Maghahapunan na nang magising ako. Pakiramdam ko, hindi parin nakakabawi ang aking katawan sa nakolekta nitong stress buhat sa kahapon. Kahit halos kalahating araw lang lahat nangyari iyon, feeling ko parin parang isang linggo akong nagtrecking sa pagod. Dinapuan ko ng tingin ang orasan na nakasabit sa ding-ding, 6:25 na. Limang minuto nalang at ipapalabas na sa telebisyon ang paborito kong telenobela. Bahagya pa ako nakipagtalo sa isip ko kung ano mas mahalaga, ang kama o ang T.V.? Kaso wala pang limang segundo nang makapagdesisyon ako. Who the hell cares about soap operas? Kapag ganito kalobat ang katawan, ang sarap nitong iunat-unat habang nakahiga sa kama. Sumiksik sa malambot na unan at amoy-amoyin ang bango ng kumot. Lalo na ang lakas pa ng ulan sa labas, pumapasok lalo sa kalamnan ang hypnotismo ng antok. Pikit lang Lyka. Maya't-maya ay nasa bundok ka na ng mga bulaklak. Kapiling si Mr. Taiwanese. Nakangiti siya sayo. Hahawakan ka niya at aayusin ang bangs mo na tumatakip sa iyong mga mata. Tapos unti-unti niyang ilalapit ang mukha niya sayo. Aasintain ang labi mo. Isang pulgada na lang ang agwat niyo sa isa't-isa. Dahit dito, nalalanghap mo na ang hininga niya, na amoy.....Bagoong?!
"Kakain na daw Ate."
Tila nakarinig ako ng mahabang pagpunit sa background music na iniimagine ko, nang maimulat ko ang aking mga mata at makita ang kapatid ko na halos magkapalit na kami ng mukha sa lapit. Nakanguso pa ito na parang naghihintay mahalikan.
"The fuck?! Gelo?!" napa-atras at napa-upo ako mula sa pagkakahilata. "Anong ginagawa mo?!"
"Naka-pout ka kasi, kaya ginaya kita. Gusto ko kasi malaman kung ano at sino ang pinagnanasahan mo sa panaginip." umupo siya sa may gilid ng kama. "Anong posisyon ang ginagawa niyo sa panaginip mo Ate?"
"Po-po-position?! Ano?! Anong pinagsasabi mo?!" bumulaga ang mga mata ko sa pagkadilat. Gulat na gulat. "Napakabata mo pa para mag-isip ng mga ganyang bagay! Anong pinagsasabi mong mga sex position?! Isusumbong kita kay Tatay!"
"Sex position?" tumagilid ang ulo nito, sinibat niya ako ng tingin, iyong tipong nagtataka at wari'y napaka-inosente ng titig. Napataas tuloy ako ng kilay. "Ang ibig kong sabihin kung ano ang posisyon niyo habang naghahalikan kayo nung nasa panaginip mo. Nakahiga ba o nakatayo? Naka-upo o nakaside?"
Natameme ako. Gusto kong dumepensa pero nanatili lang nakabagsak ang aking panga. Tiyak alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Tay! Si Ate oh may naka sex na! May naka se---" mabilis pa sa alas-kuwatro nang hablutin at takpan ko ang bibig niya, sabay sulyap ng tingin sa pinto ng kuwarto kung papasok si Tatay.
"Okay! Okay! Just shut the hell up! Panalo ka na! Anong gusto mo para tumahimik ka lang?" panggigigil ko sa kaniya. Sa totoo lang, kung hindi ko siya kapatid, matagal nang naibalita sa mga news channel na may natagpuang batang lalake na pugot ang ulo at palutang-lutang sa ilog.
"Bagong game console, puwede na iyong PS3." pagtanggal niya sa palad ko na nakabalahandra sa kaniyang bibig.
"What?! Wala akong pera! Lower!"
"Bagong bala nalang ng NDS."
"Lower! 100 pesos below!"
"Tay si Ate oh! Nakipag Dog sty---" hinigpitan ko lalo ang pagtakip sa kaniyang bunganga at nangangambang tinapunan ulit ng tingin ang pinto ng kuwarto.
"Okay! Deal na!" dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakapulupot na sa mukha niya. "Nagtataka na ako ah, saan mo ba natututunan ang mga salitang iyan?"
"Sa saturday magmo-mall tayo, okay? Ate?" malapad na ngiti ang bumabalot sa pisngi niya. Bumaba siya sa kama at aktong lalabas na ng kuwarto. "Saka pala bagong poster ng mga anime character ah, Ate?"
"Huh? Hindi! Kung ano ang pinag-usapan natin, iyon lang! Tapos!" pagbalik ko sa pagkakahilata kasabay sa pagyakap sa unan.
"The fuck?!"
BINABASA MO ANG
Kuya, pa-BUG naman po, please?
ComédieDISCLAIMER: This story is not mine. All credits go to the rightful owner. I just re-post this story because it's damn worth sharing. Pinabasa lang sa akin ito ng friend ko long years ago. I was checking my files in my hard drive then i saw this. Na...