Chapter 28: Victoria

516K 4.4K 405
                                    

MATT

"Grabe.. Pagod na ko Matt, ang sakit na din ng paa ko." Sabi ni Kath sakin, pano ba naman kanina pa kami nag lalakad ni Kath kung san san. Kain dito, bili dun, lakad dun.

"Napagod ka din! Jusko, ano uwi na tayo?" Aya ko sakanya. Pagod na din kasi ako. Pag si Kath talaga kasama mo kung san san ka dadalin eh. Lalo na si Kylie.

"Tara! Baka nasa bahay na din kasi si Liam eh." Sabi nya.

"Nako, wag mo na pansinin yang asawa mo. Sabi nya nga gawin mo lahat ng gusto mo kaya kahit di ka na umuwi wala syang pake." Sabi ko sakanya, grabe naman kasi yang asawa nya. Sa lahat ata ng lalaking nakilala ko yang Liam na yan ang pinaka gago.

"Uy grabe ka naman." Napatigil sya at bumuntong hininga. "Sige na, una na ko ah? Gabi na din kasi. Thank you Matty!" Lumapit sya at niyakap ako.

"Oki doki. Bukas ah! Mag start kana, don't worry sila na bahala sa damit na imomodel mo." Sabi ko kay Kath at nginitian nya ko.

"Sige, text mo nalang ako ah!" Tumango ako at nag lakad na sya.

Hay salamat.. Makakauwi na din, parang babagsak na din kasi yung katawan ko. Pumunta na ko sa parking lot at sumakay na sa kotse ko. Anong oras na ba? Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko.

34 missed calls and 5 messages.

Oh damn, naka silent pala yung phone ko mag damag. Sino naman to?

Nagulat ako ng puro si Kylie yung missed calls tsaka yung 4 na messages.

Matthew!! I need you, where are you?

Agad ko naman kinlick yung reply.

I'm sorry, naka silent yung phone ko. Where are you?

Send..

Oh fck! Wala na nga pala akong load! Sht sht sht. Mukhang may importanteng sasabihin tong si Kylie. Hindi naman tatawag yung ng ganun ka dami kung hindi importante sasabihin nun. Arghh! Bakit ko ba kasi sinilent yung phone ko.

Agad naman akong nag drive papunta sa bahay nila Kylie. Pag dating ko dun, walang tao. Nakapatay yung ilaw. O baka tulog na? Tinignan ko naman yung grahe nila kung nandun yung kotse ni Kylie. Pero wala eh. San naman nag punta yung babae na yun at gabi na wala padin sa bahay nila?

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala pading dumadating na kotse ni Kylie. Hanggang sa nakaramdam na talaga ko ng pagod, nag drive na ko pauwi ng bahay ko.

Mga ilang minuto ay nakarating na din ako sa bahay. Kinuha ko yung susi ko ng pinto, pero nagulat ako kasi naka bukas na yung pinto ko. Langya! Di kaya pinasok ako ng mag nanakaw?!

Agad naman ako pumasok sa loob. Nakita kong may pop corn sa la mesa. What the hell?! Umakyat ako sa taas para pumunta sa kwarto ko. Malamig yung sahig, so bukas yung aircon sa kwarto ko? Pinatay ko yun bago umalis ah.

Pumasok na ko sa kwarto ko. Nagulat ako ng makita kong may naka higa sa kama ko. Sino to?! Baka si lola? Ay hindi! May guest room naman kasi dito dun natutulog yun.

Lumapit ako sa kama ko.. Si Kylie?! Seryoso si Kylie ba talaga tong natutulog sa kama ko? Pano sya..

Oo nga pala! May duplicate key sya, binigay ko nga pala yung isa sakanya. Bigla naman akong napangiti. May sasabihin talaga to, tignan mo nga't hinintay nya ko sa bahay. Di ko man lang kasi nareply.. I'm sorry Ky..

Inayos ko yung kumot, kalahati lang kasi ng katawan nya yung nakukumutan eh. Tsaka halatang nilalamig na din sya. Kinuha ko yung remote ng aircon at hininaan ko.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon