Chapter 18

63 4 3
                                        

A/N:  Ginanahan ako kasi binasa ni Sittie. LOL. wala nga akong balak mag-update e, kung di dahil sa'yo.

Atsaka kay MuiquieVallega next update ko naman po idedecate sa inyoo~

Chapter 18

Oo, nakita ko yung mga, gamit nya na nasa basurahan ngayon.

At yung una kong naramadaman?

Oo, nagagalit ako.

Wala silang karapatan para gawin sa kanya yun.

Tch.

Ayaw kasing lumaban.

Bitbit ko siya ngayon, yung hawak ko nasa braso niya.

She's crazy, umiiyak kaganina tapos pag-tumingin na ako sa kanya, bigla siyang ngumingiti.

Hindi ko alam pero, kung paano ko siya nakita sa may hallway kanina, aksidente yun.

"Ethan, saan tayo pupunta?" mahinahon niyang tinanong sa akin yun.

Alam ko kung sino ang gumawa sa kanya nito.

They are my bitches.

"Basta sumama ka sa akin, isa pang tanong, iiwanan kita dito!"  nasigaw ko habang nag-lalakad ako, hila-hila siya.

Di na siya sumagot, yumuko na lang siya.

We stopped infront of a classroom, sigarado ako na dito sila ngayon.

"E-Ethan?" tumingala siya sa akin, nakita ko yung mga mata niya luha-luha pa.

Hindi na ako sumagot, binuksan ko yung pintuan.

Lahat ng mga students sa akin napatingin.

Walang anak si Tito Crosswell, ako ang tinuturing nyang anak, lahat kaya kong gawin sa loob ng school na 'to.

"Ethaaaaaaaaan!" lahat sila nag-histerical na sinigaw yung pangalan ko.

"Eeeeeew, bakit kasama niya si Loser?" sabi nung iba, habang napatingin sila kay Haruhi.

"Mr. Akibara? What are you doing here?" tinanong sa akin nung  professor.

"Uh, excuse me, pero pwede bang mag-announce dito?" I asked.

"Ah, O-opo si-sige." medyo natakot na sagot ng professor.

"E-Ethan? Alis na tayo dito, si-sige na." tapos hinila-hila nya yung polo ko.

"I want you all to witness this, Ako, si Ethan Hikaru Akibara, ay boyfriend ni Alessa Haruhi Rodriguez!" I did shout it, pero alam naman naming dalawa na, we are just faking.

-"huh? Kaya pala lagi silang mag-kasama!"

-"Ethan?! Bakit?"

-"Bakit siya pa! Mas maganda naman ako diyan ah!"

Nagmamaktol silang lahat.

"At, ang kung sino man ang humawak sa kahit isang hibla ng buhok niya, lahat kayo malalagot sa akin. Hindi pa tayo tapos sa ginawa nyo sa girlfriend ko kanina, once na mangyari ulit yon. Ako mismo ang haharap sa inyo!"

I shouted at them.

Una.

Nagalit ako doon sa ginawa nila.

Pangalawa.

Ginawa ko 'to kasama na rin sa plano.

"E-Ethan? tara na.." bumulong siya, hila-hila ulit yung polo ko.

"And one thing, I love my her, kesa sa mga iba ko.." I said it bago ako umalis.

Pero we are all just faking.

Hila-hila ko pa rin yung braso niya pag-labas doon sa classroom.

Nagagalit ako sa kanya kasi ayaw lumaban, masyado siyang mahina.

At nagagalit din ako sa mga gumawa sa kaniya nito.

Hindi ko pa nararanasan ang ganitong feeling kay Rikka,

Bakit?

Kasi, marunong lumaban 'yon kilala rin siya dito. Kaya walang na-ngangahas na lumapit doon, maliban sa mga kaibigan niya.

That's the reason why I like her very much.

Eh, itong babaeng 'to? Wala, ayaw lumaban. Weak!

Kaya tama nga yung sinabi ni Lucas na 99.9% ang reason na hindi ako ma-iinlove dito.

Pero, why 99.9%?

Hindi pa ginawang 100%?

kasi, the other one percent ay nasa hawak na ng creator yun, imposible sa science ang one hundred percent.

At yung natitirang one percent, ay possibility na mag-kagusto sa kanya.

Tch.

Kung baga wala, namang dapat alalahanin na ma-iinlove ako sa gaya niya. Para bang wala na 'yon kahit baligatarin mo yung buong mundo, mas mataas pa rin ang ninety-nine percent.

"Ethan, san na tayo pupunta? Pupulutin ko pa yung mga gamit ko dun, baka mamaya na tapon na yung laman ng basurahan"

Tumigil siya sa pag-lalakad, tapos unti unti niyang pinupunasan yung mga luha niya. Medyo nanginginig pa nga siya.

"Aiiissshhh! Wag mo nang damputin 'yon ako na bahala, okay? Sumunod ka lang sa akin ha!"

Napakamot ako, medyo nainis ako, hindi ko alam kung bakit.

Tumango na lang siya tapos hinila ko ulit siya.

3 o'clock pa lang naman at ang oras naman ng date ay seven kaya medyo marami pang oras.

Naiisipan kong pakainin muna siya, alam ko kasing laging wala sa budget niya ang almusal.

Kung tatawagin mong cutting classes 'tong ginagawa namin. Bahala ka wala akong pake, hindi naman ako malalagot kung gagawin namin 'to, madalas ko nga ginagawa 'to.

Lumabas kami, sa parking lot ng school.

Pinapasok ko siya sa kotse ko.

At himala walang tanong niyang ginawa yun.

Nag-drive na ako kagad.

Iniisip ko kung saan ko ulit papakainin 'tong mokong.

Chocolate Factory?

Tss.. masyadong malayo.

Sa Mcdo?

Ayoko, ang pangit ng pagkain dun, masyadong mura.

Ah, sa Pizza Hut?

Tutal yan yung  food chain na nakita ko sa phone niya. May malapit naman nun dito kaya madali lang.

I tried to look at her, nakita kong nakadungaw siya doon sa may bintana, yung parang bata na nakasakay sa may passangers seat.

Lumingon siya tapos ngumiti siya, yung malaking malaki yung ngiti niya.

Hindi ko alam pero, bigla akong nagulat sa sobrang gulat ko napa utal-utal ako. At nag-docus sa pag-drive

Aiiisssshhh!

She's really insane!

Kanina, ngangawa ngawa na parang bata na ingawan ng lollipop, tapos ngayon parang bata na tuwang tuwa dahil binilhan mo ng laruan.

"Ethan, nag-cucutting ba tayo? Di ba masama yun? tsk.. tsk.. tsk.."

Sabi niya sa akin, habang yung mukha niya medyo parang natutuwa.

"Hindi, nag-paalam ako kay tito kaya manahimik ka muna."

I lied, kahit hindi pero alam naman ni tito yung mga pinagagawa ko.

A/N: abangan nyo sa next chapter kung paano magiging mukhang tao si Haruhi~

Bakit?

Kasi nga diba, date nila Rikka? lol.

Our Let It BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon