YOUNG LOVE [21]
by: tiffanism
Hana's POV:
Tapos ko na rin ang homeworks ko. Time to sleep! :DD
Hindi ko muna sinagot si Chanho, feel ko kasi napakabilis naman masyado kung ganon. Gusto ko lang makita kung gaano sya kasincere sa akin although kitang-kita ko na talaga. Mouhaha! O sya, matutulog na ako. Maaga pa ako bukas eh.
Nagising ako dahil may tumatawag sa cellphone ko. Aish, ang gamit ko kasi na alarm clock eh yung cellphone ko kaya nasa katabing table lang ng kama ko. Paulit-ulit itong nagri-ring. Kainis naman, ang sarap ng tulog ko. =___="
adajsdh, 3:30 am pa naman. Tiningnan ko yung caller. O_________O?
Sinagot ko kaagad, "C-chanho, bakit ka tumawag?"
Hindi sya sumagot. "C-chanho..?" eh?
"Hana.." teka, bakit parang umiiyak sya?
"Chanho, umiiyak ka ba? Anong problema?" kinakabahan ako. Bakit sya umiiyak?
"N-namatay kasi yung lola ko sa province." suminghot sya. "Ang sakit, sobra. 2 years ko syang 'di nadalaw." narinig ko syang nagsabi ng bad word. "AHHH. Sorry. Sorry kung naabala kita.. kailangan ko lang kasi ng makakausap. Kailangan kita."
"Ano ka ba, okay lang. My condolences." naawa ako sa kanya. Buti na lang at malapit lang sa amin ang mga lolo't-lola ko. "Anong balak nyo ng dad mo?"
"Paalis na kami, actually. Pupunta kami sa probinsya. Siguro ilang araw din akong mawawala. 1 week? I'm not sure. Depende na. Natawagan na rin ni Papa si Sir Adviser." matagal siguro syang mawawala. Waaa! Mamimiss ko sya. T^T
"Ahh.. mag-ingat kayo sa byahe."
"Salamat, nga pala Hana." narinig kong tinawag sya ng papa nya. "Sandali, Pa! Ahh, Hana.. ewan ko kung matatawagan kita pag nandoon na ako, walang signal dun eh." naringi kong huminga sya ng malalim. "Mamimiss kita, baby hana. Sobra. Magpakabait ka, wag kang lumapit kina Youngmin, araso? Kung pwede wag mo na rin sila kausapin." natawa ako. Kahit kailan talaga.
"Lagot talaga sa akin si Youngmin kapag nalaman kong lapit sya ng lapit sayo." aish, possessive much? >.<;;
"O sige, alis na kami. I LOVE YOU! ah teka, Babalik ako kaya wag ka ng mag-alala sa akin baby." tapos in-end nya na yung call.
Naman! Kinikilig ako sa mga sinabi nya pero at the same time nalulungkot ako. Nalulungkot ako para sa lola nya at dahil mawawala ng matagal si Chanho. Waaa! Nasanay pa naman ako na lagi syang nasa tabi ko. Mamimiss ko lahat-lahat sa kanya. >___<
---
Maaga akong pumasok sa school. Hindi na rin kasi ako nakatulog after tumawag ni Chanho. Nung nasa room na ako, umupo muna ako sa chair ni Chanho. Aish! Miss ko na sya agad. :((
Nilapag ko yung bag ko sa upuan ko at pumunta sa blue bench. Lagi kami dito nakatambay ni Chanho eh. Kinuha ko yung lollipo sa bulsa ko at kinain. Kahit papaano eh nabawasan yung kalungkutan ko. Thank You Lollipops. ;3
Biglang may dumaan na pusa, ang cute! Kinuha ko kaagad. Waaa! Ang cute nya talaga. Dinala ko sya sa room. Nagulat ako kasi andun na sina Hyunseung at Jane? Eh? AT bakit parang nag-aaway sila? I mean, yung hitsura ni Jane parang galit na galit tapos si Hyunseung parang nagui-guilty.
Gusto ko sanang pumasok kaya lang madidistorbo ko sila, bumalik na lang ako ulit sa blue bench. Pinakawalan ko na rin yung pusa. Ano kayang meron sa kanila? Nacucurious tuloy ako. Hmm.
---
Ipinaalam ni Sir sa klase na mawawala si Chanho ng mga ilang araw dahil nga namatay ang lola nya, lahat kami nalungkot. Medyo wala akong gana nung recess na namin. Wala ng bibili sa akin. Siksikan pa naman sa canteen. ;((
Sumabay sa akin si Abbie papuntang canteen pero si Jane, ayaw. Hindi na lang namin pinilit. Nahalata ko lang, sila lang dalawa ni Hyunseung sa room nung umalis kami. Tsskkk. Ano ba namamagitan sa kanila??
"Pasabay ako ah!"
"Gongchan!!" halatang natuwa si Abbie sa presence ni Gongchan.
"Hana? Bakit ganyan hitsura mo?" inakbayan nya ako.
"Wala kasi si Chanho ngayon, namatay kasi yung lola nya." explain ni Abbie.
"Ahh, ganun ba?" pinitik ba naman nya yung cheeks ko? "Wag kang mag-alala, ako ang papalit sa kanya!" napatingin ako sa kanya. Ano raw?
"I mean, di ba lagi mo syang kasama? So, sasamahan kita lagi. Ako na rin ang bibili sayo ng food para hindi mo na kailangan pang makipagsiksikan." kumindat sya sa akin. Hingpitan nya yung pagkakakbay sa akin at bumulong, "pumayag ka na, ano ba! Chance ko na yun para makasama lagi si Abbie. Pleasee?"
May secret agenda pala ito eh. =____="
"Okay, that would be great." pumeke ako ng ngiti. Pagbigyan na lang natin. >_>
Lumapit sya kay Abbie, "Sumama ka lagi kay Hana okay? Para you know.."
Ewan ko sa kanya. Ang bagal din pala. Bahala na sila. Napatingin ako sa knila ulit. Pareho silang tumatawa, ang sweet nilang tingan. WAAAA! Anubanaman. Namimiss ko lalo si Chanho.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O