Hello readers! Anong masasabi nyo sa bagong boy group ng SM ngayon? Yung EXO-K at EXO-M? Ang gwapooo ni Kai 'no? Hahahaha!! May bago na namang family ang SMTOWN! <3
YOUNG LOVE [23]
by: tiffanism
Hana's POV:
"O anong balita?" napakunot naman yung noo ko. Anong akala nito sa akin, reporter? =___="
"Wala."
"Ito naman, ang sungit!" inakbayan naman ako ni Gongchan. "What I mean is kung kailan ba ang balik ni Chanho?"
Nalungkot naman ako kaagad. "Hindi ko alam eh."
"Ganun ba? Sana matagalan pa 'no?" pinalo ko nga. Umaabuso na eh. Gusto lang makasama lagi si Abbie. >__<
"Ikaw ba? Ano balita sa inyo ni Abbie?" nakapameywang pa ako nyan. With matching taas-kilay effect. Haha!
"Hindi mo ba alam? Nililigawan ko na sya!"
"Weh? Kelan pa? Bakit ngayon ko lang nalaman?"
"Ahm. Actually, k-kahapon lang." tapos nag-iwas sya ng tingin. >_>
"Eh kaya naman pala!"
"Dyan ka na nga!" tapos umalis na sya sa harap ng room na namumula ang pisngi. Haha! Nahiya na naman sa akin yun, panigurado. *U*
Napabuntong-hininga ako. Friday ngayon. Walang pasok bukas!! Pero hindi ako excited. Chanho, where are you now? Ayy, adik din. X__X
Umupo ako sa stairs ng room. As usual, konti pa lang estudyante. Maaga na naman kasi ako. Buti na lang at kasabay ko si Gongchan pumasok sa school. Hayy naku. Boringgg! Tatayo na sana ako para bumili ng lollipop sa labas kaya lang.. si Hyunseung, pumasok ng room. Ang aga nya ngayon. Infairness.
"Ang aga-aga ganyan ang mukha mo!" sabi ko kay Hyunseung. Nakakahawa kaya ang mga taong nakasimangot. Ako nga, malungkot pero hindi ko masyadong pinapahalata. Smile lang. (WEH?)
"Si Jane kasi. Tsk. Lagot talaga sa akin yang Yoseob na yan! Asar!" tapos patapon nyang nilapag yung bag nya sa chair nya. Nabigla nga ako eh.
"Hana, tulungan mo naman ako." lumapit sya sa akin. "Seryoso ako sa kanya, promise!" hala, parang maiiyak ata 'to eh. T^T
"A-ano naman ang maitutulong ko?"
"Sabihin mo sa kanya na hindi ako nagsisinungaling. Na mahal ko sya talaga."
"Yun lang ba?"
Umiwas sya ng tingin. "Pero sa tingin ko, hindi ka rin nya pakikinggan." nilagay nya yung kamay nya sa bulsa nya. "Wag na lang. Salamat Hana!!" tapos kinurot nya yung pisngi ko. Nag-smile nga sya sa akin, halata naman na pilit lang.
Hayy naku. Pinapahirapan lang nila ang mga sarili nila. Mahal naman nila ang isa't-isa. Tsk. Ang gulo rin ng mga utak nila. Si Jane naman kasi. >3<
Isa-isang nagsidatingan yung mga kaklase ko. Maingay na naman. Nung dumating na si Jane, agad ko syang nilapitan.
"Jane, kausapin mo na si Hyunseung. Ang lungkot nya o." napatingin kami kay Hyunseung. Kasama nya sina Youngmin na nagtatawanan. Sya lang yung malungkot. O.P. nga sya tingnan eh.
"Sa tingin mo ba, nagsasabi sya ng totoo?"
Nag-nod ako ng paulit-ulit. Ramdam ko naman yung sinseridad ni Hyunseung eh. Hindi ko na rin sasabihin kay Jane na nagkausap kami kanina ni Hyunseung.
"Hana kasi, h-hindi ko alam kung paano ko sya lalapitan. N-nahihiya ako."
"Ano ka ba! Nahiya ka pa. Wag kang ganyan 'no. Trust me, kapag nagkausap na kayong dalawa, maaayos na ang hindi nyo pagkakaintindihan."
"I'll try."
"Ano bang klaseng sagot yan?" napakamot naman ako sa ulo. Nababagalan naman kasi ako sa kanila. :3
Napa-sigh sya. "Okay, kakausapin ko sya mamaya!"
"Ganyan dapat." tapos nagtumbs up ako sa kanya.
---
"May recitation mamaya sa Physics. Ready ka na?" tanong sa akin ni Abbie. Nasa canteen kami ngayon. Recess namin. Tatlo lang kami. Ako, si Abbie at si Gongchan. Si Jane naman, kinausap si Hyunseung. Sana okay na sila mamaya. ^__^
"Hmm. Konti." hindi kasi ako masyado nakapag-study.
"Tapos na kami magrecitation kanina." napatingin kami kay Gongchan. "Ang hirap, grabe!"
"Talaga?" sabay na tanong namin kay Gongchan. Nag-nod naman sya. "Buti nga at nasagot ko yung question sa akin." tapos kumidat pa sya. Ang yabang! >_>
Pero kinabahan naman ako sa kanya. Para kasing ang hirap talaga ng itatanong ni Maam mamaya. >_<
"M-mauna na ako sa inyo ha? Mag-study lang ako." paalam ko sa kanila. Si Abbie, halata naman na nakastudy na sya. Nag-nod lang sila sa akin.
Bumalik ako sa room ng ako lang. Wawa naman ako! Huhu. T^T
Pagpasok ko sa room, natamaan ako ng crampled paper. "Ouch!" actually, hindi naman sya masakit, nabigla lang ako. =___=#
"Sorry baby Hana!!" si Youngmin pala. Tsskk. Tama bang magtapunan ng crampled paper sa loob ng room? Honors class ba 'to?
"Okay lang."
Bigla akong inakbayan ni Youngmin. Siguro pagnakita 'to ni Chanho, magagalit sya kay Youngmin. Haha! Teka, Chanho na naman? Geez.
"Baby Hana, hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil nasaktan kita." ayy, ang O.A.
"Ooowwsss?" tuya ng mga kaklase namin.
"Ang O.A. ha."
"Totoo talaga yun."
"O edi, ikaw ang bahala." tapos tumawa ako. Minsan kasi, pagnagjojoke ako, hindi ko mapigilang tumawa. (Joke pala yung sinabi ko kanina? o__O)
Nakitawa na rin sa akin si Youngmin. Pumunta ako sa chair ko at kinuha yung physics notebook ko. Magrereview na ako.
"Tabi tayo, Hana ah?" may dala na ring notebook si Youngmin.
"Sure."
"Yess! Chance ko na 'to. Alam mo naman kapag andito si Chanho. Ang OA nun, hindi mo pa nga sinasagot."
Napailing na lang ako. Totoo bitaw yung mga sinabi ni Youngmin. "Mabuti pa, magstudy na lang tayo."
"Yes Maam!" hayy, ewan ko sa kanya. ^___^
BINABASA MO ANG
Young Love
Novela JuvenilAng sikat na si CHANHO, ngayon lang napansin na may kaklase pala syang nagngangalang HANA!! Posible pala yun? o.O
