Chapter 16: Secretary

527K 4.6K 584
                                    

LIAM

Kakagising ko lang, natulog ako agad kagabi alam ko naman kasing babalik din agad yan si Katherine. Bumaba ako ng kusina pero tahimik padin, akala ko nandito na sya at nagluluto ng iaalmusal ko pero wala.

Nagugutom na ko. Naligo na ko at nagbihis, sa opisina nalang ako kakain. Wala naman kasing luto dito at tinatamad din akong magluto.

Pag dating ko sa opisina. Tambak tambak ulit ang gagawin ko, hindi mawala sa isip ko ang paghihinayang sa deal na nawala. Sayang talaga yun! Wala akong ibang ginawa sa opisina kundi ayusin yung mga papel na binigay sakin ni Dad. Dammit! Ang dami. Maya maya natapos ko nadin. Nakaramdam nako ng pagod, sumakay nako ng kotse para umuwi.

Pag kauwi ko, wala padin si Katherine. Akala ko nandito na sya pero wala padin.

Nagpalit ako ng damit at humiga sa kama. Naisip ko na naman yung trabaho ko. Kailangan ko ng bagong deal para sa kompanya namin. Nakakainis naman kasi si Katherine, kung hindi na siguro ako pumunta dun edi sana hindi na disappoint si dad sakin at wala akong proproblemahin ngayon. Imbis na petiks petiks muna ko ngayon.

Magiging busy tuloy lalo ako. Pagod na pagod na ko. Kung pwede lang ayawan ko tong ginagawa ko pero wala naman akong magagawa eh. Arrghh! Babalik pa kaya yung babaeng yun? Pano pag hinanap sakin nila mom and dad si Katherine? Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na lumayas sya. Tatanungin nila kung bakit, ang alam kasi nila masaya ang buhay mag asawa namin ni Kath.

Ganto ba talaga buhay may asawa? Purkit nag away lang lalayasan ka agad?

KINABUKASAN. Pag gising ko wala padin si Katherine, mukhang wala ng balak umuwi yun ah? Naligo na agad ako at nagbihis at pumasok sa trabaho. Hay nakoo, trabaho na naman. Naiistress nako, nahihirapan akong mag hanap ng bagong kadeal.

Nasan nga pala si Caroline? Wala sya ngayon. Pag pumapasok kasi ako dito sasalubungin nya agad ako bibigyan ng kape. Yan ang lagi kong pinapagawa sakanya pero wala sya ngayon. Ugh, nevermind. Tinignan ko yung mga papers na nakapatong sa table ko. Ang dami. Kumunot naman ako noo at uminit ang ulo ko.

Bigla namang bumukas yung pintuan ng opisina ko at may magandang babaeng pumasok. Ang layo nya palang pero tanaw na tanaw ko na ang ganda nya, maganda din ang hubog ng katawan nya, naka kulay pula pa sya at labas ang cleavage nya. Ang puti nya lalong tignan dahil sa damit nya. Tumayo lang sya sa tabi ng pinto at parang may hinihintay sya sa labas.

Maya maya pumasok si Mr. Dela Cerna. Ang ganda talaga ng babae, medyo hawig nya si Anne Hathaway, nakakaturn on. Naglakad naman sila palapit sakin.

"Mr. Martinez? I'm talking to you.." bigla naman akong nagising sa kakaisip ko.

"Ahh.. Sorry, ano ulit yun?"

"Mr. Martinez this is Miss Tiffany Arevalo.. Your new secretary." nagulat naman ako sa sinabi ni Mr. Dela Cerna. Woo! Ang swerte ko naman at ito yung bagong secretary ko. Gaganahan akong pumasok nito araw araw.

"Ohh.. Anyway Mr. Dela Cerna, where's Caroline? Bakit pinalitan na sya?" tanong ko, kailangan ko parin malaman kung bakit pinalitan si Caroline. Matagal ko nadin kasing secretary sa Caroline at magaling talaga sya, mabait at masunurin.

"Naresign na sya Mr. Martinez, ang sabi nya may bago na syang trabahong pwedeng mapasukan. Buti nalang at binigyan nya naman kami ng kapalit nya." sabi ni Mr. Dela Cerna. Shoot! Buti nalang maayos yung ipinalit nya.

"So Miss Arevalo, iwanan ko na kayo ni Mr. Martinez. Mr. Martinez, kayo na po bahala sakanya sabihin kung ano yung mga gagawin nya at yung mga ginagawa ni Caroline dati." lumabas na si Mr. Dela Cerna at iniwanan kaming dalawa.

Umupo naman yung bago kong secretary sa upuan sa tapat ng table ko. "Ms. Arevalo.. Hmm." sabi ko, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko, nasstar struck ako.

"What's your name again?" tanong ko.

"Tiffany." sagot nya.

"Ohh, so kaano ano mo pala si Caroline?" I asked.

"She's my cousin. May nakuha na kasi syang bagong work. Eh kailangan ko din naman ng work kaya sabi nya sakin, yung place nya nalang sainyo yung ibibigay nya. Pumayag naman ako kasi kailangan ko talaga ng trabaho." hinawi nya yung buhok nya dahil natakpan nito yung mukha nya.

"Ah.. Buti nalang at nakahanap agad si Caroline. So may nasabi na ba sya sa mga gagawin mo?"

"Ah, yes. Sinabi nya na." she's pretty pero parang boring nya naman kausap. Hindi tulad ni Caroline, madaldal to at maraming kwento kaya kahit papano naaliw ako. Pero siguro nahihiya sya? Bago palang naman eh.

Maganda talaga sya, maganda ang labi nya pati mga mata nya. Matangos din ang ilong nya. Kulay brown ang buhok nya at kulot ito, pero hindi ganun kaganda ang pag kakulot ng buhok nya. And I think it's not natural. Malaki din ang hinaharap nya. Oh fck! She's so attractive!

Pero hindi naman sya sobrang ganda. Marami na din akong nakitang magandang babae, siguro sa mga empleyado dito sa kompanya na to sya lang ang maganda. Haha! Maganda din naman si Caroline pero hindi sya yung tipong ko babae. Pang secretary lang talaga sya.

"Sinabi nya na ba na bago ako pumasok kailang may coffee ka ng binili?" nakangiting tanong ko sakanya. Bigla namang nagiba yung itsura nya.

"Hindi nya nasabi, I'm sorry sir. Bukas po sigurado meron akong dala." sabi nya.

"It's okay.."

"Uhmm.. Sir. Eto na po ba yung papers na aayusin ko?" tanong nya, wow. Bago palang sya gusto nya na agad kumilos. Well.

"Uhm. Yeah." sabi ko. Tumayo naman sya at kinuha yung papers na nakalagaysa table ko.

Nakita ko yung kamay nya, walang singsing. Oh yeah! Single! Wala pang asawa o hindi pa engaged. Swerte, napangiti naman ako. Hmm.. Buti pa sya hindi pa natatali.

|09.22.13|

Join our facebook group! (Gingerbreads)

https://www.facebook.com/groups/1410006009323013/

#MarriedToAWomanizer
#MTAW
#MarriedToAWomanizerWP
#gingerbread9

On twitter @jamaxne

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon