Young Love [11]

6.8K 154 24
                                    

VOTE pleaseeee? :"<

GONGCHAN oppaaaaaa!!! <3333333

YOUNG LOVE [11]

by: tiffanism

Hana's POV:

Papunta kami ngayon ni Chanho sa gym para sa futuristic attire practice. Naman eh! Nung papasok na kami sa gym nagulat ako nung inakbayan nya ako. o.O

Pero parang wala lang sa kanya. So hinayaan ko na lang. Nung nasa stage na kami, grabe pinagtitinginan kami nung lahat ng contestants. Paano ba naman, ang gwapo nitong kasama ko oh. >_<

"Dun tayo!" tapos tinuro nya yung hagdan paakyat ng stage. Syempre dahil nakaakbay sya sa akin napasunod na rin ako. Ang bango nya. :")

Pag-upo namin, syempre tinanggal nya na yung pagkakaakbay sa akin. Bitin tuloy! Joke lang. :3

Hinihintay namin yung Activity Coordinator, sya kasi ang magfa-facilitate sa amin. Hayy, lagi pa naman yung late.

"Ang tagal naman ni Sir." tapos ginulo nya yung buhok nya, parang bagot na bagot na sya. Ako naman, nag-iwas kaagad ng tingin.. kyaaah! Ang cute. >_<

"Ahm, Chanho?" napalingon kami ni Chanho sa likod. May tumawag sa kanya, 4th year din. Maganda sya. "Pwedeng magpa-picture?" tapos ngumiti sya. Ang gandaaa! Pero wait, magpapicture? Ako nga walang picture na kasama sya eh. XD

Napatingin ako kay Chanho, parang gusto nyang tumanggi pero hindi nya magawa. Sa huli, um-oo na lang sya. Pero yung mukha nya, parang napipilitan lang.

"Sandali lang ha?" paalam nya sa akin.

"Sure..!" tapos umalis na sya. Nakita ko na lumapit si Chanho, pero yung girl.. grabe kung makalapit kay Chanho my lovee! Inis! Nakita ko na nakatingin lahat sa knila. Naman! Selos mode.

Pero.. bagay silang tingnan. Kami kaya ni Chanho? *sighs*

"Hanaa!!" hinanap ko kaagad yung tumawag sa akin. Napangiti ako bigla. "GONGCHANNN!" then tumakbo ako palapit sa kanya. "Kamusta na??"

"Ayos lang. Mamaya pala bibisita kami ni Mama sa bahay nyo." tapos inayos nya yung pagkakahawak nya sa gitara.

"Talaga?? Ano meron?" bigla ba naman akong binatukan! =____=

"Kailangan talaga may reason? Syempre naman, mamimisita lang! Kaw talaga, PINSAN!" ginulo pa yung buhok ko. 4th year din si Gongchan kaya lang hindi kami magkaklase eh.

"Congrats pala. Nasali kayo sa final round ng Jingle Rapping."

"Kayo rin naman ah! Congrats.."

Para naman syang nahiya. "O sige, punta na ako ng band room. Isosoli ko pa 'tong gitara eh."

"Okay!!" nag-salute pa ako sa kanya.

Bago sya umalis, kinurot nya muna yung cheeks ko then binigyan nya rin ako ng.. LOLLIPOP! :DD

"THANKSS!" hindi sya lumingon, tinaas nya lang yung right hand nya.

Syempre nasa good mood ako pagbalik ko sa stage. May lollipop na naman ako eh! Nung hinanap ko si Chanho, may nagpapapicture pa sa kanya. Pero yung tingin nya nasa akin.. wait, a COLD GLARE!? Scary~ why? why? WHY??

ANONG GINAWA KO? xD

---

Naiiyak na ako. PROMISE! T^T

Hindi kasi ako pinapansin ni Chanho. Kanina pa yan. Tapos na ang blocking namin sa stage, pero may practice kami ulit bukas. Pabalik kami ngayon sa room.

Grabe lang! Kanina, inaantay nya akong maglakad. Ngayon, 3 meters siguro ang layo nya sa akin. Ambilis maglakad! 

Hindi ko naman sya matanong kung bakit, kasi.. NAKAKATAKOT nga sya!! Waaa! T^T

Tumakbo naman ako nun, kaya lang.. nasa room na pala sya! Hayy! Pagpasok ko sa room, kasama na sya sa practice ng futuristic dance. Hayy, baka moody lang sya? Sana~

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon