Sorry kung natagalan ang update, nabusy lang. >___<
A Pink ang first winner ngayong 2012 sa MNET. Congrats sa kanila!! Sana, manalo rin ang Teen Top ngayon. Gustong-gusto ko pa naman yung mini album nila ngayon. Hihih <3
YOUNG LOVE [24]
by: tiffanism
Hana's POV:
Nasurvive ko rin ang Physics. Phew! Haha! Paalis na ngayon ang aming Physics teacher. One period na lang at uwian na namin. Gusto ko ng umuwi. Manonood na lang siguro ako ng mga variety shows para naman maaliw ako kahit konti. Mabubuang na ata ako kakaisip kay Chanho.
Tskkk. Napakamot ako sa ulo. Bakit hanggang ngayon hindi pa dumarating ang aming A.P. teacher? Hindi naman lagi late si Sir eh. Shorten pa naman ang time ngayon. 3pm, uwian na namin.
"Hi, Hana!"
"Uhm, h-hello." ewan ko ba. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Pinagpapawisan ako tapos masaya..?
"Bakit ganyan hitsura mo?" tapos tinawanan ako ni Youngmin.
Binehlatan ko nga. Tama bang pagtawanan ako. >__<
Bigla nyang ginulo yung buhok ko. At sa hindi na naman malamang dahilan, agad ko itong inalis. Nagulat ako. Nagulat din sya.
"Ahh, sorry." nag-iwas ako ng tingin. Ano bang nangyayari sa akin?
"Okay ka lang ba, Hana?" tapos sinubukan nyang ilagay yung likod ng right hand nya sa noo ko. Pinigilan ko naman sya agad. "Okay lang talaga ako. Hehe." umusog naman ako palayo.
"Baby Hana naman eh.." napatingin ako sa kanya. Naging malungkot kasi yung boses nya. "Iniiwasan mo naman ako. Feeling ko tuloy nakakadiri ako." tapos sya naman ang nag-iwas ng tingin.
"Youngmin, s-sorry." huminga ako ng malalim. "Hindi naman sa ganun. Ewan ko nga. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko." pinalo ko yung ulo ko gamit yung notebook sa desk ko, paulit-ulit.
"Hana, tama na yan. Uy!" nilayo naman nya sa akin yung notebook. "Nagdadrama lang naman ako kanina."
Nagsisinungaling sya. Alam ko, nasaktan ko sya. >___<
"Hindi kita iniiwasan, Youngmin. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko. S-sana maintindihan mo."
"Syempre naman!" bigla nyang binigay sa akin yung notebook. Hayy. Buti naman at ngumiti na rin sya. Kahit papaano nalighten up young mood.
*knock*knock*knock*
May kumatok sa pintuan pero hindi na ako nag-abalang tingnan kung sino. Nakipag-usap na lang ako kay Youngmin. Ang dada rin pala nito. Haha! Pero ang sweet nya. Swerte liligawan nito.
BINABASA MO ANG
Young Love
Teen FictionAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O