Chapter 8
Bumaba ako, siguro five minutes lang ang pagitan namin, nung bumababa ako.
Ang bilis talagang tumakbo nun, may lahi yatang kabayo yung babaeng yun.
Biglang nag-vibrate yung phone ko.
Unknown number yung lumabas. Hindi pamilyar sa akin yung number.
"Hello?"
<Hi, Ethan! Kamusta ka na?>
"Huh? Excuse me, but may I know who are you?"
<Aaaaaww, nakalimutan mo na ba ako?>
Sa tono at pagsasalita niya parang kilala ko siysa.
<Ethan naman eh, si Rikka 'to>
I froze. Why did she call? What is the reason for her, doing this?
"Uh, bakit ka napatawag?"
<wala kinakamusta ka lang, congrats nga pala dun sa bagong mong girlfriend, pang-ilan mo na ba siya? Sana magtagal kayo..>
" I love her Rikka, I love her so much"
<And Ethan, ini-invite pala kita sa dinner date namin nina Jeff, kung gusto mo, isama mo na din yung girlfriend mo, para mag-dodouble date tayo! Di ba masaya yun.>
"Oh, sige, anung oras, at kelan?"
<Yes! Akala ko di ka papayag eh..>
Tss.. and who the hell is Jeff anyway? Yung pinalit niya sa akin?
<So, the day after tomorrow, 7 pm namin kayo aantayin, dun pa rin sa dati, yung favorite dinner place ko>
"Ah,oo sige, we will be there."
<Sige, Ethan, Bye-bye~>
The call ended.
Rikka must be really affected, siguro umabot na sa kanya yung balita. I mean, pag-katapos niya, ang dami kong babaeng ginamit para pagselosen siya pero, I think nung ginamit ko si Haruhi, dun lang niya ako tinawagan,
"Athenaaaa!"
"Haruhi try mo ngang mag-aral muna kahit, konti lang, kahit isang page lang"
"Ayooooooko! Gusto ko muna manood ng anime! Ayoko! Ayoko! Ayoko!"
Feeling ko nag-hahabulan 'tong dalawang ito. The reason kung bakit ako labas pasok sa dormitory ng girls ay dahil lang naman kay Tito Enzo Crosswell. Siya kasi yung may ari ng school, kapatid siya ni dad.
May babaeng nakakita sa akin. -__________________-
"E-Ethan? Anung ginagawa mo dito?!"
"Ssshh, be quiet, secret lang natin 'to ha?" with a quiet sign, tapis nag-pacute ako dun sa babae. Wag lang nila akong dumugin dito. Kaninang umaga kasi..ayoko ng maalala!
"Okay!" Ngumiti yung, babae tapos, nag-lakad na papaalis, mukhang tuwang tuwa.
Kumatok na ko. Baka mamaya may makakita pa sa akin dito.
"Aaaaathenaaa! May taooo!" sigaw nung babae sa loob. Rinig na rinig ko sila dito hanggang sa labas.
Tss.. ang daldal talaga nung mokong na 'yon.
Bumukas yung pinto, si Athena yung nakita ko.
"Athena, si Haruhi?" tapos tinuro niya yung bandang nasa, may sofa na may katapat na tv.
Naka t-shirt tapos naka-pajama, may kumot na gamit, anung oras pa lang ba?
Tapos yung bangs naka-taas, naka-clip, may kakainkain sa bibig na lollipop, hindi mag kanda ugaga, dahil sa nilalaro niya. Ang cute nyang tignan, parang bata, ang sarap kurutin yung pisngi.
Sinilip ko yung tv kung anu yung nilalaro, hindi niya pa rin ako napapansin, naka-focus lang siya sa nilalaro niya.
Yung "Battle Field" lang naman, mas mahirap pa sa call of duty.
Grabee! Babae ba 'to
"Haruhi, mag-aaral ka na.." sabi ni Athena, naka-cross arm pero hindi niya sinasabi na nakapasok na ako, ako naman naka-upo lang ako dun sa may maliit nilang kainan.
"Ayoko! Tatapusin ko muna 'to! Wag kang mag-alala Athena, tuturuan kita mamaya sa biology, payagan mo lang ako "
You mean, yung pagiging honor student niya..
Hindi pa siya nag-aaral nun? Ano bang klaseng utak meron itong babaeng 'to?
Lumapit ako sa kanya, tapos pinisil ko yung pisngi niya.
Nakatingin pa rin siya dun sa nilalaro niya.
"Aaaaathiiiieeeeeeenaaaaa! Masakit--" napatigil siya, tapos pai-slow mo pa yung lingon niya, nung makita ako biglang binitawan yung controller, tapos gumapang papuntang sulok.
Tss.. mukhang batang, nakakita ng multo.
Tapos mamaya, nag-square sign siya,
"Barrier! Barrier! Barrier!" Nakapikit siya habang sinasabi yun ng paulit-ulit.
Lumapit ako tapos pinitik ko yung noo niya, haha.. ang cute kasing tignan kapag nakataas yung buhok niya.
"Waaaaaaaaaaah! Ang sakit! Atheeenaa! May stranger na nakapasok ditoooo!!" Sinigaw niya habang hawak hawak niya yung noo niya. Nakakatawang tignan, parang batang paslit na ewan.
"Hoi. Haruhi, tignan mo oh, may dalang ice cream si Ethan!" Sinigaw ni Athena, kahit wala talaga akong dinala, di ko alam kung bakit nya sinabi yun.
Bigla siyang napatayo tapos, kinusot yung mga mata niya.
"Athena, anung flavor?..." yan yung tinanong niya, nung sinabi ni Athena na may ice cream.. uto-uto.
"May, sinabi ba ako? Wala naman di ba Ethan?" Nag-maang maangan pa si Athena, hahaha. Ice cream lang pala katapat neto eh.
Inaalog niya si Athena..
"Diba, may katapat na convinient store 'tong dorm?" tinanong ko, para lang manahimik tong mokong na 'to, bibilhan ko.
"Oooo-ooo, Ethaaaan, Haruhi! Tumigil ka muna!" binitawan siya ni Haruhi sa pag-kakaalog.
"Eh, kasi, hindi naman ako binge, sabi mo, may ice cream!" Umupo siya sa may sulok, tapos nakasimangot, lol. mukhang bata talaga.
"Siguro Haru, alam mo naman yung papuntang convinient store di na?" tinanong ko siya habang dumudukot ng pera sa wallet ko.
"Oo naman!" biglang nabuhayan ng loob. Binigyan ko siya ng five hundred. "Oh, yan bumili ka na dun, dalian mo ha, baka lung saan ka pa sumuot!"konting paalala ko sa kanya. Tapos tumakbo siya. Ang bilis tumakbo.
BINABASA MO ANG
Our Let It Be
RomanceWhat will happen, if Mr. Casanova was broken hearted, then he used Little Miss Loser, as a part of his plan?