Chapter 17
"I love you Haruhi.." sabi niya sa akin.
Nagulat ako ng sinabi niya yan. Habulin kaya siya ng mga babae, pero bakit ako yung pinili niya? Mas madaming mas maganda sa akin pero bakit ako?
Akala ko ba may iba na siya? Pero bakit siya lumalapit sa akin para sabihin yan?
Naririnig ko, ang daming nag-sisigawan, boses ng mga babae, parang may artista na dumating sa sobrang lakas ng sigaw.
bleeee :p akin kaya si Usui. Akin lang siyaaa!
"Ha-Ru-Hi!" sinigaw niya yung pangalan ko, sa sobrang lakas akala ko pati utak ko tatalsik na.
Tapos, dinilat ko yung mga mata ko.
T_T
"Ibaaaaaalik niyo na yung panaginip koooo! Si Usui na yung kausap ko nooooon! Hwaaaaaaa! Ibalik nyo ako! Ayoko pang gumising!"
Dumilat ulit ako. Nasa kwarto pa rin ko, tapos nag-takip ulit ako ng kumot. Ayoko pa gumising, masarap pa yung tulog ko.
"Aaaaaraaaaay!" napasigaw ko kasi may pumitik na naman sa noo ko. Ang aga aga noo ko kagad yung tinitira niyo!
"Anu ba yaaaan oh! Gusto ko pang bumalik ulit sa panaginip koooo!"
"Hoy, babae, tumigil ka ng dyan bilisan mo at aantayin kita sa baba." napadilat ako sa nakita ko. Tapos lumakad siya papaalis. Sige! Lumayas ka na! Iwanan mo na ako ditoo! Gusto ko pang matuloog!
Sandali.. si ano pala yun..
Si Ethan?!
Pssshh.. kaya pala pati sa panaginip ko ang daming sumisigaw na babae.
"Kanina pa kita kasi ginigising, bilisan mo na dyan Haruhi, kung ayaw mong ma-late." sabi sa akin ni Athena habang nag-susuklay siya.
15 minutes lang kaya ako, kasama na ligo atsaka almusal dun.. teka.. wala pala akong budget sa almusal.. ehehe. Peace tayo.
-me no mae ni utsuru koi ni itsumo aimai sono kotoba de nani ka ga kawara naun te omoi mo shinakute-
Narinig ko yung maganda kong ringtone tinignan ko yung phone, nag-text si Ethan.
-----------------------------------------------------------------------------------
<Pwede bang pakibilisan mo babae, nabobored na ako dito! Ayoko ng nag-aantay!>
-----------------------------------------------------------------------------------
Hanggang dun lang yung message niya.
Dinalian ko na kagad yung kilos ko, baka kasi mamaya maasar yun, tapos kung ano pa yung gawin, atsaka sasabayan ko si Athena.
Kaliwa't kanan ako. Nag-ayos na ako ng buhok ko tapos, nag-suot ng medyas, ng uniform ko.
Mag-toothbrush?
Ain't nobody got time fo daat!
Mamaya na lang pag-kauwi ko, hindi pa naman mabaho yung hininga ko, nag-toothbrush naman ako kagabi eh. lol.
"Hoi.. Hoi.." lalabas na sana ako nung biglang hinarangan ni Athena yung pinto.
"Atheeenaa! Late na tayoo!" sigaw ko sa kanya habang pinipilit kong makdaan.
"Late na kung late, basta mag-toothbrush ka doon!" sabay turo niya dun sa may banyo.
Napabuntong hininga ako. Paano niya ba naman kasi nalalaman kung nag-totoothbrush ako o hindi eh. Siguro may lahing magician 'to. pumasok na ako at nag-simulang mag-toothbrush.
BINABASA MO ANG
Our Let It Be
RomanceWhat will happen, if Mr. Casanova was broken hearted, then he used Little Miss Loser, as a part of his plan?