Chapter 25: Flashback

520K 4.4K 166
                                    

LIAM

Pauwi na ako galing sa school, ang saya saya ko kasi may award na naman ako sa school. Matutuwa na naman sakin yung parents ko, specially my Dad. My idol. Sabi nga sakin ng Teacher ko ang galing galing ko daw at ang swerte daw ng parents ko sakin, malayo daw yung mararating ko pag laki ko.

I want to be a pilot someday.. Gusto ko din maging business man katulad ni Dad pero mas gusto ko maging Pilot. I don't know why pero yun talaga yung gusto ko.

Naiimagine ko yung sarili ko na isa akong pilot. Makakapunta din ako sa mga iba't ibang country. Pero ngayon, madami nadin naman akong napuntahan na country.. Kasi every birthday ko pumupunta kami sa ibang country.

Malapit na kami sa bahay, excited na talaga akong ipakita sakanila yung award ko. Kaya pag hinto palang ng service ko bumaba na ko, agad agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay pero pag ka bukas ko ng pinto..

Ang gulo gulo ng bahay. What happened? Bakit ang gulo gulo ng bahay. May mga nag kalat ng unan galing sa sofa tapos may nga basag basag din na vase.. Tinignan ko yung paligid, at nakita ko sila Mommy and Daddy.. Umiiyak si mommy at namumula yung mata ni Daddy. What's happening?

Bigla sakin tumingin si Dad. Natakot ako sa mga tingin nya, I don't know what's happening.. I'm scared. "GO TO YOUR ROOM!!" Sigaw ni Daddy sakin, natatakot ako. Ngayon ko lang nakitang galit si daddy..

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko, sumigaw na naman si daddy at hinampas nya yung upuan. "I said go to your room!!"

Tumakbo agad ako papunta sa kwarto ko. I'm so scared.. Hindi ko sinarado yung pinto ng kwarto ko kasi narinig kong may nabasag na naman sa sala namin. Bakit galit sakin si Daddy? May nagawa ba kong mali? Hindi ko maintindihan yung mga nangyayari..

"YOU BITCH!! SINABI KO SAYO NA LAYUAN MO NA YUNG TARANTADONG LALAKI NA YUN PERO HINDI MO PADIN GINAGAWA!! ANO BANG GUSTO MONG MANGYARI?!" Gumapang ako papunta sa hagdanan at tinignan ko sila mommy at daddy. Nagtatago ako sa gilid para hindi nila ako makita. Ngayon ko lang nakitang galit na galit si Daddy.. At ngayon ko lang din nakitang umiyak silang dalawa.

Hindi ko mapigilang umiiyak, ayokong nakikitang nag aaway sila mommy and daddy.. H-hindi naman sila nag aaway eh, lagi kaya kaming masaya..

"Robert.. I-"

"PAGOD NA PAGOD NA KO SAYO LIZETTE!! HIRAP NA HIRAP NA KO.. G-GINAWA KO NAMAN LAHAT BAKIT KULANG PADIN.." Yung boses ni Daddy I think he's crying.. "B-bat hindi mo ba magawang iwan yung gago na yun.."

Nakita kong umupo si Daddy sa sofa at hinawakan nya yung ulo nya. Lalapit sana si Mommy kay Daddy pero biglang nag salita si Daddy.

"Wag kang lumapit sakin.. Ayokong saktan ka.."

"Robert I'm sorry.." Umiiyak din si Mommy.

"IWANAN MO NA KAMI NG ANAK MO! AT SUMAMA KA NA DUN SA TARANTADONG RICHARD NA YUN! KUNG SAKANYA KA SASAYA!" Lumapit si Mommy kay Daddy at tinabihan nya si Daddy.. Nanginginig si Daddy at namumula yung mukha nya.

"Alam ko namang kulang ako sa oras.. Sinabi ko naman sayo hintayin mo lang ako matapos sa mga ginagawa ko, pero sumasama kapa din sa lalaki mo.." Niyakap ni Mommy si Daddy pero tumayo si Daddy at naglakad..

"Sumama kana sa lalaki mo.. Pagod na pagod na ko sayo Lizette.."

Nakita kong paakyat si Daddy sa taas kaya gumapang ako ng mabilis papunta sa kwarto ko, sinarado ko din yung pinto at ni lock ko.. Iiwan kami ng mommy? I don't understand.. Who's Richard? NO NO NO NO! Wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak.. Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari. Hindi ko sila naiintindihan.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon