Chapter 50: The Call

438K 5.3K 620
                                    

KATHERINE

Dalawang taon na ang nakalipas nung pinanganak ko si Nate. Yes, Nate. Nate nga ang pinangalan namin sakanya. Nathaniel Jace. Hindi ko alam kung bakit yun yung gusto ni Liam, sabi nya sakin pag nag kaanak kami ulit, pag babae ako daw mag papangalan pero kung lalaki sya padin daw. Pero asa sya! Pag katapos nya akong vidoehan nung nanganganak ako. Minsan, pag tahimik ako maririnig ko nalang yung ire ko nung araw na yun tapos yun pala pinapanuod nya yung video tapos tawa sya ng tawa.

Si Liam talaga, pasalamat sya mahal ko sya. Sobrang laki nga ng pinag bago nya, hindi mo aakalaing may mga ganun syang sides. Lalo na sa anak namin, mahal na mahal nya. Sigurado nga ako na ngayon, pinag lalaruan na naman nya si Nate. Nag grogrocery kasi ako ngayon at iniwan ko si Nate at Liam sa bahay.

Yung dalawang yun, mag kasundo na mag kasundo. Kahit sabihin mong 2 years old palang si Nate, may mga ugali syang namamana kay Liam..

Kaya naman ako nag grocery dahil may outing kami nila Liam. Pupunta kami sa beach kasama ang barkada. Pag sinabi kong barkada, sila Zach at ang mga asawa nila. Syempre mawawala ba si Matt at Kylie? Ang alam ko susunod nalang yung mga yun pero mauuna kami nila Liam.

Hindi ko nga alam kung ano yung pumasok sa utak ni Liam at naisipan nyang mag outing eh. Hindi mo na talaga mabasa si Liam ngayon, minsan nga uuwi nalang sya na may dalang bouquet. Halos mapuno na nga tong kwarto namin ng mga bulaklak eh. May araw nga na inuwian nya ako ng bulaklak na pang patay. Tapos sinabi nya. "Kaya bulaklak na pampatay kasi.. patay na patay ako sayo."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung araw na binigyan nya ko nun. Natatawa talaga ako, dahil ang dating Liam na masungit, babaero at mainitin ang ulo. Naging corny at malambing.

Mabilis naman akong natapos mag grocery, pag tingin ko ng phone ko may text ni Liam. Namimiss nya na daw ako. Ganyan talaga sya, clingy pero hindi nakakairita. Minsan pa nga pag may shoot ako tatawag yan, tapos sya ang naghahatid at nag susundo sakin, kahit late na sya sa trabaho nya ihahatid nya padin ako.

Hindi nya ko pinag bawalan sa trabaho ko, basta daw gusto ko okay lang daw sakanya kahit minsan nilalambing nya ko at sinasabing "dito ka nalang sa bahay" Alam kong pinapahiwatig nya na wag na ko mag trabaho.

Pag wala naman kaming dalawa ni Liam sa bahay, nandun ang mga grandparents ni Nate. Tuwang tuwa nga sila mommy Lizette, pano ba naman. Kamukha ni Liam si Nate! Parati ngang sinasabi ni Liam sakin, "Pano ba yan? Kamukha ko si Nate. Kailangan na natin ng kamukha mo. Sundan na natin si Nate."

Sira ulo talaga yang si Liam eh. Lagi nyang sinasabi yun lalo na bago kami matulog.

Nagdrive na ko pauwi sa bahay, agad naman akong nakauwi at ang tumambad sakin..

"Ughh dammit Nate! You stink!" Naiinis na sabi ni Liam kay Nate. Nilapitan ko naman silang dalawa at tinignan kung ano ang nangyari.

Tumingin naman si Liam sakin at nakakunot ang noo. "Hindi ako marunong mag palit ng diaper baby.." Sabi nya at nakatingin sa kawalan.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko sa kakatawa. Ganun naman talaga yan si Liam, ayaw na ayaw nyang nag pu-poo poo si Nate. Lalo na pag sya yung nag aalaga kasi hindi nya alam kung paano mag tanggal at maghugas. Wala talagang ibang alam si Liam kundi buhatin lang at kilitiin ang baby namin.

"Akin na nga!" Sabi ko sakanya, nababadtrip na kasi yung mukha nya. Pinagtawanan ko pa kasi. Kinuha ko na si Nate na tahimik. Minsan naisip ko ang weirdo nitong anak ko pero nakakatuwa lang kasi hindi sya ganun ka iyakin tulad ng ibang baby.

Mabilis ko namang napalitan ng diaper si Nate at pinaupo ko sya sa sofa at nag laro sya ng mga laruan nya. Pumunta naman ako sa kusina at inayos ko yung mga pinamili kong mga pagkain. Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Liam at hinalikan yung leeg ko.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon