Chapter 20: Singapore

540K 4.8K 262
                                    

KATHERINE

Nagulat ako sa mga inaasta ni Liam, kanina pinaghanda nya ko ng plato at naguusap na kami. Tapos ngayon niyaya nya akong magpunta ng Singapore? Nananiginip lang ba ko? Totoo ba tong mga nangyayari samin? Hindi kasi ako makapaniwala, hindi kasi sya yung Liam na parang demonyo. Para naman syang anghel ngayon.

Hindi ako makatulog, siguro dahil nga sa excited ako sa mga pwedeng mangyari sa Singapore. Ganun padin kaya sya? Maguusap padin ba kami. Hindi nya na ba ako babalewalain? Sana naman hindi. Nakapikit lang ang mata ko, nararamdaman kong galaw ng galaw si Liam, anong meron? Ayoko namang tanungin sya kaya nanatili lang akong nakahiga.

Hindi ko sya nahalikan ngayon, hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng hiya. Baka kasi gising pa sya o ano eh. Pero gusto ko talagang gawin kaso ewan ko ba kung bakit hindi ako makagalaw at nanatili lang talaga akong nakahiga dito.

Hindi padin mawala yung nga ngiti ko sa labi, buti nga hindi naman napapansin ni Liam na nakangiti ako. Sabagay nakatalikod ako sakanya pano nya naman mapapansin yun. Tanga mo Kath. Para tuloy akong teenager ngayon na kinikilig kasi pinansin na ko ng crush ko, ngayon lang ako pinaghainan ng asawa ko at kinausap ng ganun. Sana lagi nalang kaming ganito.

Maya maya ay tinamaan nadin ako ng antok, kailangan ko nadin matulog para naman may energy kami bukas. Tulog na nga si Liam eh, halatang pagod sa trabaho.

KINAUMAGAHAN. Nagising ako sa pag tapik ni Liam sa pisngi ko. Pag dilat ko nagulat ako dahil naka topless ang asawa ko. Nakatowel lang sya, at lalabas ng kwarto. Tumayo naman ako sa pag kakahiga ko.

"Maliligo na ko sa baba, maligo ka na dyan. Pag katapos aalis na tayo, dun na tayo kumain sa eroplano." Sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Napangiti naman ako, ang aga aga ang ganda ng umaga ko. Tumayo na ako at kinuha yung towel, pumasok na ako sa banyo at naligo. Pag tapos nun nagbihis na ko. Pumunta ako sa cabinet ko at kumuha ako ng mga damit ko, 1 day and 1 night lang kami ni Liam dun kaya kaonting damit lang yung kinuha ko. Tinignan ko naman yung loob ng kwarto at hinanap yung bag ni Liam kung nasan, nakita ko naman yun sa tabi ng kama at nakaayos na.

Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si Liam. Napatingin naman agad ako sakanya, wet look.. Bat parang ang tagal nya namang maligo at nauna pa kong natapos? Tumingin ako sakanya at nakatingin din sya sakin. Akmang lalabas na sana ko ng pinto ng bigla syang nagsalita.

"Where are you going?" Tanong nya, hindi naman ako nakasagot agad. Ayoko lang talaga syang makitang ganun, hindi ko alam kung bakit pero medyo naiilang ako. Kahit gusto ko yung view.

"Uhm.. Iinom ng tubig." Sabi ko sakanya at lumabas ng kwarto. Pag kalabas ko ng kwarto nakahinga din ako ng maluwag. Buti naman! Nahihiya din kasi ako baka matulala na naman ako sakanya. Katulad dati nahuli nya akong nakatingin sa katawan nya.

Umupo ako sa sofa, dito ko nalang sya hihintayin. Ayoko munang umakyat. Maya maya bumaba na din si Liam at hawak nya na yung mga dadalin namin. "Let's go?" Sabi nya, tumango naman ako at tumayo na.

Nilagay nya yung nga gamit namin sa likod ng kotse, sumakay na ko ng kotse at sumakay na din sya. Tahimik lang yung byahe namin, hindi ko alam kung bakit hindi nya na naman ako kinakausap. Siguro nga sandali lang tong mga nangyayari. Pero sana naman tumagal.

Makalipas ng isang oras nasa Airport na din kami, agad naman na kami nakasakay ng eroplano dahil sakto lang din ang pag dating naman. Sya ang naghawak ng mga gamit namin. Naisip ko nga.. Ano kayang pumasok sa utak ni Liam at bakit nya ako inayang mag punta sa Singapore?

Nakaupo na kami ni Liam ngayon, Sa bintana ako naka pwesto. Gusto ko talaga sa bintana dahil nawiwili ako sa mga ulap. Di padin kami naguusap, gusto ko nga sya kausapin eh pero nahihiya ako baka bumalik sya sa dating Liam na masungit at hindi namamansin. Matagal tagal din akong nakatingin sa bintana, bumibigat yung mata ko. Inaantok ako. Sumandal ako upuan at pinikit ko ang mata ko.

Nagulat nalang ako ng maramdaman kong hinawakan ni Liam yung pisngi ko at ipinatong nya ang ulo ko sa balikat nya, bigla ko namang tinanggal yung ulo ko sa balikat nya. "Sleep." Matigas na sabi nya. Wala naman akong magagawa kaya binalik ko nalang ang pag kapatong ng ulo ko sa balikat nya. Inaantok na din kasi ako kaya ginusto ko na din. Pero gusto ko naman talaga.

Nagising ako dahil sa pag hawak ni Liam sa hita ko. Binagon ko naman yung ulo ko sa balikat nya at tumingin sakanya, "Mag lalanding na." sabi nya. Umiwas ako ng tingin at nag ayos na. Liam talaga, bat sa hita pa. Nakashorts pa naman ako ngayon.

Bumaba na kami sa eroplano, dumiretso kami sa isang hotel.
Hindi ko alam kung anong mali kasi pinagtitinginan kami ng mga tao. May dumi ba ko sa mukha ko o ano? Napatingin naman ako kay Liam at diretso lang ang tingin, pupuntahan namin yung kwarto namin. Nakita ko namang may babaeng nakatingin kay Liam. Tinignan ko yung babae at nilakihan ko ng mata. Pati ba naman dito habulin padin to?

Nakarating naman kami sa kwarto namin, maganda ito at maganda ang view sa labas. Nilapag nya yung mga gamit namin at humiga sya sa kama. "Gutom ka na ba? Labas tayo." Sabi nya habang nakaunan sa ulo nya yung dalawang kamay nya.

"Uh.. Oo, pero pwede bang lumibot muna tayo dito?" Sabi ko, gusto ko naman kasi talagang lumibot dito eh. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom. Tumayo na ko at tumayo na din sya. Nauna syang maglakad pero tumigil ng makita nyang nakatayo padin ako.

"Come on, what are you waiting for?" Sabi nya, sumunod naman ako sakanya. Parang medyo nag susungit na naman si Liam. No please sana forever angel nalang sya.


LIAM

Ano bang nangyayari dito kay Kath parang wala sa sarili at lutang? Haay. Kanina hindi ko alam kung nandiri ba sya sakin nung nakita nyang naka towel lang ako, pero alam ko namang hindi sya mandidiri. Sa katawan kong to sino bang mandidiri dito? *smirks*

Tapos kanina din nung makita ko syang nakapikit na pinatong ko yung ulo nya sa balikat pero bigla nya namang inangat. Buti nalang pinatong nya ulit at natulog sya. Ngayon naman nandito kami sa Universal Studio. Naglalakad lakad kami, ang bilis nya nga maglakad eh. Ano bang problema nito at parang lumalayo sakin? Mabaho ba ako o ano? Hindi naman ako mabaho alam ko naman sa sarili ko yun.

Umalis din agad kami sa Universal Studio at nag tumayo kami sa maganda view. Nakita ko syang nakatingin lang sa view at ngumigiti. "Ang ganda noh?"

"Ah.. Oo nga eh, ang sarap sa mata." Sabi nya habang nakatingin padin sa view.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sakanya. Kanina kasi sandwich lang yung kinain nya tsaka nagugutom na din ako.

"Oo eh."

"Kain na tayo, san mo gusto?" Tanong ko.

Nauwi kami sa Japanese restaurant dito. Nagulat nga ako at parang ang daming inorder ni Kath? Samantala ako Katsudon lang at Tempura. Matakaw pala sya, ngayon ko lang nalaman. Pero nakakatuwa lang kasi kahit ang takaw nya hindi naman sya tumataba.

"Naubos mo?!" Gulat na tanong ko sakanya.

"Hehe.. Gutom kasi ako eh." Nakangiting sabi nya. Pero halatang ngiting nahihiya.

Nginitian ko nalang sya. Ngitian ko? Psh. "Liam gala pa tayo.." Sabi nya, hindi ba to mapapagod? Pagod nga ako at gusto ko pa matulog eh.

"Punta na tayo sa hotel." Sabi ko sakanya gusto ko munang humiga kahit saglit.

"Sige na Liam..?" Makaawa nya, mukha syang pusa!

"Fine.. San ba?" Tanong ko. Napangiti naman sya at tumayo. Hinawakan nya yung kamay ko kaya tumayo na din ako. Tinignan nya ako at bigla nya kong hinila. San naman kami pupunta?


|09.30.13|

Join our facebook group! (Gingerbreads)

https://www.facebook.com/groups/1410006009323013/

#MarriedToAWomanizer
#MTAW
#MarriedToAWomanizerWP
#gingerbread9

On twitter @jamaxne

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon