Chapter 46: Goodbye Liam

401K 4.2K 392
                                    

LIAM

Papunta nako sa bahay nila Kath ngayon. Kailangan ko ng masabi sakanya ang lahat lahat para maging okay na kami. Para bumalik na sya. Gusto ko din makausap yung dad nya para humingi ng tawad. Alam kong masama din ang loob sakin ng dad nya. Gusto ko ng maayos ang lahat. Ang lahat lahat.

Gusto ko na maging masaya kami ng asawa ko. Babawiin ko lahat, aayusin ko lahat. Alam kong matatanggap pa ko ni Kath.. Mahal ko sya, mahal nya ko. Mabait ang asawa ko, nagawa nya kong tiisin dati. Sa mga kagaguhan ko. Napaka tanga ko kasi sinaktan ko ang isang tulad nya.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nag mamaneho. Naiisip ko na ang mga magagandang mangyayari sakin, na masaya kaming dalawa. Na mag kakaron kami ng masayang pamilya. Maisip ko palang yun masayang masaya na ko.

Mga ilang minute din ay nakarating nako sa tapat ng bahay nila Kath. Tinignan ko kung nandun yung kotse nya, pero wala.

Nag doorbell ako sa labas at pinapasok naman ako agad. Nandito kaya sya? Siguro nandito sya. Hindi naman ako papapasukin kung wala sya.

Umupo ako sa upuan at hinintay si Kath, pero mga 10 minutes na ata akong nag hihintay wala padin sya.

"Manang? Nasan po si Kath?" Tanong ko sa katulong nila.

"Wala sya dito." Napatingin ako sa nag salita. Dad ni Kath. "Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko po sanang makausap si Kath.."

"Umalis ka na, hindi ka kailangan ng anak ko. Wala na sya dito."

Wala na? Anong wala na? "Nasan po sya?" Tanong ko sakanya.

"Umalis ka na." Malamig na sabi nito.

"Hindi ako aalis dito ng hindi nyo sinasabi kung nasan si Katherine!" Medyo napang taasan ko sya ng boses. Pero fck! Kailangan kong malaman kung nasan si Katherine.

"Hindi ka ba marunong makaintindi? Umalis ka na o gusto mo ako pa mismo ang mag paalis sayo dito?" Tinignan nya ako ng masama. "Merlina, paki sabi kila Gardo paki-labas tong tao na to."

Agad naman ako nilabas nung lalaki. Agad nadin naman akong umalis, dahil nakukutuban ko kung nasan ang asawa ko. Kung wala sya dito, malamang nandun sya kila Kylie.

Sumakay agad ako ng kotse at nag drive papunta sa bahay nila Kylie. Agad naman akong nakarating dun.

Nag doorbell ako at agad namang lumabas si Kylie sa bahay nya. "Oh? Anong ginagawa mo dito?"

"Alam kong nandyan sya Kylie. Please ilabas mo sya." Sabi ko sakanya.

"Anong-si Kath? Ha! Liam wala sya dito."

"Ano?! Nasan sya Kylie? Please.. sabihin mo kung nasan sya." Pag mamakaawa ko sakanya.

"Ayoko!"

"Kylie please.." Pag mamakaawa ko padin sakanya. Kailangan kong malaman kung nasan sya.

"Too late, Liam.. too late."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya. Anong too late? Damn!

"Kasama na nya si Wayne. Kilala mo sya diba?" Tinaasan ako ng kilay ni Kylie.

Dammit! Ofcourse. Wayne Dominguez. That bastard. Screw him! Hindi ko makakalimutan yung gago na yun. Nakikita ko kung pano nya ligawan dati si Kath. Bumalik pa pala yung gago na yun dito?

"Bakit nya naman kasama yung gago na yun?!" Kunot noong tanong ko. Nang gigigil ako.

"Uhm.. kasi, mahal ni Wayne si Kath." Ngingiti ngiting sabi ni Kylie.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon