YOUNG LOVE [3]
by: tiffanism
Hana's POV:
"Hayy, salamat." napatingin sa akin yung seatmate ko. Pinakita ko naman yung papel ko, i got 23/25 sa quiz namin sa English. "Not bad, right?" Nag-nod lang sya sa akin. Pagkatapos marecord ni Maam yung mga score namin, saktong nag-chime. Bigla akong napa-clap. Physics kasi ang sunod, and I have a feeling na hindi maglelecture si Maam. Kailangan nya pa kasing ipa-meet ang mga grupo for SIP.
And, tama nga yung feeling ko! After kasi ng greetings sinabi sa amin ni Maam na the whole period will be used for planning para sa upcoming Science Fair. Sumigaw naman si Hyunsung nun. "Mga Jingle Rapping Contestants, meeting muna sandali!!" syempre lumapit ako. :D
Paglapit ko, bigla akong kinurot sa pisngi ni Jane. Parang nanggigigil sya sa akin. "Baby Hana, bakit ang cute cute mo?"
Hehe! HANA LEE pala. 4th year hs. 15yrs old. Mahilig sa chocolates! And jolly!! ^o^
"Tama na muna yan." napatingin kami ni Jane kay Chanho. Ang seryoso nya. Well, lagi naman!
Pero kahit ganyan yan.. CRUSH ko yan! Yeah. Pero parang 'di nya nga ako nakikita eh.. kahit na magkaklase kami. Hindi kasi sya masyadong nakikipag-usap sa mga babae.
"Sinong gagawa ng kanta natin?" tanong nya sa amin.
"Ako!" napatingin sya sa akin. Eeppp. Kinikilig ako. >_<
Napataas yung kilay nya. "Kaya mo?"
Grabe naman. Magvo-volunteer ba ako kung 'di ko kaya? Nag-nod lang ako.
"Ganito, tayong dalawa na lang ang gagawa. Magkita tayo sa library mamayang dismissal." talaga? OHEMGEE! Ngayon ko lang din narealize.. first time nya akong kinausap. NAKSSS!! Yihie.
Natuwa naman ako kaya grabe talaga yung ngiti ko. Malay nyo.. after nitong Science Fair, maging close kami!! ^__^
"Sige, may meeting pa ako sa Futuristc Dance. Iinform nyo lang ako kung may mga problems." tapos umalis na sya. Grabe, napakabusy nya. Hayy, he's so responsible.
Nung nakaalis na si Chanho, wala naman na kaming magawa kaya nagchikahan lang kami ni Jane at yung ilang mga kaklase ko. Mga ilang minutes nilapitan ako ni Abbie, isa sa mga kikay sa room.
"Tara Hana, meeting muna tayo sandali para sa futuristic attire." oops. Nakalimutan kong ako pala ang representative ng room. Naman! Tapos si Abbie yung magiging designer namin.
Pero teka, diba si Chanho yung partner ko? Diba? Diba? Bigla tuloy akong ginanahan. Haha!!
Umupo kami sa hagdanan malapit sa door. Tapos si Chanho, kararating nya lang. Nakatayo lang sya sa.. HARAP KO! Pero, hindi sa akin nakatingin eh. Kay Abbie. >_<
"Anong concept na ba ang naisip nyo?" tanong nya kay Abbie at sa dalawa pang designers ng room.
"Royalties!"
"Okay. Deal ako jan." aalis na sana sya nun kaya lang biglang nahulog yung ballpen ko. Pinaglalaruan ko kasi..
Pinulot nya yung ballpen tapos binigay sa akin. Then, umalis na sya. Aishhhh!! >__<
"Hayy. Ang gwapo talaga ni Chanho 'no?" kinikilig pa si Abbie.
"He's not.." napaharap naman sya sa akin ng wala sa oras. Ewan ko ba, matamlay ko silang iniwan. KAILAN BA AKO MAPAPANSIN NI LONG TIME CRUSH.. CHANHO HAH??
Tsaka yung kanina, he's not gwapo kasi.. he's SUPER DUPER GWAPO. >:P

BINABASA MO ANG
Young Love
Roman pour AdolescentsAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O