Chapter 5

73 3 1
                                    

Chapter 5

Tumayo kagad siya, nagpagpag ng damit, tapos kinha niya yung gamit.

Then..Kumaripas ng takbo.

Ang hirap kaya hanapin nun.

Eh, di tumakbo din ako, hahabulin ko siya.

Ano ba naman kasing ginagawa ng babaeng yan dun sa may locker.

I can't believe na mag-cocollage na kami, pero may bullying pa rin?

Nakita ko na siya. Nasa may hallway na kami. Para kaming bata na naglalaro, ng habul-habolan. Kung sino taya? hindi ko alam.

Maraming tumatawag sa 'kin. Pero, wala akong pake.

Kailangan kong mahabol 'tong babaeng 'to.

Aaaaaaish! Kung di lang talaga kita kailangan sa plano ko, di kita hahabulin!

Tinawag ko na siya. Maraming tao pa rin yung nakatingin.

"Oi. Rodriguez! Tumigil ka nga sa kakatakbo!" marami talagang nakatingin sa 'kin lalo na nung tinawag ko siya.

"Anung ginagawa nung Ethan ko?"

"Bakit nya hinahabol si Loser?"

"Hala. Lagot sa 'kin yan, mamaya, i-lolock ko siya sa CR. Pinahirapan niya yung Ethan ko!"

Yan yung mga narinig ko nung tumigil ako sa kakatakbo.

Pwede ba, di niyo ko pag-mamay ari.

Tumigil siya sa may stair way.

Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko yung braso niya.

"Ethan? Anung kailangan mo?" She said softly, hindi siya pumapalag or anything.

Basta nakayuko siya.

"Kailangan nating mag-usap." I whispered to her.

Bitbit ko siya, pupunta kami ng rooftop. Walang epal doon. Makakapagusap kami ng maayos. Hanggang paa-akyat hawak ko pa rin yung braso niya. Hindi siya umiimik o kung ano, tahimik lang talaga siya.

Binuksan ko yung pintuan ng rooftop tapos pinapasok ko siya.

"Ethan, anung ginagawa natin dito?" Tanong niya, na parang walang nangyari kanina. Nag-iba agad yung mood ng babaeng 'to, kanina umiiyak tapos ngayon naka-ngiti.

May sayad yata 'to eh.

Sinara ko yung pintuan.

Malaki yung rooftop, may isang malaking storage room, tapos may harang yung pinaka building, yung parang sa terrace.

"Oi, babae, anung ginagawa mo dun sa locker ng janitor??" Tinanong ko siya.

Nag-oobserve siya sa paligid niya.

"Anu kasi.. may kasalanan ako kaya ganon." Mahina niyang sinabi.

Nakasandal ako sa may pader, tapos siya nag-oobserve lang, ang lawak siguro ng imagination nito.

"Anu bang ginawa mo, atsaka sabihin mo san 'kin kung sino yung gumawa sayo non."

Bigla siyang napalingn sa akin.

"Nakalimutan ko kasing gawin yung assignment nila. Kasalanan ko din naman." Sinabi niya sa kin ng hindi nag-aalinlangan.

"Ethan ba't ba tayo andito?, may next subject pa ako na kailangan pasukan. Baka malate na tayo." Hinihila nya yung damit ko na parang bata.

"Haruhi.."

"Bakit po?"

"Ipapatigil ko na yung scholarship mo.."

Our Let It BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon