A/N:
Ayan, pinahaba ko na, bale isang taon po ako hindi mag-uupdate.
Joke lang, uto-uto naman kayo XD
Basta kahit kailan po ako pwedeng mag-update updatan. Kahit na wala pang ka-read read yung prevoius chapter. Ako na kawawa 'o sige.
Chapter 19
"Hmmm..." narinig kong lumabas sa bibig niya, at mukhang nahihiwagaan.
"Ano 'yon? Bakit ayaw mo ba dito?" tinanong ko siya habang patingin-tingin siya sa paligid niya.
"Ehehe, Ethan, ba't tayo nandito? Wala akong pera eh..." lumingon siya sa akin, tapos biglang ngumiti.
I hate her innocent smile.
She's crazy.
"Bakit sinabi ko bang ikaw yung mag-babayad?" I asked her.
"Ah, alam ko na! Ililibre mo ako?"
Medyo nahihiwagaan pa rin yung mukha niya.
"Hindi ah, sino may sabi sayo?"
Nandito pa rin kami malapit sa may labasan ng restaurant na 'to.
Tapos may lumapit sa amin
"Excuse me ma'am, sir, dun na lang po kayo" sabay turo sa may vacant table malapit sa may glass window.
Hinila niya na naman yung damit ko.
"Hikaru. Wala akong pera, ayokong maghugas ng plato.." bulong niya habang nakakapit sa braso ko na parang tuko.
"Ako na bahala, okay? hindi kita paghuhugasin dito." I answered to her, tapos bumitaw na siya, tumango sa akin.
Sa sobrang dami kong pangalan, ang dami niya ng tinatawag sa akin.
umupo na kagad kami sa table, dalawa lang kami pero parang pang-apatan yung mga upuan.
Bale magkaharap kaming dalawa.
"Hindi pa naman ako gutom---"
Bigla akong nakarinig ng tunog na pumutol sa pagsasalita nya.
Sinungaling.
Hindi gutom ah.
"Sinabi ng hindi ka naman pag-babayarin dito eh." pinitik ko yung noo niya, ang kulit kasi eh.
"Waàaaaaaaaãaaâh! Hi-Hikaruuuu! masakit kayaa!" ang lakas ng sigaw niya, may mga taong napatingin tuloy sa amin.
"Tss.. ang ingay mo, alam mo yon?" I told her off of her face, habang yung waiter naglalagay ng mga plato sa table.
"Ehehehe, sorry di ko po alam.." tapos bigla niyang tinakpan yung bibig niya.
"Sir ito na po yung menu.." sabi nung waiter sa tabi ko.
"Wag mo siyang bibigyan ng menu." sabi ko sa waiter, habang inaabot yung menu niya.
"Hala! Hikaru, bakit?!" She asked, tapos biglang sumimangot at nag-crossed arms.
"Bakit ikaw ba yung mag-babayad?"
"Titingin lang sana ako kung may ice-cream.." tapos nag-pout siya, nilapag yung baba niya sa table.
"Uh, pwede bang ikaw na lang yung pumili kung ano yung best seller niyo dito," sinabi ko sa waiter, dahil kung bibilhin ko lahat ng nasa menu, baka hindi namin maubos.
Nung paalis na yung waiter, nag sign ako sa kanya na lumapit siya.
Pinalapit ko yung tenga niya.

BINABASA MO ANG
Our Let It Be
RomanceWhat will happen, if Mr. Casanova was broken hearted, then he used Little Miss Loser, as a part of his plan?