Chapter 5

601K 5.5K 477
                                    

Nagising ako ng maramdaman kong may humalik sakin. Si Kath.. Bullshit, pagod na ako at gusto ko ng matulog nun nang gigising pa. Pero nakapikit padin ako at hindi ko pinahalata na nagising ako, "I love you.. so much."

Pag sabi niya sakin niyan tumalikod na siya at nagkumot, kinapa ko yung unan ko at basa ito. Umiyak na naman siya, naiinis talaga ako pag lagi nalang siyang umiiyak, nakakairita. Nakakainis kasi kailangan ko pang makonsensiya pag may ka ons akong babae. Pano ba naman ako hindi maghahanap, kailangan ko pa siyang pwersahin pag gusto ko. Fck, she's my wife dapat hindi ko na siya kailangang pilitin pa. And yeah, she's not good in bd. She's boring and worthless.

Akala ko totoo na may nangyari talaga sakanila ni Jeric, that's why pinandirian ko siya. Pero nung gabing pinilit ko siya, dun ko nalaman ang totoo. Gago talaga si Jeric, napaniwala niya kami dun. Pero kahit nalaman ko naman ang totoo hindi padin nag bago ang tingin ko sakaniya.

Nung party ni Zach, sinama ko yung nakilala ko sa bar na babae. Si Akari. She's hot, sexy, and good in bed. Siya ang dinala ko sa party na yun. Alam ko namang maiinip lang ako dun pag si Kath ang kasama ko, iiwan ko lang din siya dun kaya hindi siya ang sinama ko.

Nagulat ako ng biglang lumapit sakin yung asawa ni Zach. Si Charmaine. Lumayo muna ako kay Akari. "Nasan si Kath?" tanong niya sakin.

"Nasa bahay, bakit?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Wow Liam, you're already married pero hindi ka padin nag babago, ang tigas din ng mukha mo noh?" sabi nito habang nakapamewang. Ha! Kahit ano namang mangyari hindi ako magbabago eh.

"Please stop hurting my friend, Liam. Respect her, she's your wife hindi man lang ba pumasok sa utak mo na nasasaktan siya sa mga kalokohang ginagawa mo?" Bago kami ikasal ni Kath, sinabi ko na nga na itigil niya at wag ng ipatuloy. Siya na lang ang makakapag pigil nun pero hindi niya ginawa. Edi siya ang mag suffer, basta hinding hindi ako magbabago ng dahil lang may asawa ko? No.

"Tomorrow night, may dinner tayo nila Zach. Isama mo si Kath." at umalis na siya. Kaya naman sinama ko na nga si Kath. Pag pasok namin sa restaurant kinausap agad ni Charmaine si Kath. Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila. Parang tanga din tong si Kath eh, kinekwento pa niya sa kaibigan niya kung anong nangyayari samin. Siya lang naman ang nagmumukhang kawawa.

Hindi ko kinakausap si Kath, kumain lang ako. Pag kakain ko kinalikot ko yung phone ko, tahimik lang si Kath. Sila Zach at Charmaine at kasamang babae nila Jeric naghaharutan sila. Biglang nagsalita si Charmaine. "Hindi ko na kaya to!"

Nagtaka naman kami sa sinabi niya, bigla siyang tumingin sakin at minatahan niya ako. "Liam, pano mo nagagawa sa asawa mong hindi siya pansinin. She's your wife!" nagulat ako sa inasta niya, sobra na tong babaeng to. Pasalamat siyang babae siya at asawa siya ng kaibigan ko. Hinawakan siya ni Zach at pinigilan niya to.

"No Zach! Hindi mo ba alam na nasasaktan si Kath sa mga pinag gagawa ni Liam? Kahapon ibang babae ang isinama niya! What kind of husband is he? Buti nga natitiis mo pa siya, Kath!" tumingin siya kay Kath. Tahimik lang si Katherine. Ang pananalita ng babaeng to, purkit mahal lang siya ng asawa niya. Iba ang relation namin ni Kath sa relation nila.

Tumingin saakin si Kath, nagpaalam siya na mag rerest room siya. Alam ko.. Iiyak na naman siya, di na nagsawa. Tss. Nagpaalam na ako na uuwi na kami ni Katherine, nawalan na ako ng gana. Naiinis ako sa asawa ni Zach, parang gago lang. Kaya pagkadating ni Kath hinawakan ko na yunh braso niya at pumunta na kami sa kotse, nakauwi din kami agad at natulog na ako. At yun nga, nung hinalikan niya ako nagising ako.

Pag ka gising ko, naligo agad ako at nagbihis. Nakita ko si Kath, nagluluto. Naramdaman niya na nandito ako sa kitchen, "Goodmorning Liam, wait ah. Niluluto ko pa to. Gutom ka na ba?" sabi niya.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon