40 votes before update. :P
One Direction <33333333333
YOUNG LOVE [26]
by: tiffanism
Chanho's POV:
Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Syempre, sinagot na ako ng baby ko eh. Hanggang sa makarating ako sa bahay, hindi pa rin mawala yung ngiti ko. Ang lakas din ng heart beat ko.
Tumatalon talon pa ako, nagulat nga ako nung may mga bisita pala. Sina Tita. Binati ko naman sila. Nagulat nga sila eh. Lalo na si Papa.
Umakyat ako agad at pumasok sa kwarto ko. Bago ako nakapasok, narinig ko yung usapan nila papa sa baba. "Buti naman at ngumingiti na sya. Alalang-alala kami nung nasa probinsya tayo." sabi ni Tita.
"Buti nga. Ewan ko, baka nakita lang nya yung mga kaklase nya."
Napatawa ako. Hindi na ako makapaghintay pa na sabihin kay Papa na kami na ni Hana. Ang sarap talaga sa feeling.
Pinapangako ko na hinding-hindi ko paiiyakin si Hana. Pinapangako ko.
Agad kong inayos yung gamit ko para bukas. Ano ba 'tong nararamdaman ko. Magkasama lang kami kanina pero bakit namimiss ko na sya?
Kinuha ko yung gitara ko at nag-strum. Bigla akong may naisip na plano. Dadalhin ko ang gitara ko bukas. Whoo!
---
Ang aga kong nagising. Napatingin ako sa gitara ko. 10pm na ako nakatulog. May pinraktis pa kasi ako. Surprise ko sa aking Baby Hana.
Saktong paglabas ko sa kwarto ay paglabas din ni Papa.
"Pa!"
"Chanho, may nahahalata ako sayo. Ano bang nangyari?" inayos nya yung polo nya.
"Sinagot na ako ni Hana kahapon!"
Napatingin sa akin si Papa. "Wow. Congrats! Papuntahin mo naman dito mamaya si Hana."
"Sige lang."
Bumaba na kami. Ready na rin yung breakfast namin. Kumain naman agad kami ni Papa. Hinatid na rin nya ako sa school.
Pagdating ko sa school, medyo marami na ring estudyante. Tumakbo ako papunta sa room. Sana, wala pa sya.
Nagulat ako nung nakita ko yung bag nya sa loob ng room pero wala naman sya loob. Nilapag ko yung bag ko sa desk ko. Namiss ko 'tong classroom.
"Hyunseung!" lumapit naman sya sa akin. Tinuro nya yung gitara ko.
"Bakit mo dinala?"
"May kakantahan lang ako mamaya." nag-nod naman sya.
"Ahm, nakita mo ba si Hana?"
"Ahh. Nasa gym. Ewan ko dun, sila nila Jane magkakasama." ako naman yung napatango.
"Tara, kanta tayo." yaya sa akin ni Hyunseung. Galing din nya kumanta. Naggitara naman ako, tapos sabay kaming kumakanta. Nagsilapitan pa nga yung mga kaklase namin. Nakikanta rin. Ang saya nga eh. Feel na feel ko yung paggigitara ko.
Nung natapos na yung song, nagpalakpakan naman sila. Napangiti ako. Biglang dumating sina Hana.
Nag-wink ako sa kanya. Nag-iwas agad sya ng tingin. Haha! Ang cute nya talaga.
"Baby Hana, para sayo 'to!" tapos naggitara ako ulit. Pinagpraktisan ko ata 'to kagabi. Nakita kong pinipilit sya nila Abbie na lumapit sa akin. Wala ring nagawa si Hana kundi ang mapunta sa harap ko. Tumayo ako para maganda. Nakatayo rin sya eh.
BINABASA MO ANG
Young Love
Fiksi RemajaAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O
