Chapter 21: Do I?

520K 4.5K 294
                                    

LIAM

What the hell. Hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta ni Kath. Hatak hatak nya padin ako at tumatakbo sya. Ang ligalig naman nito, pwede naman kaming maglakad papunta dun bakit kailangan pang tumakbo?

Mga ilang minuto din siguro kaming naghihilaan ni Kath. At mabuti naman dahil naglakad na sya at binitawan nya yung braso kong kanina nya pa hatak hatak. "San ba talaga tayo pupunta Katherine?!"

"Dito." Sabi nya, tinignan ko kung nasan kami. Nandito kami sa isang ice cream parlor. Tinignan ko sya at nakangiti sya sakin na parang bata. What the.. Stop it Katherine.

"What?" Tanong ko. Bigla naman nawala yung ngiti nya.

"W-wala.. Gusto ko sanang kumain ng ice cream." Sabi nya, nag bago ang expression ng mukha nya. Yung kaninang excited, biglang nalungkot.

"Sus.. Tara na!" Nauna na kong pumasok sa loob. Sumunod naman sya, umupo agad ako sa upuan at umupo naman sya sa tabi ko.

"Dito ka, kaharap ko." Sabi ko sakanya. Pero tinignan nya lang ako. Nainis naman ako, bakit ba lagi nya nalang akong tinititigan? Alam ko namang gwapo ako, pero yung mga tingin nya iba.

Bigla syang tumayo, hinila ko yung sya pabalik sakin. "Ano?! Bibili na ko ng ice cream." Iritang sabi nya at naglakad na papunta sa mga flavors ng ice cream. Bat ba ang labo nito? Hindi ko sya maintindihan. Parang nagbabago sya. Ewan baka di lang ako sanay.

Maya maya bumalik na sya at may dala ng ube na ice cream at may mga toppings pa. Sa harap ko na sya umupo, pero hindi nya ko kinakausap at kumakain lang sya ng ice cream. Ube pa yung flavor.. Pinaka kadiring flavor yan para sakin. Chocolate talaga favorite ko. Psh..

Tinignan ko si Kath habang kumakain ng ice cream.. Maganda sya, oo maganda. Makinis yung mukha, mahaba yung pilik mata, matangos yung ilong at mapula yung labi. Simple lang sya pero maganda. Nagdadamit naman sya ng pang sexy pero hindi ko nakikita, mga pictures lang nya nakita ko na naka dress sya o ano. Pag nasa bahay kasi naka shirt sya.

"Uhm.. Ayaw mo ba?" Sabi nya, tinutukoy nya kung gusto ko ng ice cream.

"Ayoko.. Ayoko ng ube."

"Bakit naman?" Tanong nya, nagbago naman yung expression ng mukha nya.

"Chocolate favorite ko, ube naman pinaka ayaw ko." Sabi ko sakanya.

"Chocolate?! Yan naman pinaka ayaw kong flavor noh! Nakakaumay kaya." Sabi nya at sumubo ulit ng ice cream.

"Anong nakakaumay? Masarap kaya, yan ngang ube kadiri yung lasa eh." Sabi ko sakanya, eh totoo naman.

"Grabe ka naman! Natikman mo na ba?"

"Oo.. Nakakaumay nga!"

"Fine.. Tara balik na tayo sa hotel?" Sabi nya, sa wakaaas! Makakapag pahinga na din ako. Pumunta naman kami agad sa hotel, pag dating naman sa hotel humiga agad ako sa kama ko.

Humiga naman si Kath sa tabi ko. "Sana dun nalang tayo nagpunta sa California." Sabi nya sakin, lumingon naman ako sakanya.

"Bakit naman? Ayaw mo ba?" Kunot noong tanong ko, nakakainis. Ayaw nya pa?! Badtrip naman oh. Ayaw nya pala edi sana iba nalang-- tss.

"Hindi, ano kasi.. Gusto ko talaga magpunta dun, gusto kong libutin yun. Dun ko nga gustong mag birthday eh. Kahit hindi birthday, basta pag may importanteng event sakin gusto ko dun pumunta."

"Pwede ka namang pumunta dun." Shit! Bat 'ka' ang nasabi ko.. 'tayo' talaga ang sasabihin ko.

Nginitian nya ko. "Makakapunta din ako dun." Sabi nya at tumalikod na sya sakin. Dammit! Ano ba tong nasabi ko, bullshit.

