Chapter 6
Susunduin kita bukas
Susunduin kita bukas.
Susunduin Kita bukas..
Your my fake girlfriend..
"Ha-Ru-Hi!"
Narinig ko may biglang tumawag sa pangalan ko.
Tapos ang daming nag-sisigawan.
"Athena?! Anung meron? May sunog ba? Bakit ang ingay sa labas?"
"Aba, hindi ko alam, gigisingin sana kita kasi mag-seseven o'clock na eh."
"Athena... pwede bang.."
"Ano? Bakit may masakit ba?" Tinanong ako ni Athena, mukhang nag-aalala.
Gusto ko pa sanang matulog. Kaso nagising ako kasi ang ingay sa labas ng dorm.
"Pwede bang.. gisingin mo 'ko after five minutes? (=___=)v napuyat kasi ako kagabi.."
"Sinabi ko kasi sa'yo na pagkatapos mong magbasa ng manga, matulog ka na, hindi yung manonood ka pa ng anime o kaya mag-lalaro pa ng dota. Grounded ka sa paggamit ng laptop ko!!" Sinigaw niya sa akin, ang sakit kaya sa tenga..
"Sige na nga, mag-aayos na ako, basta wag mo lang akong i-grounded, please?" Nagmakaawa ako kay Athena, siya lang kasi yung nag-papahiram ng laptop, atska wala akong malaking pera para bumili ng ganoon.
Tapos may kumatok, "oh, sige umaayos ka na ako na ang mag-bubukas, bilisan mo dyan ha! Dahil malalate na tayo!" Sabi niya sa 'kin.
Parang nanay ko talaga si Athena, napaka-caring nito. Ang bait kaya niya, kaya mahal na mahal ko siya bilang ate ko.
Tumayo na ako, tapos napatingin ako sa may salamin.
"Ehehehe...ang gulo nung buhok ko," tapos lumabas na ako ng kwarto, pupunta sana ako sa CR,
Tapos..
Oh my gooood! Andyan si boss kausap niya si Athena.
Tapos nakita nila ako.
"Ehehehe, Hi po!" Sinabi ko kay boss.. tapos kumaway pa ako.
"Di ba sabi ko sayo, susunduin kita?!" Sinigaw niya sa 'kin, nasa pinto siya tapos si Athena pumasok na sa kwarto para mag ayos. Sorry boss, nakalimutan ko po kasi kahapon, ang alam ko wala akong boyfriend maliban kay Usui Takumi at Len Kagamine. Ay timer ako? Hindi joke, fictional crushes ko sila, pag-ginogoogle mo, ang pogi kaya nila!
"Ah..eh kasi nakalimutan ko po.." sinagot ko siya ng matipid.
"Oh come on Haruhi! Bilisan mo na nga lang mag-ayos, aantayin kita sa baba!" utos niy sa kin. Kahit tamad ako mag-aral, ayaw ko pa ring mawala ang scholarship ko.
"Paano ka nga pala po nakapasok dito? Bawal po kaya ang lalake dito sa dorm." Nagtanong ako, malamang kasi curious.
"Just be ready! I have my connections here, so just shut up, bilisan mo ayoko ng naghihintay."
"O-opo!" Tapos sinara na niya yung pinto.
"Oi. Alessa. May mga bagay ba akong dapat malaman?" Lumabas si Athena ng kwarto, tapos yun agad yung tanong niya.
Eh. Di habang nag-aayos ako kinukwento ko sa kanya, best friend ko siya eh. ^____^
Bumaba na kami ni Athena, siya naman, bigla siyang tumahimik pag-katapos ko ikwento.
Tapos.
Nakita ko na naman si boss.
"Bilisan mo Haruhi!" sigaw niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Let It Be
RomanceWhat will happen, if Mr. Casanova was broken hearted, then he used Little Miss Loser, as a part of his plan?