YOUNG LOVE [8]
by: tiffanism
Hana's POV:
After ng last period namin, sabay kaming pumunta ni Chanho sa gym. Nung nasa gym na kami, nakita namin na nakaupo sila sa stage kaya pumunta rin kami sa stage at umupo.
Nagbulung-bulungan kaagad yung mga estudyante. Kaya lang 'di ko marinig, pero nakatingin sila kay Chanho. Psh. Sikat talaga sya. Mga ilang minuto, dumating din yung activity coordinator. Pinasulat nya muna kami sa isang bond paper ng pangalan namin at ng section. Pagkatapos nag-discuss na sya kung kelan yung practice sa pag-rampa, kung ano yung mga theme per year level. Pinagsabihan din kami na dpat daw hindi late at bawal ang absent sa mga practices dahil kung ganon.. aalisin na lang sila sa futuristic attire.
"Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Chanho nung dinismiss na kami.
"Oo eh."
"Ahh, sige. Babye!" tapos nginitian nya ako.
Kyaa!! Lagi na syang ngumingiti. Ang cuuutttteeee. >_<
Grabe, dati pinagdarasal ko na sana mapansin nya ako. Ngayon, medyo close na kami. Lagi nya pa akong nginingitian. :)
---
Nasa gym lahat ng honors class from 1st year upto 4th year. Ngayon na kasi ang putting-up of S.I.P. Kailangan na gandahan namin yung design ng aming display board dahil may BEST IN DISPLAY BOARD din.
Nung nakakuha na kami ng aming blackboard. Agad na kaming nagtrabaho. Tinakpan namin ng black cartolina yung board. At nagsimula na kaming gumawa ng mga ipangde-design namin. Yung leader naman namin, pinpinturahan yung balck cartolina.
Lahat kami nagtatrabaho. SCIENCE INVESTIGATORY PROJECT 'to kaya malaki ang puntos for 2nd grading. Kaya sineseryoso talaga namin 'to. Tsaka, 4th year na kami 'no.
After kung maggupit ng mga hugis bulbs, nagpahinga muna ako. Tiningnan ko yung mga kaklase ko. Busy talaga sila lahat. Lalong-lalo na si Chanho.
Gusto ko tuloy punasan yung tumutulong pawis nya. :3
---
"Hayy salamat at kahit papaano malapit na tayong matapos." sabi nung leader namin.
"Kaya nga. Bukas tapos na itong display board." yung secretary ng grupo.
Hayyy. Nakakapagod 'tong araw na 'to. Gusto ko na ngang umuwi eh. Bigla akong nilapitan nila Jane.
"Baby Hanaa!!" tapos niyakap nya ako. "Waa! Ang cute mo talaga."
"O tama na, kawawa naman si Hana eh." si Shaina yan.
"Hehe, sorry. Ang cute kasi talaga ni Hana eh!" tapos kinurot na naman nya ako sa pisngi. "Nga pala Hana. May praktis tayo bukas ng hapon okay? Kamusta na nga pala yung lyrics?"
"Tapos na. Si Chanho yung nagtago nung lyrics."
"Aww. Okay. Uuwi ka na rin ba? Tara, sabay tayo!" nag-nod naman ako. Kinuha ko sandali yung bag ko at sabay na kaming naglakad.
Nadaanan namin si Chanho. Saktong nasa harap namin sya nung tinanggal nya yung polo nya kaya white shirt lang yung natira tapos pinunasan nya yung pawis nya. Hindi nya ata kami napansin eh.
Napasmile ako. Ang cute ng hair nya, ang gulo na masyado pero parang masarap pa ring hawakan. ^___^
"Chanho!!" si Jane yung tumawag ha. :)
Lumingon sa amin si Chanho. Bigla syang napangiti. Kumaway naman sya. "Jane, Hana.. may practice bukas okay?"
"Paulit-ulit? Kanina mo pa sinasabi yan eh."
Napakamot naman sa ulo si Chanho. "Sorry. Uhm, pauwi na kayo?"
"Hindi, papunta palang ng school. Chanho naman, halata naman dba?" tapos tumawa si Jane, ako rin napatawa.
"Ewan ko sayo. Sige, ingat kayo." tapos tiningnan nya ako ng nakangiti bago bumalik dun sa display board nila.
"Alam mo Hana, feeling ko.. may crush si Chanho sayo." naglakad na kami nun ni Jane.
"Ano ka ba, w-wala no!" >___<
"Baby Hana, feeling ko lang naman okay?"
"P-pano mo naman kasi nasabi yan?"
"Pansin mo ba? Bihira lang kung ngumiti yang si Chanho 'no! Tapos hindi yan mahilig makipag-usap sa mga babae. Except na lang kung close nya, pero konti lang naman yun eh." inakbayan nya ako bigla. "Ikaw ba, crush mo ba si Chanho? AMININ~"
Bigla akong namula. "H-hindi ah!"
Hindi pa ako handa ipagsabi na crush ko si Chanho eeh. >_____<
"O sya sige. Naniniwala po ako." nakahinga ako ng maluwag dun ah! Phew.

BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O