SORRY kung late update. >_______<
30 votes before ako mag-update ulit. MALUNGKOT ako ngayon. Pakinggan nyo yung song na pinost ko. Kung gusto mo lang naman. ;((((((((((
YOUNG LOVE [20]
by: tiffanism
Hana's POV:
"Alam mo, para talaga natin syang bodyguard! HAHAHA!" napatingin kami ni Jane kay Abbie. Ang cute nyang tumawa, sa totoo lang. Tumingin si Abbie kay Chanho na nasa likod namin, nasa side sya nakatingin. Ang hot ng jaw line nya. *O*
"Let me rephrase it, GWAPONG BODYGUARD. Witwew!" kumindat pa sya sa akin. "Ang swerte mo Hana."
"Ito naman kung makapagsalita, parang walang Gongchan ah!" sabi ni Jane. Napangiti si Abbie. Feeling ko talaga, may gusto na si Abbie sa pinsan ko. Hanep, si Gongchan!
Nga pala, may manliligaw na ko. MOUHAHA! Proud ako, ano ba! Eeeh kasi naman, first manliligaw ko, CRUSH ko pa talaga. Hulaan nyo kung sino. Wag na, kilala nyo na eh. :P
Thursday ngayon. Nung monday sya nagsimulang manligaw. Grabe, wala syang ginawa kundi tabihan ako at magpacute! Naiinis tuloy ako. Ang sarap kasing kurutin nung cheeks nya. One time, sinabi ko sa kanya na ang cuteee nya talaga. Sabi ba naman sa akin, mas cute raw ako. Kinurot pa nga ako sa pisngi, sabay sabi ng baby hana. Nashock nga ako eh. Tinwag akong baby samantala against sya dati. Ayaw nya ng mga childish dba? :(((
Kaya hindi talaga ako makapaniwala na nililigawan nya ako. Na may gusto sya sa akin. Kasi para sa akin, IMPOSIBLE.
May isa akong nadiskubre sa kanya. Medyo possessive din sya. Pag may tatabi sa akin na lalaki, lalapitan nya kami agad. Kapag may kukurot sa cheeks ko, pagbabawalan nya. Ewan ko ba kung bakit natutuwa pa ako. 'Di ba dapat mainis pa ako? Hayy. Buhay talaga, kahit kailan.
Nakarating narin kami sa canteen. Bigla ba naman nilapit ni Chanho yung mukha nya sa akin at bumulong, "Anong gusto mong bilhin ko sayo?"
"Uhm, gusto ko ng chuckie! Okay na ako dun."
"Okay then." tapos ginulo nya yung buhok ko bago umalis.
"Kyaaa! Ang sweet nyong tingnan. MAKAINIS tuloy!" kinikilig na sabi ni Jane at ni Abbie. Natatawa na lang ako.
"Ei pinsan! Ang saya mo ata." tinapik pa nya ako.
"Masama ba?"
"Wala naman akong sinabi eh." nagshrug pa sya. Lumapit sya kay Abbie. "Tara Abbie, may ipapakita pa ako sayo."
"Ano yun?" napakunot noo si Abbie. Inakbayan sya ni Gongchan, "Basta. Makikita mo rin."
Napasunod na lang si Abbie. Nagwave rin naman sila ng goodbye. Napatingin ako kay Jane, aba may katext?
"Jane, napapansin ko lagi kang may katxt?"
"Ahh." tumingin sya sa akin. "Wala ito." wala raw eh kinikilig.
"Ito na o." nagulat naman ako kay Chanho. Nagthank you naman ako. Mineral water lang yung sa kanya.
"Jane, 'di ka bibili?" tanong ni Chanho. Wala, nakatuon yung pansin sa cellphone nya. "Jane.."
"Ahh, bakit?"
"'Di ka ba bibili?"
"Ahh, hindi na. Uhm, sige pala. May pupuntahan pa ako sa TLE Lab. Kitakits mamaya sa room." weird~ yung ngiti nya kasi parang sobrang natutuwa sya at.. excited?
Napakamot nalang kami ni Chanho sa buhok. Tumingin si Chanho sa akin, "Tara dun sa blue bench." nag-nod lang ako.
Nauna syang umupo. Tumabi naman ako sa kanya. Ewan ko pero kahit tahimik lang kami na ganito, hindi ko mafeel yung awkward moment.
Nagulat ako nung ginulo nya yung buhok ko. "Ang cute talaga." tapos tumawa sya.
"Niloloko mo naman ata ako eh." :3
"Hindi ah!" tapos kinuha nya yung kamay ko. "Hinding-hindi kita lolokohin."
"S-sabi mo eh." ngumiti lang ako sa kanya. Buong time, nakahawak lang sya sa kamay ko. Hindi ko na inalis. Ayoko. >__<
Bigla tumunog yung cp nya. Kinuha nya agad. Ako ba yung wallpaper nya? Eehh. Snapshot, ang pangit ko dun. Nkatingin ako sa bintana pero nakangiti. Makahiya!
Binalik nya ulit yung cp nya sa bulsa nya. 'Di nya ata napansin na nakita ko yung wallpaper ng cp nya.
"Punta na tayo sa classroom." malapit na kasi mag-time.
"Okay."
Hanggang sa makapasok kami sa room nakaakbay lang sya sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami. Parang wala lang ata sa kanya. >_>
---
"Ihahatid na kita." tapos bigla ba naman nyang pinunasan yung pawis ko. Cleaners kasi ako, katatapos ko lang magwalis.
"Wag na."
"I insist." yan na naman yung ngiti nya. >_<
Sya na yung nagdala nung clearbook ko. Aba, yaman! Magtataxi kami? Tskk.
Nung nakaupo na kami, sinabi nya yung address. Tingin ako ng tingin sa kanya. Gusto ko kasing kunin yung isang headset nya eh. Nakikinig kasi sya ngayon sa iPod nya. Since hindi naman nya ginagamit yung isa. >_<
Lumingon sya sa akin ng nakangiti. Namula tuloy ako. Kinuha nya yung isang headset tapos sya na naglagay sa tainga ko. Kinindatan pa ako. Huhu! Akalain nyo yun, nabasa nya yung iniisip ko?
Just so you know
This feelings takin control
Of me and i can't help it
I wont sit around
I can't let him win now
Uuuy! Fave song ko 'to. Haha! Pinikit ko yung mata ko at sumandal. Nafeel ko na pinatong nya yung ulo ko sa balikat nya. Hmm! Ang bango nya. ^o^
Though you should know
I've tried my best to let go of you
But i don't want to
I just gotta say it all before you go
Just so you know
Kahit ganito lang yung posisyon namin, pwede na akong mamatay sa kilig. Lalo na siguro pag boyfriend ko na talaga sya. >_______<
What if kung.. sagutin ko na sya. Mamaya. What do you think? Hmm.
BINABASA MO ANG
Young Love
Roman pour AdolescentsAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O