanan ko 'to." umupo siya sa tabi ko, ngunit ang mga paningin ay nasa malayo parin. "Hindi na dapat kita dinala dito."
"Talaga." sa wakas, napadapo ko rin ang mga mata niya sa akin. "Dapat naka-uwi na ako niyan. Nagpapagulong-gulong sa kama, ninanam ang sarap ng lamig!"
"I'm sorry." napayuko siya. Bigo ako sa inaasahan kong babawian niya ako ng debate, at tuluyang makipagbiruan. Ngayon ko lang napansin, may pagka-serious type pala siya. Taliwas sa gusto ko sa isang lalake. Tipo ko kasi iyong kahit gaano pa ka-stress ang kinasasadlakan, makukuha niya parin magbiro at tumawa. Pero okay lang, si Mister Taiwanese naman 'to. Guwapo na, mabait, mabango at gentleman pa! Bonus na iyong matipuno niyang katawan at tangkad na pang-basketball player! Dapat nga nangingisay na ako sa kilig kaysa sa ginaw! Once in a blue moon lang 'to, kaya dapat, karerin ko na!
"Biro lang! Ito naman ang seryoso masiyado!" pagtapik ko sa braso niya, paraan ko upang magsimula ng kuwentuhan. Bigla ko kasing naisip, na kami lang dalawa sa waiting shed na 'to. Para kaming iyong mga bidang kuwento sa mga nobela. Hindi ko tuloy mapigilan ang pag-ikot ng aking balakang sa kilig! Sumasagi pa sa isip ko ang kaninang scene namin sa may burol. Alam ko malinaw pa ang aking pandinig, at matalas pa ang memorya, kaya hinding-hindi ko makakalimutan ang mga binanggit niya sa akin. "Totoo ba iyong sinabi mo kanina?"
"'yung alin?"
"Iyung ano..." dama ko ang pag-untog ng aking puso sa dibdib, kasabay ang pagba-blush ng pisngi. Nakikihalo pa sa pagkataranta ko ang hiyang lumulukob sa aking katawan. Nakatingin ako sa sahig, habang pilit na pinagdudugtong ang dalawang hintuturo. "Iyong alam mo na...Iyong ano..."
"Nung nag i love you ako sa'yo?"
Parang sinampal ako ng malakas na hangin, nangalambot ang mga tuhod ko. Hindi man lang siya nagpaligoy-ligoy, straight to the point! Pakiramdam ko, diresto pa tumama sa puso ko ang mga salitang iyon, kaya tuloy tila mawawalan ako ng balanse dahil sa panghihina ng mga paa ko. "O-o-oo."
"Yep, that's true."
Naloko na, kung 'di ako magpapakatatag, hahalik ako sa sahig! Heto na iyon, moment ko na 'to! Sa akin ka na ngayon Mister Taiwanese! "Ba-bakit?" gusto kong suntukin ang sarili ko, at bawiin ang tanong na idinulas ng aking dila. Imbis na i love you too ang isagot ko, naunahan ako ng aking isip na mag-usisa.
"I don't know." muli niyang ibinaling ang kaniyang tingin sa daan. "Alam ko lang na gusto kita."
Ganon pala eh! Halikan mo na ako! Iyon ang mga gusto kong ibulalas sa kaniya, subalit umiiral parin sa akin ang pagiging dugong-dalagang pilipina. "Pe-pero bakit nga? Halos kakakilala palang natin 'di ba?" the fuck?! Bakit ko ba 'to tinatanong?! Gusto kong isumpa ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Kuya, pa-BUG naman po, please?
HumorDISCLAIMER: This story is not mine. All credits go to the rightful owner. I just re-post this story because it's damn worth sharing. Pinabasa lang sa akin ito ng friend ko long years ago. I was checking my files in my hard drive then i saw this. Na...