YOUNG LOVE [17]
by: tiffanism
Hana's POV:
Tinawag na kami nung emcee. Pumunta naman kami sa stage. Nagpakilala din kami. Ngumiti muna si Chanho sa akin bago nag-drums. Sya kasi ang mauuna. Nagsimula ng kumnata si Hyunsung at Jane. Ginanahan ako nung maraming tumili sa amin. Halatang nag'eenjoy sila. AUDIENCE IMPACT, kasali yan sa criteria.
"GO CHANHOOO!" nagulat naman ako sa mga third year students. Sikat talaga si Chanho. Tsskk.
Nag'eenjoy din kami sa performance namin. Mas lalo pang lumakas yung tilian nung nag-rap na si Jane. Ang cool nya! Kyaaahhh! LOL.
After namin, andaming nagpalakpakan. Nakangiti rin sa amin yung mga judges. Pumunta kami sa backstage, may sumunod na section na magpeperform din. Agad kaming nagyakapan lahat. Ginulo pa ni Chanho yung buhok ko.
"Hana, feeling ko tayo na ang mananalo." then niyakap nya ako ulit. o_O
"Sige, punta na ako sa room. Magbibihis pa ako.." tumakbo na sya agad. After kasi nito Futuristic Dance, kasali rin sya dun eh. Sa tingin ko, mas pinapahalagahan ni Chanho yung futuristic dance, mas mahal nya kasi ang pagsasayaw. Sa katunayan nga, sya ang nag-choreograph ng dance nila.
Sana, manalo sila dun. Pinaghirapan kasi talaga nila yun eh. Lagi silang umuuwi ng late para lang maperfect yung dance nila.
Bumalik kami agad sa bleachers at naupo. Nakipagshake hands pa sa akin yung mga kaklase ko. Kinurot din nila yung pisngi ko. :3
Pangatlong performer sina Gongchan, grabe.. ang gwapo ng insan ko habang naggigitara. Grabe nga yung pagtili namin ni Abbie eh. Haha!
Mga ilang minutes, dumating na rin sila Chanho. Kyaaah! Parang anghel lang. Nakaputi kasi sila. Yung jacket nila white, yung rubber shoes din. Yung cap din! May mga ilang accesories lang sila para makumpleto yung concept nila.
May mga shades pa sila! Grabe lang! B)
Umupo sa tabi ko si Chanho. Ang bango nya! >_<
Natapos din yung mga performers sa Jingle Rapping. Kaya pinakilala na ang mga judges sa Futuristic Dance. This time, last ang section namin magpeperform.
Third year section one ang nauna. Nilait pa nga ni Abbie, parang pep squad daw. Hindi robotics! Yung second year naman, maganda sana kaso hindi sabay. Sumunod yung fourth year section four. Ang ganda nung costume nila! Maganda din yung dance steps pero sa tingin ko mas maganda yung amin. :D
At sa wakas, sina Chanho na. Nakitili rin ako nung papunta na sila sa stage. Whoo! Nagsimula na yung kanta nila. May pasabog na kaagad sila sa una, kaya grabe yung tilian. Para silang mga acrobatic robots. Kyaaaahh! Ang astig ni Chanho. Nagtumbling pa sya. Naman! Kainlove. Andami ngang nagtilian eh.
Medyo matagal din yung sayaw nila pero kakabitin. Ang ganda kasi, sabay sabay sila. Waaaaa!! Sana talaga kami ang manalo.
Dahil sina Chanho yung last performer, hinintay munang matotal yung mga scores nung three judges. Bumalik sila sa bleachers. Grabe yung mga pawis nila. :O
"Finally! Ngayon na natin malalaman kung sinu-sino nga ba ang mananalo. Unahin muna natin ang Slogan Making and Poster Making!" inuna nila yung mga academic awards. Grabe ang Investigatory Project namin, hakot namin lahat ang awards, hindi man lang namin binigyan ng isang slot ang 3rd year honors class. Mouhhahaha! :PP
"Okay, socio cultural na! Excited na ba kayong malaman ang mga winners?" - emcee.
"Super!!!!" - students
"Okay, ito na.."
Naghawakan kaming lahat ng kamay. 3rd place yung isang section sa third year. 2nd place sina Gongchan. At kami ang WINNERRR!! Waaaaaa!!
Sa sobrang tuwa namin, tumakbo kami papuntang stage. Tinanggap namin yung gold medals. Si Sir Adviser ang nagsabit sa amin. Nagkaroon pa ng picture taking. Sabay kami ni Chanho bumaba at bumalik sa bleachers. Hinawakan nya yung kamay ko. Kahiya lang. Eeehh. Pero kinikilig ako. Ano ba! *u*
Mas hingpitan nya yung pagkakahawak sa kamay ko nung announcing na ng winners sa Futuristic Dance. Gaya nga ng sabi ko, mas prioritize nya itong competition na 'to. Sana talaga, manalo ang section namin. Grabe yung practice nila eh!
3rd place yung third year. 2nd place yung 2nd year. Kyaaaa! Tatlo na lang ang naiwan, yung third year na parang pep squad, isa pang section sa fourth year and kami. Grabe. Feeling ko kami na ang champion. Ganun din si Sir kasi tumayo na sya para sana kunin yung award pero..
"...and the champion is the third year section two!!"
"WHAT???" napatayo si Chanho, hindi makapaniwala sa result. Nasaktan ako kasi hindi man lang sila nanalo. Tsaka, binitawan ni Chanho yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Medyo masakit pa nga yung pagrelease nya nung kamay ko kasi natama yung kamay ko sa bag na may metal. :(
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O