After 8654748034954 years, nakapag-update na rin. ^__^
YOUNG LOVE [25]
by: tiffanism
Hana's POV:
"Hoo! Buti na lang at dumating yung mama nya. Suko na ako!" tapos nag-smirk sya. "Tara na, ihahatid na kita sa inyo." yung tinutukoy nya, si Bugoy. Ang kulit, ay mali.. sobrang kulit nung pinsan nya. Pero CUTE. Nagmana kay Chanho. Haha!
Nagsimula na kaming maglakad, sya yung may dala nung bag ko. Tinanong nya lang ako kung ano yung mga assignments and quizzes na ginawa namin nung wala sya. Napakamot pa nga sa ulo eh.
"Ang dami naman ata."
Nagkibit-balikat naman ako. "Lalong-lalo na ang Physics, nagkaroon din nga kami ng recitation dun eh."
"Bahala na." tumigil naman sya sa paglalakad kaya napatigil din ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Gusto mo ng ice cream?"
"ICE CREAM??" nagulat sya sa biglaang pag-sigaw ko. Napatakip naman ako ng bibig. Naku! Nakakahiya. Para namang ilang taon na akong 'di nakakain ng ice cream. >__<
"Hahahaha!!" napahawak sya sa tiyan nya habang tumatawa. Hindi ko na nga makita yung mata nya eh. "Okay, okay. Bibili tayo ng ice cream." pero tawa pa rin sya ng tawa.
Inirapan ko nga. "Baby, sorry na. Hana." 'di ko sya nilingon.
Pumunta sya sa harap ko at nag-wink. "Sorry na. Hindi na ako tumatawa o."
"Pero nakangiti ka naman!!"
"Baby naman eh." sinampal ko sya pero gentle lang. Ang lapit na kasi nung mukha nya sa akin.
"Okay na."
"Peace?"
"Peace." inakbayan nya naman ako. Bumili na kami ng ice cream. Strawberry flavor yung akin. Cookies and cream naman ang kanya. Umupo muna kami sa isang bench para ubusin yung ice cream namin.
Mga 5pm na kami nakarating sa bahay. Nung nasa harap na kami ng gate, binigay nya na sa akin yung bag ko.
"Sige, uuwi na ako."
"Sige. Ingat." ngumiti ako.
Napakunot yung noo ko nung hindi pa sya kumikilos. "A-akala ko ba uuwi ka na?"
"Uuwi na ako, after kong sabihin.."
"Sabihin ang ano?"
"I love you." tapos kiniss nya ako sa pisngi. Natulala nga ako eh. Nagulat ako sa ginawa nya. Pagtingin ko sa kanya konti pa lang yung nalalakad nya, syempre nakatalikod sya sa akin.
"C-Chanho!"
Napatigil sya sa paglalakad at humarap sa akin. "Hmm?"
"I-I love you too." hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Basta ang alam ko ang lakas lakas nung tibok ng heartbeat ko. Napahawak pa nga ako sa dibdib ko.
"Ano?" t-teka lang. Bakit iba yung expression nya? Bakit galit sya?
"Huh?" hinawakan nya ko sa balikat at niyugyog. "Ulitin mo yung sinabi mo!"
Di ko sya ma-gets. Di ba sya ang unang nag-I LOVE YOU? Ano 'to? T^T
"I-I love you." sinabi ko yun ng nakatingin sa baba. Naiiyak ako.
Naramdaman kong niyakap nya ako. Eh? Agad ko syang pinalo kahit na yakap yakap pa rin nya ako. Tumatawa na naman kasi sya. AARRRGGGHHH.
"Chanho naman eh! Tinakot mo 'ko!"
Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin. "So, ibigsabihin ba nito.. girlfriend na kita?"
Dahan-dahan akong nag-nod. Tinakpan ko kaagad yung bibig nya nung sumigaw sya ng "Yesss!".
"Ssshhh! Ano ka ba?"
"Sorry. Its just that.. masaya lang talaga ako." natuwa naman ako.
"I love you, Baby. I love you."
"I-I love you too." then kiniss nya ako ulit. This time, sa forehead.
"Pumasok ka na sa loob." sabi nya sa akin. Nag-nod naman ako. Pagkasarado ko nung gate, napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas talaga ng heart beat ko.
Napangiti ako bigla. Kami na ni Chanho. Waaa!
BINABASA MO ANG
Young Love
TeenfikceAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O
