Chapter 29: Celebration

503K 5K 567
                                    

LIAM

"Papasukin mo." Sabi ko kay Tiffany at tumayo ako sa upuan ko. Binuksan naman nya yung pinto at pumasok na si Victoria. She's wearing black tube at litaw na litaw yung cleavage nya.

Naglakad naman sya papalapit sakin. Pero habang papalapit palang sya, bigla nyang nalaglag yung phone nya. Yumuko naman sya na paupo para kunin yung phone nya pero hindi agad sya tumayo. Tinignan ko. Damn, awkward. Nasa harapan kasi sya ni jr. Bigla ko namang narinig na sumara yung pinto. May lumabas ba?

"Sorry. Clumsy ko talaga." Natawang sabi nya. Tinignan ko lang sya at bumalik nako sa upuan ko.

"Ano bang ginagawa mo dito? May iooffer ka bang deal sakin kaya ka nandito ka sa office in working hours?" Malamig na tonong sabi ko sakanya.

Nginitian nya naman ako. Yung nang aakit na ngiti, pero di ako naaakit. "Wala lang.. Just got off the plane eh. And you're the first person I wanna see here in the Philippines. It's been a long time baka gusto mo namang lumabas?" Sabi nya sakin at kinindatan ako.

"Nagtratrabaho ako, wala akong oras sa mga ganyan." Sabi ko sakanya at tinignan yung mga papel na nasa table ko.

"I can wait. Pag free ka lang. Same routine? Just like before?" Sabi nya, kumunot naman yung noo ko.

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko sakanya at tinignan sya ng masama.

"Wala.. My condo after our date." Sabi nya at ngumiti ulit.

"May asawa na ko." Sabi ko sakanya.

"I am not asking, Liam."

"I don't care. May asawa na ko." Sabi ko ulit sakanya. "Leave. May gagawin pa ko."

"Well.. Okay. Masyado kang masipag.. See you around!" Sabi nya at umalis na.

Buti naman. Victoria.. She's my ex whore. Hindi ko nga alam kung bat pa bumalik yang babae na yan eh. Damn, she's crazy.

Bigla namang pumasok si Tiffany. Bigla ko namang naalala yung kanina, yung pinto.

"Tiffany, nandito kaba sa loob nung nandito si Victoria?" Tanong ko sakanya.

"Oh,wala po. Nasa labas po ako." Sabi nya, eh sino?

"Eh sino yung?"

"Ay.. Oo nga po pala. Dumaan po pala si Mrs. Martinez dito." Sabi nya sakin. Si Kath?

Tinignan ko sya. Si Kath.. Bakit kaya sya pumunta dito?

KATHERINE

Eto na, sasabihin ko na kay Liam yung about sa career na binigay ni Matt sakin. Kahit magalit sya o sungitan nya ko wala akong pake. Gusto ko lang kasi na malaman nya kung ano yung ginagawa ko, syempre para hindi nya na rin ako pag dudahan pag umuuwi ako ng gabi. Iniisip nya kasi siguro kung san san ako nang gagaling eh.

Tsaka mag karapatan naman syang malaman yun. Kahit wala syang pake okay lang atleast sinabi ko sakanya.
Pinark ko naman yung kotse ko at agad naman akong umakyat papunta sa opisina nya. Malayo palang may nakita akong babae sa labas ng pinto ng opisina ni Liam. Siguro secretary nya ito.

"Good morning po, Mrs. Martinez!" Bati sakin ng babae. Secretary nya pala to.

"Good morning, si Liam nga pala?" Tanong ko. Bigla naman nagbago ekspresyon ng mukha nya. Parang nawala sa sarili. Ay ewan ko.

"May kausap po sa loob eh." Sabi nya. Kausap? Sino?

Tinignan ko lang sya at nginitian. Dumeretcho padin ako papunta sa pintuan, hindi nya ko pinigilan dahil alam naman siguro nya na asawa ako ni Liam. Pag bukas ko ng pinto..

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon