Chapter 1

813K 8K 666
                                    

KATHERINE

Nandito ako ngayon sa sala namin, hinihintay ko si Liam. One na ng madaling araw at hindi padin siya umuuwi. Simula ng ikasal kami last week ganiyan siya, parati siyang umuuwi ng lasing. Lagi siyang cold, at pag kinakausap ko siya parati siyang naiinis kung sumagot. Alam kong masasaktan lang ako sa mga gagawin niya at iuugali niya, but I love him so much. Kaya kahit ayaw niya sa marriage na to, pumayag padin ako at pinagpatuloy.

I love him, I really do. High school palang kami gustong gusto ko na siya, and I never thought na siya pala ang mapapangasawa ko. I was 17 nung sinabi sakin ng parents ko na arranged marriage na ako. And hindi nila sinabi sakin kung sino yung lalaking pakakasalan ko, hanggang sa mag 20 ako. Laking gulat ko na si Liam pala ang lalaking ipakakasal sakin.

Pinagdate kami ng mga parents namin para nga daw madevelop kami isa't isa. Pero ako lang ata ang develop. Pag kami lang dalawang ang mag kasama para akong may kasamang hangin, pero pag kasama namin ang mga magulang namin o nasa harap namin sila ang lambing lambing niya sakin. And he's treating me well.

Dalawang taon.

Dalawang taon siyang nagpapanggap na may nararamdaman sakin sa harap ng mga magulang namin. Habang ako, dalawang taon nang nasasaktan sa mga ginagawa niya.

Nung araw na ikakasal kami parang nag dadalawang isip pa siya kung mag a 'I do' siya sa harapan ng pari. Halos one minute din bago siya magrespond sa tanong ng pari. Nagbubulungan yung mga tao habang ang mga magulang naman namin ay nakakunot ang mga noo.

Hindi kami nag honey moon, simula ng ikasal kami nandito lang kami sa bahay namin na pinagawa ng mga magulang namin. Hindi niya ako sinasabayang kumain, parang hangin lang talaga ako sakaniya at masakit yun para saakin. Pero ginusto ko to so I need to face the consequences.

Narinig kong bumukas na ang gate namin, nandito na si Liam sigurado ako. Narinig kong bumukas yung pinto at nagulat si Liam ng makita niya ako sa sofa na nakaupo at gising pa.

"What the hell Katherine? Bakit gising ka pa?" Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sakin. Hindi ba pwedeng mawalang masasakit na salita pag kakausapin niya ako?

"L-Liam hinintay kita, saan kaba lagi nang gagaling at lagi ka nalang madaling araw umuuwi?" Mahinhin na tanong ko sakaniya. Tinignan niya lang na para bang ako yung pinaka nakakadiring tao na nakita niya.

Ngumisi siya. "Wala kang pake kung saan ako galing." Naglakad na siya papunta sa taas, pero tumayo ako at hinabol siya.

"Liam!" Tumigil naman siya at lumapit saakin. Natatakot ako baka kung ano ang gawin niya sakin. Nakakatakot ang aura niya, hindi naman niya ako sinasaktan physically pero natatakot ako na baka gawin niya na yun ngayon. Huminga siya ng malalim bago siya magsalita.

"Gusto mo talaga malaman? Galing ako sa kwarto ng ibang babae. Happy?!" Namumuo na ang mga luha ko sa gilid ng mga mata ko, bakit ba siya ganiyan. Bakit hindi ba siya makuntento sakin? Bakit gustong gusto niya ako nasasaktan sa mga ginagawa niya. Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko at akmang baba na sa hagdan ng bigla niya akong iharap sakaniya.

"What Kath? Iiyak ka na naman? Gusto mong malaman kung saan ako galing at pag nalaman mo ngangawa ka?" Hindi ko na ata kaya ang mga pinagsasabi niya. Galing siya sa puder ng ibang babae at malamang nakipag talik siya.

Gawain ba ng may asawa yan?

"B-bakit hindi mo ba kayang makuntento sakin? Bakit sa iba ka pa sumasama, baki-" Hindi niya ako pinatapos mag salita.

"Cause I don't fucking like you, slut!"

Slut? 

Yan ba ang tawag niya sa babaeng walang ibang minahal kundi siya? Walang tigil ang pag agos ng mga luha ko ang sakit, ang sakit sakit niya magsalita. Wala siyang alam saakin dahil never niya naman pinaginteresan na halukayin ang buhay ko.

"Wag ka ng magmalinis Kath, alam ko namang maduming babae ka." Nakangising sabi niya at umakyat na siya sa kwarto't binagsak ng malakas ang pinto.

Ako? Maduming babae? Pati pa naman siya naniniwala sa kumalat dati tungkol sakin. College ako nun ng may kumalat na issue about sakin.

May nanligaw sakin, kaibigan siya ni Liam. Si Jeric. Gwapo siya, mayaman pero alam kong playboy siya kaya binasted ko siya. Ayoko naman kasi talaga sakaniya kasi si Liam nga ang gusto ko, at hindi naman ako nagpapaligaw kung kani-kanino lang. Ayoko naman paasahin siya kaya maaga palang sinabi ko na.

Kaya nung araw na binasted ko siya, kinabukasan nun may mga kumalat na na may nangyari daw samin ni Jeric. Which is not true, hindi ko alam kung bakit ginawa ni Jeric yun. Bakit kailangan niyang sirain ang dignidad ko.

Simula nun, nag iba ang tingin ng mga tao sakin. Alam nila na matino akong babae pero dahil kilala nila si Jeric as playboy at madaling maka-kama ng babae naniwala sila sa issue na yun. Hindi ko nalang sila pinansin dahil alam ko naman sa sarili ko na hindi naman totoo ang pinagsasabi at iniisip nila saakin.

Kaya pala ayaw sakin ni Liam, dahil ang tingin niya sakin ay isa akong maduming babae.

Umakyat na ako sa kwarto namin ni Liam, tulog na siya. Humiga ako sa tabi niya, nakatalikod siya saakin.

Kailan mo ba ako mamahalin Liam? Kailan ba magiging ako?




Gumising ako ng maaga para ipagluto si Liam ng almusal. Nagluto ako ng fried rice at bacon. Maya maya narinig kong pababa na si Liam.

"Aalis ka?" Tanong ko sakaniya, nakapang alis kasi siya at bagong ligo. Hindi niya ako tinignan at dumeretcho lang siya sa ref at uminom ng tubig. "Liam, kain ka muna nagluto ako ng almusal." Pag aya ko sakaniya.

"Kakain nalang ako sa labas." Malamig na sabi niya at palabas na ng pinto.

"Liam, san ka pupunta? Ang aga pa ah?" Tanong ko sakaniya.

"Wala kang pake kung saan ako pupunta." Sagot niya at tuluyan na siyang umalis ng bahay.

May pake ako dahil asawa niya ako at may karapatan akong tanungin siya. Lagi nalang siyang ganiyan. Tuwing pinagluluto ko siya hindi man lang niyang tikman, hindi man lang din niya ako sabayan kumain. Lagi nalang akong naiiwan mag isa dito sa bahay.

Siguro ganto muna kami sa una, pero alam ko matututunan niya din ako mahalin. Magbabago din yung ugali niya.

Maghihintay lang ako.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon