Young Love [15]

6.4K 143 13
                                    

<--- Don't forget to vote and to post your comments below! ;)

YOUNG LOVE [15]

by: tiffanism

Hana's POV:

Naglalakad kami ngayon pabalik ni Chanho sa room. Bati na kami, yehey! Hindi ko naman kasi kayang tanggihan yung sorry nya. >___<

"I told you, close sina Hana at Chanho!!"

"Omo, tingnan mo o, nakaakbay pa si Chanho kay Hana. Selos ako."

Napakunot naman yung noo ko. Tama ba yung mga narinig ko? May nagseselos sa akin? Kyaah! Napangiti ako bigla. Akalain nyo yun.. siguro bagay rin kami. ;D

Naramdaman kong hinigpitan ni Chanho yung pagkakaakbay sa akin. "Goodluck sa atin mamaya!" nakakasilaw naman yung ngiti nya. >_>

"Goodluck din." 

Pagpasok namin sa loob, syempre inalis na ni Chanho yung pagkakaakbay sa akin. Nasa loob na kasi si Sir para sa checking of attendance, and after this.. kailangan ng pumunta sa gym for the program.

Nagulat nalang ako nung umupo si Chanho sa tabi ko, late kasi yung seatmate ko. Ngumiti na naman sya. :">

Napansin ko na may suot na syang cute na bonnet. Grabe, nacute'an talaga ako. Napansin nya siguro na nakatingin lang ako sa bonnet nya. "Cute ba?"

Todo naman yung nod ko. "Gusto mo isuot?" tanong nya sa akin.

"Okay lang?" naninigurado lang. HAHA! Siguro kumikislap na mga mata ko!

"Ano ka ba, syempre okay lang.. malakas ka sa akin eh." okay, anong gusto nyang palabasin? >//<

Tinanggal nya yung bonnet, tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso ko nung sya mismo yung nagsuot sa akin ng bonnet. Inayos nya pa nga yung ilang hibla ng buhok ko. "Ayan, mas bagay pala sayo eh!" tapos kinurot nya yung pisngi ko. "Suotin mo yan hanggang mamaya ha? Well except kung futuristic attire na." kumindat pa sya. >/////////////<

"Thanks!!" hinawakan ko yung bonnet. "Bagay talaga sa akin?"

"Oo nga eh. Ayaw mong maniwala?" bigla nyang tinawag si Josh, yung nasa harap namin. 

"Bakit?" tanong ni Josh. Tinuro naman ako ni Chanho. "Anong masasabi mo sa bonnet ni Hana? Bagay ba sa kanya?"

Nahiya naman ako, kaya hindi ako makatingin sa kanila. 

"Langya 'tol! 'Di ba iyo yan? Ang daya talaga kahit kailan. Bakit si Hana pinahiram mo, ako hindi?" napakamot naman si Chanho sa batok. "Pasensya na lang, okay?"

Napangiti na naman ako ng wala sa oras, feeling ko tuloy special treatment ang nakukuha ko kay Chanho. *U*

"O ano, bagay ba sa kanya?" nayayamot na si Chanho.

"OO! Mas lalo syang naging cute!!" akmang kukurutin ni Josh yung pisngi ko pero biglang sinampal ni Chanho yung kamay ni Josh palayo.

"Oopps. Hindi dahil cute sya, eh pwede mo na syang hawakan."

Nagkatinginan kami ni Josh. Chanho.. he's getting weird day by day. REALLY. Hindi pa ba sya sanay na halos lahat ng mga kaklase namin eh kinukurot yung pisngi ko? o.O

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon