Chapter 17: Disappointed

547K 4.9K 1.2K
                                    

LIAM

DAMN IT! Where the hell are you Katherine? Pag uwi ko ng bahay wala padin sya. San ba nag stay yung babaeng yun? Kailangan na nyang umuwi. I need her right now! Inaasahan kong pag uwi nandito na sya pero wala, no sign of her..

Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi nya sinasagot yung tawag ko. Ganto ba sya katigas? Parang yun lang naman yung sinabi ko, bat napaka sensitive nya? Yun lang eh. Arrghh! Halos nakaka lagpas bente na kong missed calls sakanya. Tinetext ko din sya pero wala talaga.

Mag e- eight pm na ng gabi. San ba sya natutulog? Wala nga man lang syang damit nya na dinala nung umalis sya. Napaisip ako, baka na kila Kylie sya. Kinuha ko agad yung phone ko at tinext si Kylie. After 5 minutes wala paring reply kaya tinawagan ko na, pero bullshit! Wala.. Hindi rin sinasagot. Nababadtrip na talaga ako, kailangan na nyang umuwi. Bahay nya padin to. Bahay namin.

Hindi na ko mapakali kaya lumabas ako ng bahay at sumakay ng kotse, agad agad akong tumungo sa bahay nila Kylie pero walang tao. Patay lahat ng ilaw. Sumakay ulit ako ng kotse pero hindi ko padin tinitigilan ang pag tawag kay Katherine, kung hindi kay Katherine, kay Kylie..

Ilang minuto din akong nakatigil dito sa tabi ng high way, kinokontact ko padin sya. Arrghh! What the hell is wrong with you Katherine? Kinontact ko ulit pero wala padin. Pinapahirapan ba ako nitong babae na to?!

Umuwi na lang ako ng bahay, siguro nandun na si Kath. Baka naman nabasa nya yung text ko at naisipan nya na ring umuwi. Pag ka dating ko sa bahay nakita kong bukas yung ilaw. Pinark ko agad yung kotse ko at pumasok ng bahay pero pag tingin ko sa paligid wala padin si Katherine. Damn it! Iniwan ko palang bukas yung ilaw kanina. Akala ko nakauwi na sya. I'm so stupid.

Tinatawagan ko padin sya at tinetext. Napaisip ako, maybe she's with Matthew? No no. I'm 100% sure she's with Kylie.. Katherine please go home! I need you.

Napahawak ako sa noo ko, Oh god.. Where is she? Where's my wife?

KATHERINE

Nakakarelax.. Ang sarap sa pakiramdam. Kakatapos lang namin mag pa spa nila Matt at Kylie. Akalain mo yun nilibre kami ni Matt! Ang bait talaga ni Matt. Naglalakad kami sa mall ngayon, uuwi na din kami sa bahay nila Matt.

Dalawang araw na din akong hindi umuuwi sa bahay, sinabi kasi ni Kylie wag muna kong umuwi. Mag relax muna daw ako at mag enjoy kasama sila. Kasi daw simula nung ikasal akong lagi akong stressed. Haggard na nga daw ako. Kaya nga kanina nag pa facial kami ni Kylie. Sinamahan kami ni Matt. Ayaw ni Matt mag pa facial kasi daw maganda na naman daw mukha nya at makinis.

Dun kami ni Kylie nag sta stay sa bahay ni Matt. Umuwi si Kylie kahapon para kumuha ng damit namin, pinahiram nya ko ng damit. Wala naman kasi akong dalang damit nung umalis ako ng bahay. Dapat nung nag over night kami uuwi na talaga ako. Kaso eto talagang dalawa kong kaibigan, makulit at pinilit ako. Hindu naman sa napilitan lang din ako pero gusto ko din naman talaga mag relax.

Sumakay na kami nila Matt sa kotse, kotse din ni Matt ang gamit. Sabi nga ni Kylie kotse nya nalang kasi libre na ni Matt pero wala, kay Matt padin lahat! Ngayon lang nanlibre ng ganto si Matt. Dati naman nanlilibre talaga sya halos araw araw pero pa bongga ng pabongga yung libre nya. Nilibre nga nya kami ni Kylie ng damit. Napadaan lang kami sa Forever 21 bigla na nyang sinabi pili lang kami ng gusto namin.

Onti lang kinuha kong mga damit kanina pero si Kylie talaga pinaka marami, akala ko nga aangal si Matt kasi ang daming kinuha ni Kylie pero okay lang daw sakanya. Enjoy our day lang daw.

Inistart na ni Matt yung makina at pina andar na yung kotse. Nasa back seat ako nakaupo, usually pag umaalis naman kaming tatlo laging ako yung nasa back seat eh.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon