<--- Don't forget to vote and to post your comments below! ;)
YOUNG LOVE [16]
by: tiffanism
Hana's POV:
Hindi na lang namin pinansin ni Josh yung kanina. Fast forward na nga! Baka himatayin pa ako sa sobrang kilig. xDDDD
"Hana! Ang cute ng bonnet mo!!" sabi sa akin ni Jane, magkatabi kaming nakaupo ngayon sa bleachers. Nasa gym na kasi kami at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang program. Ngayon na ang last day celebration namin ng Sci-Tech Fair '11.
"FYI, kay Chanho kaya yan.." nakangiti si Abbie. "Kyaa! Nagseselos na ako." tapos nagpout sya. Halata naman masyadong may gusto si Abbie kay Chanho. Well, who wouldn't?
Biglang dumaan si Gongchan sa harap namin. Hindi pa nga ata nya ako nakita eh. Kaya tinawag ko naman, "Gongchan!!" lumingon naman sya. Sinenyasan ko na lumapit sa amin. Nag-atubili pa sya nung una pero nung nakita nya na magkatabi kami ni Abbie eh, lumapit kaagad!
"Goodluck mamaya." yun lang yung sasabihin ko. Nyahaha! Gusto ko lang kasi syang mapansin ni Abbie.
"Goodluck din." weh? Nagpapacute si insan! ^o^
"Nga pala, Gongchan si Jane at si Abbie.."
"Hello!!" nagwave pa si Gongchan with matching cute eyes pa yan. Naman!
"Hi..!" tiningnan ko yung reaksyon ni Abbie. Whoa!!
"Gongchan, tara na. Inahanap ka ni Maam." tawag sa kanya nung kaklase nya.
Napahawak si Gongchan sa batok. Alam kong naiinis yan. Haha! Ganyan kasi ginagawa nya everytime na naiinis sya secretly.
"Sige, nice meeting you pala." tapos umalis na sya.
"Oouuucchh!" >__<
Tama bang kurutin ako? CHILD ABUSE!!
"Kyaaah! Kaano-ano mo si Gongchan??" tanong sa akin ni Abbie. "OMG. Bakit ngayon ko lang sya napansin??"
"Errr, pinsan ko sya."
"TALAGA!?"
"Oo." niceee! Mukhang natulungan ko si insan ah! Kailangan ko ng premyo mamaya. Mailakad nga itong si Gongchan.
"Alam mo Abbie, yang si Gongchah.. never pa yang nagka-girlfriend."
"Ahhh. Talaga?" naging seryoso na sya. Halatang interested sya sa topic namin.
"Oo, kasi gusto nya na yung first girlfriend nya ang makakatuluyan nya forever."
"Waa! He's so romantic!!" nakita kong namumula sya. Ang cute~!
Natawa naman si Jane. "Hoy Abbie, kanina lang si Chanho pinagpapantasyahan mo. Ngayon naman yung pinsan ni Hana.."
Napasimangot naman si Abbie. "Eh kay Chanho na si Hana eh." then tinapik nya ako sa balikat. "Akin naman si Channie!!" ^w^
"CHANNIE!!??" sabay pa kami ni Jane. "Sino yun?"
"Si Gongchan. Nickname nya lang sakin yung CHANNIE." tapos kinikilig syang sumandal sa balikat ko. Adikk din!
Pag narinig 'to ni Gongchan, malamang kikiligin sya. Mouhaha!!
"Hana, Jane.. tara na!" tawag ni Hyunsung sa amin. Syempre bumaba na kami at pumunta sa band room. Phew. Magsisimula na ang program. Ilang minuto na lang, magpeperform na kami. Sana manalo kami.
Nagsimula na ang program. Nagkaroon muna ng prayers then after that singing of the national anthem. Nagkaroon din ng opening remarks si Maam Principal.
Inaannounce na ngayon ang mga guidelines for Jingle Rapping. After nun, tinawag na rin yung mga judges. Kinakabahan na talaga ako. Kami kasi ang first performer.
"Tingin muna kayo sandali dito." humarap naman kami kay Chanho. This time, seryoso na rin sya.
"Wag kayong kabahan. Ienjoy nya lang okay? Kasama yun sa criteria, ipakita nyo yung totoong smile nyo mamaya." nag-nod lang kami. "Kailangan nating manalo. Last year na natin ito kaya dapat sulitin."
"GROUP HUG! GROUP HUG!" sila Jane at Lia yan ha!!
Nagkibit balikat naman si Chanho. "Okay, group hug."
Naggroup hug naman kami. "Manalo, matalo cute pa rin kami!!" natawa nalang kami kay Yoseob. Whoo! Kahit papaano, nawala yung kaba ko.

BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O