Kakagaling lang namin ni Kath sa labas, nagpaalam kasi sya sakin kanina na maglilibot lang daw sya sa labas. Sumama ako, ayos din kasi. Sya lang maglilibot hindi man lang bya ko inaya? Pero sa totoo lang gusto ko talagang mahiga lang sa kama. Pero gusto ko din naman malibot to. Kanina ang hyper hyper ni Kath, ngayon nga wala na kong energy. Ang tagal din kasi naming nag stay sa labas.

Pag pasok naman namin sa kwarto humiga agad si Kath sa kama. Buti naman napagod din sya? Ang hyper nya talaga kanina. Kung san nya matipuhang pumunta dadalin at hahatakin nya ko papunta dun. Nagreklamo nga ako pero binara nya lang ako. Bat pa daw ako sumama kung magrereklamo lang daw ako.

Humiga na din ako sa kama. Ang sakit ng katawan ko! Oo nga pala, bukas ng hapon uuwi na agad kami. Sa totoo lang nakakabitin. Gusto ko pang mag pahinga, wala munang trabaho. Kaso wala eh. Balik trabaho na naman.

Nagkumot na si Kath. Tumingin sya sakin, nahuli nya akong nakatingin sakanya kaya iniba ko yung direction kung san ako nakatingin. "Goodnight.." Sabi nya.

"Goodnight.."

Zach Calling..

Tangina naman oh, hindi pa marunong mag hintay to?

"HELLO?! Malapit na ko mag hintay ka." Binaba ko na yung phone. Badtrip kasi minamadali ako. Pupunta kasi ako sa bar ni Gene ngayon. Ngayon nalang din kasi kami nagkaron ng time para mag sama sama eh. Nakauwi na pala kami ni Kath, kahapon pa.

Marami nadin akong nalalaman tungkol sakanya, yung mga hilig nya. Nagkwekwento sya sakin. Sa totoo lang masaya syang kausap, kaya nga pag nananahimik sya gusto ko ulit syang kausapin. Pero may mga oras na nahihiya ako. Ewan ko kung bakit.

Nagpark na ko ng kotse at agad ng pumasok sa bar. Nakita ko na sila Gene. May mga iinumin na din kami. Umupo ako sa tabi nila.

"Buti naman dumating kana agad!" Sabi ni Gene.

"Ano ba kasing meron bat nyo ko minamadali?" Tanong ko sakanila. Kakina pa kasi nila ko tinatawagan at sinasabing bilisan ko daw.

"Alam mo Liam.. Engaged na si Gene!" Sabi ni Jeric. Binatukan naman ni Gene si Jeric.

"Gago to inunahan ako, ako nga magsasabi eh."

Natwawa naman ako sa nalaman ko. Engaged na si Gene? Kay Angel malamang. "Sus.. Kaya lang naman inaya ni Gene si Angel magpakasal kasi gusto nya lang--"

"Oy gago! Hindi ah! Mahal na mahal ko talaga si Angel at hindi ko talaga kayang mawala sya sakin." Sabi ni Gene.

"3 downs! Tatlo na nagseseryoso sating lima ah!" Sabi ni Jeric. "Kami nalang ata ni Liam gago dito ah." Tumawa naman sila.

"Hahaha! Eh ikaw na nga lang hindi ikakasal dito sating lima eh! Ikakasal na kami ni Migz, ikaw wala pa? Tatanda ka na boy! Walang magaalaga sayo!" Sabi ni Zach. Mga gago talaga to hahaha!

"Bat nga pala wala ka nung nakalipas na dalawang araw Liam?" Tanong sakin ni Gene.

"Ahh.. Nagpunta kami ng Singapore."

"Ni Kath?!" Sabay sabay nilang sabi. Ano bang nakakagulat dun?

"Mukhang nagseseryoso na si Liam! Pano ba yan malapit na mag 4! Ako nalang matibay."

Tinulak tulak naman ako ni Gene. "Yieeee! Mahal mo na ba asawa mo?" Tanong nya sakin. Huminga muna ko ng malalim bago mag salita..



|10.02.13|

Join our facebook group! (Gingerbreads)

https://www.facebook.com/groups/1410006009323013/

#MarriedToAWomanizer
#MTAW
#MarriedToAWomanizerWP
#gingerbread9

On twitter @jamaxne

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon