Ethan's POV
"Ethan anong papanoorin natin?" nagtanong siya sa akin habang hawak hawak yung polo ko.
"Hindi ko alam.." sabi ko sa kanya.
Pero balak daw nila Rikka na manood ng horror.
Hmm... let me guess.. cartoons ang gustong panoorin ni Haru..
Isip bata kase.
"Uh.. Ethan.. let's try this one oh," hinila ni Rikka yung polo ko habang nakaturo sa may banner ng movie.
Conjuring.
Yun daw yung gusto niyang panoorin.
"Sige.." hindi ako makatanggi sa kanya. Atsaka titignan ko rin kung paano matakot si Haru.. siguro ang cute niya.
Sisigaw siya ng "Hikaaaaru! I'm scared.. hug me please?"
Napatawa tuloy ako ng konti dahil sa naiisip ko.
Bumili na kami ng ticket tapos pumasok na kami.
At dahil hindi niya alam ang salitang "Diet" bumili muna siya ng popcorn niya at mga drinks.
Mukhang bored nga yung mukha eh.
Aantayin ko ngang matakot 'to.
Nakaupo kami bale si Jeff, Rikka, Ako tapos si Haruhi, tapos nag-start na.
Isang pamilya na nag-move in sa isang bahay.
Si Rikka wala pa sa gitna yung movie takot na takot na. Nakakapit siya ng mahigpit kay Jeff.
Tss.. bakit si Haruhi hindi pa nakapulupot sa akin. I mean hindi pa ba siya natatakot? Well wala pa naman kami sa gitna eh, medyo kakasimula palang.
Ngata siya ng ngata ng popcorn tapos yung mga mata niya nakatitig sa screen, habang si Rikka nagtatago kay Jeff.
Medyo na-bored na ako sa movie.. ang corny, papalakpak pang nalalaman. Walang maganda. Anong pake ko kung true story 'yan? Bakit pupunta ba sila dito sa pilipinas?
Nasa gitna na kami ng movie kung saan marami nang nalalaman yung pamilya tungkol sa kung
ano-ano.
Pero hanggang ngayon, wala pa ring reaction si Haruhi kain pa rin siya ng akin.
Ang dami na ngang taong nagsisigawan, kaming dalawa, wala poker face.
Na-cucurious tuloy ako kung ano yung mga bagay that makes her scared.
"Ethan, dapat nag spirited away na lang tayo. Ang chaka naman nito, ikaw bang multo manakot ko na lang sasali ka pa sa laro nila?" Sabi niya sa akin na medyo pabulol habang kumakain ng popcorn.
Parehas kami ng iniisip. Walang kwenta 'tong movie na 'to.
Habang bored na bored kami, yung mga tao naman including Rikka ay takot na takot na.
Bakit ba naman kasi sa lahat ng movie, ito pa yung natipuhan niya.
After 2 hours siguro natapos yung movie.
Lumabas kami sa sinehan na bored na bored ako, pati na rin si Haruhi.
Curious ako kung ano yung kinakatakutan niya. I think I will need Lucas' help for this.
"That was a very very awesome movie! Nee Haruhi?" sigaw ni Rikka tapos tuwang tuwa.
"Pssshh.. Hindi naman nakakatakot.." sabi ni Haruhi kay Rikka.
"Ah, hello Haruhi? True Story kaya yun, hindi ka ba natatakot?" sabi ni Rikka with a sarcastic voice.
Tumahimik na lang siya.
BINABASA MO ANG
Our Let It Be
RomanceWhat will happen, if Mr. Casanova was broken hearted, then he used Little Miss Loser, as a part of his plan?