Chapter 11
Lakad pa.
"Haru, nakalimutan ko palang itanong sayo kung, may cellphone ka ba? Hindi ko pa nakukuha yung no. mo, girlfriend kita tapos hindi ko alam kung anung number mo.."
Sus maryoseeep! Sa tingin mo may cellphone ako? common sense. lol.
"Wala, kasi di ba? Ginawa yun para makipag-contact sa malalayo mong kakilala, eh si Athena lang naman yung kaibigan ko. Para saan pa at mag-cecellphone ako?"
Hinila niya ako. Yeeeees! Ililigaw niya na ba ako? Makakapunta ako ako sa bahay na cake? *drools* baad! anaconda! bad! ikaw lolong, manahimik ka muna, kakain din tayo mamaya. Ang babad naman ng mga alaga ko, nag-wawala na.
Pumunta kami, sa shop ng apple.
Hindi yung tindahan ng mga mansanas, hindi rin yung tindahan ng kinakain na apple.
"Aki, anung ginagawa natin dito? may bibilin ka ba?"
Hindi niya ako pinapansin. Aba! eh, di diwaaag! Bad Haru! Bad!..
Lumapit siya sa isang sales lady, hawak niya pa rin yung kamay ko.
Aaminin ko. Kamukha niya si Usui, hmmm.. oo pogi siya, kaya nga laaaahat ng babae sa school papatayin ako. Pero mas pogi pa rin si Usui. Yun nga lang di naman totoo, ay saayang! Pag-ginugoogle nyo si Usui wag kayong maiinlove ha, akin lang yun. Pati pala si Len, Oreki, Sakikabara,Hibiki, at marami pang iba. Bakit kasi mas naging pogi pa sila kesa sa totoong tao.
Yung saleslady pacute kay Aki. Jusko, kung pwede sayong sayo na siya..
"Uh, Miss, magkano ba 'to?" tanong niya kay miss tindera, habang tinuturo yung Iphone5.
Teka. Wag mong sabihing bibilin niya yan? Wow. Ang yaman niya.
"Fifty-five po,"sagot nung sales lady. Oo alam ko, fifty-five thousand yung ibig niya sabihin. Pero talaga bang bibilin ni Aki to? Sobra talagang yaman nila, sa bagay mom at dad niya ang nag-papaaral sa akin eh.
"Ano Haru? Gusto mo ba 'to?" tinanong niya sa akin, habang hawak hawak yung Iphone.
Anu daw?
Totoo ba yung narinig ko?
o_______________________O
Paki-rewind nga.
Anu Haru gusto mo ba 'to?
"Wow, ang sweet naman ni Sir," sabi nung saleslady.
Psssshh.. niloloko niyo ako dito haa!
Tulala ako. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nokia3310 nga hindi ako makabili, yan pa kaya? Atsaka ayokong mag-kautang no,
"Ah, sige miss, pag-isipan niya muna 'to, babalik din kami mamaya." tapos hinawakan niya yung kamay ko, papalabas ng shop. Ay nako Ethan sana naging si Usui ka na lang, para may nararamdaman ako kapag hinahawakan mo ng hinahawakan yung kamay ko. Pero may konting electric shock kapag hinahawakan niya yung kamay ko.
Ghaaaaad! Haruhi, babae ka pala?
"Anu ba, gusto mo ba yung Iphone o hindi?" He told me, aba, sino ba ang hindi makakatanggi sa Iphone? Ayoko ang kapal naman ng mukha ko, may hiya din naman ako kahit papano.
"Ethan, ayoko, wag mo na akong bilhan.. hindi ko naman kailangan ng cellphone," sinabi ko sa kanya, naktungo yung ulo ko, tapos yung paa ko hindi mapakali.
"Wag, kang mag-alala, hindi utang yun, hindi ko rin babawaiin yun kahit kami na ni Rikka"
Pano kung hindi maging kayo? Babawiin mo? lol.
Hinila niya ulit ako papasok ng shop. Pumunta kagad kami dun sa saleslady.
"Uh, Miss kukunin ko na yung Iphone..." sani niya, naku, kung nanaginip man ako, wag mo na akong gisingin Athena.
"Pero Ethan nakakahiya naman sa mom and dad mo," tapos di ako mapakali, tingin ko ang kapal ng mukha ko.
"Tss.. Libre ko yan sayo, pera ko yan. You can keep it." biglang sumingit yung si ateng saleslady.
"Sir, bayaran niyo na lang po dun," may tinuro siya na parang cashier. Kinaladkad niya ko, papunta dun. Tapos may sinabi pa si ateng saleslady,
-waaaaaaah, ang swerte naman ng girlfriend niya, grabeee, nakakainggit, ang pogi na nga tapos ang bait pa.. T____T waaaaah!
"Girlfriend"
Lol, kung pwede lang sabihin na umaa-acting lang ako sa ngalan ng scholarship sasabihin ko sayo.
Tapos binayaran na namin yung Iphone. Talagang binili nya hindi siya nag-loloko, nahihiya tuloy ako, kanina bumili siya ng ice cream tapos ngayon naman Iphone?
Tapos yun na nga, nag-kiss na kami.
Wag feeler, panaginip ko yon kaninang umaga, AT kay Usui yung kiss.
Haha.
Binigay niya sa akin yung Iphone.
"Ethan, hindi ko naman talaga kailangan--" binato niya sa akin yung box, as in! walang pakielam, parang balat lang ng candy yung binato.
"Bilisan mo na dyan, akala ko ba gusto mo pang pumunta sa chocolate factory,?" Inunahan niya ako sa paglakad, kausap niya ako, nakatalikod siya.
*drools*
"Opo, eto naaaa!" hinabol ko siya sabay hawak sa may bandang braso ng polo niya.
_______________________________________________________________
Ahehehe, nakalimutan ko nga palang sabihin, isang pastrie shop yung chocolate factory. Bale parang eat all you can kaso puro dessert lang.
Pumasok kami sa loob. Waaaaaaaaaah! T___T bakit ang daming caaake?! Iba-iba tapos ang dami. May strawberry,chocolate,strawberry,chocolate,tapos isa pang choooocolate! *drools*
Kumain kami ni Ethan, sabi niya, kahit anu daw pwede.
"Ilang plato ba ang kaya mong kainin huh?" tanong sa akin ni Aki, habang nilalaro niya yung cake.
Ako: ^_______^ Si Aki: -_______-
"Di ko alam..." tapos napakamot ako sa ulo ko.
Bigla siyang kumuha mg table napkin, lumapit siya sa akin, tapos pinunasan yung bibig ko. Hala. Bakit ang lumapit pa siya, eh pwede niya namang sabihin na lang eh.
"Oh, bakit ka namumula? pinunasan ko lang naman yung bibig mo kasi, may dumi ka."
"A-Ano? hindi ah, naiisip ko lang kasi si Usui kung naging totoong tao.." yun na lang yung naisip kong palusot.
Teka.
Yun naman talaga yung naisip ko, hindi pala palusot.
"The day after tomorrow yung date natin nila Rikka, wag mong kakalimutan"
"Ah, Oo sige, hindi ko kakalimutan yun. Yakusoko!" (Promise)
BINABASA MO ANG
Our Let It Be
RomanceWhat will happen, if Mr. Casanova was broken hearted, then he used Little Miss Loser, as a part of his plan?