Young Love [2]

9.4K 144 9
                                    

YOUNG LOVE [2]

by: tiffanism

Chanho's POV:

Seryoso! Bakit ganun? Bakit ngayon ko lang SIYA napansin? Since 1st year na ba kaming magkaklase? Kinalabit ko si Youngmin. Humarap naman sya sa akin. "Ow, bakit dude?"

Tinuro ko si Hana. "Yang si Hana, kaklase na ba natin yan since 1st year?"

Napakunot sya ng noo. "Oo. Bakit? Don't tell me ngayon mo lang sya napansin??" 

"Ehrm." napahawak ako sa batok ko. "Yeah.. hindi ko nga alam kung bakit eh."

"Gago! Totoo ka?" tapos tumawa sya. "Si Hana hindi mo kilala?? Hahaha!" tinapik nya ako sa balikat. "Snob ka lang siguro pagdating sa mga babae. Tsaka, sa sobrang kasikatan mo sa school, 'di mo man lang kinikilala yung mga kaklase mo. Tsk!"

Ouch ha! Nasaktan ako sa sinabi nya. Tama nga siguro si Youngmin. Pagdating sa mga babae, medyo snob ako. Ewan ko ba, hindi lang kasi ako comfortable makipag-usap sa mga babae. Siguro dahil lumaki ako na ang dad ko lang ang nagpalaki sa akin, only child din ako at halos lahat ng mga pinsan ko, LALAKI.

"Okay, we proceed to jingle rapping." nag-taas agad ako ng kamay. Tsaka yung ilang mga kaklase ko rin, nakita ko na nagtaas din si Hana ng kamay. "Mas maganda kung tumayo na lang yung mga sasali then sabihin nyo kung anong instrument ang ip-play nyo."

Nagtayuan naman kami. Since anim ang kailangan, anim lang din ang tumayo. Naunang nagsalita si Yoseob. "Sir, guitar ang akin." Parehas sila ni Lia. Sina Hyunsung naman at Jane ang kakanta at magra-rap. "Sir, ako ang drummer." ngumiti lang sa akin si Sir then tumingin na sya kay Hana, ako rin napatingin.

Umakto sya na parang nagpi-piano. Then she gigled. "Akong sa piano, sir!"

"Hoy, Hana. Sigurado ka? Wala ito. Baka matalo section natin dahil sayo." mukhang niloloko sya ng isa naming kaklase na lalaki. Napakunot ako ng noo. Lagi ba syang inaasar?

"Ang sama mo talaga!" tapos nagcross-arms sya at pabagsak na umupo. Again, kahit na nakasimangot sya, i still find her cute. >_<

"Hoy, wag nyo naman inaaway si Baby HANA.." nagboses-baby yung isa pa namin na kaklase. Tawanan ulit sila. Mukhang.. hindi lang ako ang nacu'cute-an sa kanya ah. I have a feeling kasi na kaya sya inaasar ng mga kaklase nami kasi, mas lalo syang cute pag naiinis. Hoy, hindi yun INSULTO ha!

Mukhang hindi lang pala sya cute.. CHILDISH din pala! Tsk, yun lang siguro maipipintas mo sa kanya. I HATE CHILDISH pa naman. PROMISE! Kakaturn-off naman oh. Sayang sya! >_>

"Hmp. Childish pala." mahinang sabi ko pero narinig pa rin ako ni Youngmin? o_O

"Bakit dude, ayaw mo ng childish? Nice nga nun eh. INOSENTE! Crush ko nga yang si Hana eh."

Nag-shrug lang ako. "Oo eh. Grabe naman kasi, 4th year na sya.. childish pa rin? Tss. Parang si Sir Adviser lang din."

"Ikaw.. basta para sa akin, okay lang ang mga childish." e di wala akong magagawa, it's your opinion!

Sumali rin ako sa Futuristic Dance. Nung nag-chime na, umalis na syempre si Sir. Pumasok yung next teacher namin sa English. 

Nga pala, Chanho Song is the name. 4th year hs. 16 yrs. old.  Talented (wag na palag!). Sikat (totoo naman eh!). Marunong sa time management, mature ako mag-isip eh.. hindi tulad nung Hana na yun. 

After ng prayer and greeting, pinaupo na kami. May quiz pala kami sa mga greek gods and goddeses. Buti na lang familiar ako sa kanila, dahil kung hindi, malamang nagpapanic na ako ngayon. Wala ako nakapag-study eh. :/

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon