Young Love [1]

30.7K 277 26
                                    

YOUNG LOVE [1]

by: tiffanism

Chanho's POV:

Homeroom period ngayon. Confident akong nakangiti, alam ko kasi na ngayon pipili si Sir ng mga contestants per competition para sa Science Fair next week. One week din ang Science Fair sa school. Ang mga activities ay: Slogan Making, Poster Making, Jingle Rapping, Futuristic Dance, Futuristic Attire, Science Investigatory Project (for honors class only) and etc.

Kaya siguradong magiging busy kami for two weeks. Since 1st year ako, sumasali na ako sa Jingle Rapping at Futuristic Dance. Yeah, napapagsabay ko yun kahit na may S.I.P pa kami. Marunong ako mag manage ng time ko eh. BILIB na kau? ;)

"Slogan Making, we need three students to represent our section.." nakaupo si Sir ngayon habang sinusulat yung tatlong tumaas ng kamay. Psh. SLOGAN MAKING? Asa! Never akong sasali jan. Three students din ang kailangan sa poster making, and again may tatlong students na nag-volunteer, extra co. pa yan eh! :D

"Okay. Sa futuristic attire.. we need one boy and one girl." hayy, hindi ba pwedeng unahin na lang ang futuristic dance o di kaya jingle rapping? ATAT na akong itaas ang kamay ko eh. -_____-"

"Sir, what about Chanho?" bigla akong tinuro ng class president namin. Nag-nod naman yung mga kaklase ko. Yung iba pa nga nakiki-"oo".

"Oo nga! Chanho, ikaw na ang model ng section natin." 

"Pero Sir--!" what? Oo nga at gwapo ako (mahangin!) pero MODEL? Nah! NEVER. >_<

"Wala ng pero-pero, whether you like it or you really really like it. IKAW na." aisshh. Di na ako nakapalag nung sinulat na ni Sir yung name ko. Minsan talaga napaka-isip bata ng adviser namin. =____=

"So, sa babae? Sinong willing??" nilibot ko yung paningin ko sa mga kaklase ko. Ni isa wala man lang tumaas ng kamay. See? Wala talagang may gusto pagdating sa rampahan. At isa pa, recycled materials pa naman ang ipapasuot sayo. Grrr!

Nabadtrip na man ako kaya pinatong ko yung ulo ko sa braso ko at pumikit. BADTRIP talaga! Jingle Rapping at Futuristic Dance lang naman gusto kong salihan eh!

Bigla akong may narinig na papalabit na yabag. "Good Morning Sir. Good Morning, classmates. May I come in?" psh. Nalate na nga masaya pa yung boses nya. 

"Yes, you may.. not." nagtawanan naman yung mga kaklase ko sa sinabi ni Sir. KITA nyo na? ISIP-BATA adviser naminn!! =____=

"Teka, tama!!" itong class president namin, ang ingay-ingay. Parang nakalunok ng microphone sa sobrang lakas ng boses kung magsalita. Lagot sya sa akin mamaya recess, bigla ba naman akong i-volunteer! "Sir, si Hana na lang ang kapartner ni Chanho." dun na ako napabalikwas at umayos ng upo. Hana? Tumingin ako sa harap. Nakita ko yung kaklase ko na nalate na nakaturo sa sarili nya. Nasa harap pa sya nun, kasi kabibigay nya pa lang ng late slip nya kay Sir.

"AKO? Never! Sasali na lang ako sa Jingle Rapping wag lang sa Futuristic Attire na yan!!" nice one, parehas kami ng gusto. Napatitig ako sa kanya. Kaklase ko pala sya? Hana yung name nya right? Bakit ngayon ko lang sya napansin? Nakapag-usap na ba kami? Parang wala pa ah! Grabe, kaklase ko 'di ko kilala? POSIBLE pala yun?? o.O

"Sorry Hana. Pero ikaw na ang napili ng klase kaya wag ng tumutol pa." 

"Sirrr!!" halata mong ayaw nya rin. Well, di ko sya masisisi.

"Umupo ka na Hana. Hindi na magbabago ang desisyon ko."

Nakitang kong nag-pout sya bago umupo sa third row. Nasa first row ako kaya malayo ang pagitan namin. Grabe, bakit ngayon ko lang sya napansin??

BAKIT NGAYON KO LANG NAPANSIN NA MAY KAKLASE PALA AKONG SOBRANG... CUTE?? 

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon