SHORT UPDATE!!
YOUNG LOVE [10]
by: tiffanism
Hana's POV:
Maaga akong pumasok ng school ngayon. Inspired lang siguro. Haha! Hindi nga ako makatulog kagabi, paulit-ulit kasing nagre-replay sa utak ko yung mga sinabi ni Chanho sa akin. Waa! :3
Today is.. thursday! Hmm.. ang activity lang naman ngayon ay ang congress at elimination round ng.. FUTURISTIC DANCE! Oh my! Di ba kasali si Chanho? Grabe lang. Napakabusy talaga nya. XD
Buti nga at pinayagan pa sya ng physics teacher namin na sumali ng tatlong activities. TSKK!
Tumigil muna ako sa locker ko. May kinuha lang ako na aklat. Ahm, Cinderella lang naman! ^___^ Hinawakan ko na yung book at bumaba na. Natandaan ko naman na may lollipop pala ako sa bulsa ko kaya naman kinuha ko at tinanggal yung wrapper at nilagay ko na sa bibig ko.LOL! ;]
YUMMY! Ewan ko ba, everytime na may loliipop akong kinakain, kuntento na ako. MASAYA na ako. Yihee.
Malayo pa ako sa room pero may naririnig na akong music. Tumakbo ako agad papasok sa room. Nakatalikod sila sa akin.. ang mga kasali sa room na futuristic dance tapos sumasayaw sila. Grabe lang, basang-basa na sila ng.. PAWIS!
Anong oras kaya sila pumasok sa school? 5:30!??
Inikot ko yung paningin ko sa room. Ako lang ata ang hindi kasali sa futuristic dance. Ang ginawa ko naman, nilapag ko lang yung bag ko sa upuan ko. Hindi nila ako napansin ksi nakatalikod sila sa akin at busy.
Lumabas na ako sa room at nagikot-ikot sa school. Nicee! Malamig kasi 6:20 pa lang tapos tahimik pa. Tumambay ako sa blue bench. Umupo ako kung saan kami umupo kahapon ni Chanho. Kyaaa!!
Nagbasa na lang ako dun sa bench. Hindi talaga ako magsasawa sa Cinderella. Haha! Ewan ko ba, yung mga kaklase ko mas prefer nila yung Twilight na book kesa Cinderella. Wla namang basagan ng trip! T^T
Nung napansin ko na medyo maramin-rami na rin ang mga estudyanteng pumapasok sa school eh bumalik na ako sa room. Marami-rami na rin ang mga kaklase ko na nasa room na.
Pagpasok ko.. grabe yung mga dancers namin. Hinihingal silang lahat. Syempre, si Chanho kaagad hinanap ko. At nandun sya sa pinakagilid. May nakatakip na mini towel sa mukha nya kaya hindi ko makita face nya.
Ilang seconds tinanggal nya yung towel sa mukha nya at uminom ng mineral water sa bottle. Tumayo naman sya nun at kinuha yung bag nya. Tiningnan nya si Yougmin. "Shower muna ako." tumango naman si Youngmin at narinig ko syang nagsabi na, "susunod na lang ako."
Since nasa may pintuan pa ako madadaanan ako ni Chanho. Ngumit ako sa kanya. Ngumiti rin sya tapos bigla nyang hinawakan yung back ng ulo nya. "Tsk. Amoy pawis pa naman ako!"
Anong amoy pawis? Ang bango mo nga eh! Gusto kong sabihin kya lang dapat.. BEHAVE!
"Sige, shower muna ako." tapos umalis na sya. Papasok na sana ako sa room nun kaya lang bigla syang sumigaw.
"Hana, may practice mamaya sa Futuristic Attire!!" tapos tuluyan na syang umalis.
"Awww. Ayoko." >___<
Ayoko talaga ng rampa-rampa, wala pa kasi akong experience. Naman! Bigla akong nilapitan ni Abbie, "Hana, gusto mo bang makita yung susuotin mo bukas ng hapon?"
"M-meron na?"
"Oo naman! Pinagpuyatan namin kagabi!!" tapos hinila nya ako. Sya pa ang mas excited.
"Eh yung susuotin ni Chanho?"
"Hindi pa tapos eh. Mamaya pa siguro matatapos." then bigla nyang tinawag yung isang kasamahan nya sa paggawa nung futuristic attire namin. May dala-dala itong.. cocktail dress! Yun kasi ang theme for 4th years. Whoa! Na-amaze ako. Ang ganda! Sako lang yung ginamit tsaka ilang mga recycled materials pero parang tela yung ginamit. Wow, sila na creative! :O
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O
