Chapter 33: Pictures

525K 5.1K 572
                                    

LIAM

"Dammit! Ano ba naman yan?! Ang tagal nyo na ngang tinapos mali mali pa yang mga pinag gagawa nyo! Ayusin nyo naman yang mga ginagawa nyo!"

Lintek! Ano ba naman tong mga to! Napaka kupad, at ang tatanga. Hindi man lang nila inaayos yung trabaho nila. Nakakaubos na ng pasensya. Ilang araw na silang ganyan kabagal at mali mali ang ginagawa. Hindi ba nila kayang ayusin? This is bullshit.

"Sir.."

Lumingon ako kay Tiffany. "What?!"

"Sir.. Uhm, mukhang stressed na stressed na po kayo, hindi naman po sa nangengealam ako sa personal nyong buhay.. Pero sa tingin ko po kailangan nyo lang po muna mag pahinga. Tutal naman po napirmahan nyo na yung mga files na kailan. Aayusin ko nalang po, ako nalang po bahala at ififilter ko po muna lahat ng ito.. Kung gusto nyo po, umuwi nalang po muna kayo at mag pahinga."

Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya, pero nag bago ulit yung reaction ko. Siguro nga, ilang araw nadin kasi akong walang tulad simula nung umalis sya."Thank you, Tiffany." Sabi ko sakanya, well.. Swerte din ako sa secretary ko kasi mabait naman sya. Ginagawa nya na yung mga gagawin ko, kaya may dagdag talaga sya sakin.

"You're welcome Sir!" Sabi nya at nag lakad na sya.

Lumabas na ako at umalis na ng opisina. Nag drive na ko pauwi ng bahay, gusto na din kasing mag pahinga. Siguro ngayon lang ako babawi. Kaya naman kasi wala akong tulog dahil hinahanap ko sya. Kino-contact ko sya. Pero wala, hindi ko sya mahanap. Hindi nya din sinasagot mga tawag ko dahil nakapatay yung phone nya.

Napakahawak nalang ako sa noo ko. I feel so empty. This house feels empty, too. Walang nag aayos, walang nag aasikaso sa pag kain ko. Wala. Walang wala na.. Kasi wala sya. Nakakawala na nga ng ganang umuwi ng bahay. Kung dati ginaganahan na kong umuwi kasi alam kong may dadatnan ako kahit hindi kami nag papansinan. Okay lang, atleast nakikita ko sya. Pero ngayon..

It's been 3 days simula nung umalis sya. I don't know what to do. Ang tahimik, nakakasira na nga ng bait eh. Hinahanap ko sya, pumupunta ako sa bahay nila Kylie pero laging walang tao. Pumunta din ako sa bahay ni Matthew pero wala ding tao.

Bigla nama akong napaisip.. Hindi kaya magkakasama sila? Hindi kaya nandun si Kath sa bahay ni Matthew? Napakuyom naman yung mga palad ko. Hindi ko alam kung anong magagawa ko pag nakita kong nandun si Kath.. Siguro, kung nandun sya. Baka nilason ni Matthew yung utak ni Kath kaya naisipan nadin akong iwanan ni Kath. Bakit ganun.. Bakit sumuko na agad sya?

I miss her.. Bakit kung kailan gusto ko ng mag bago at itrato na sya ng tama tsaka sya nawala, tsaka nya ko iniwan. Sana talaga sinabi ko agad sakanya. Siguro kung sinabi ko agad sakanya yun, kasama ko sya ngayon. Masaya na siguro kami. Napakabuntong hininga nalang ako.

Kinuha ko yung phone kong nakapatong sa table katabi ng lampshade. Biglang may umagaw ng attention ko. Singsing.. Eto yung singsing ko. Singsing nung kasal namin. Kahit kailan hindi ko man lang to sinuot, sinuot ko naman sya nung kasal namin pero tinaggal ko agad. Napakasama ko. Sobrang sama ko. Tinrato nya ko ng mabuti, minahal nya ko pero di ko man lang nasuklian yun.

Akala ko kasi.. Gagawin nya din yung ginawa ni Mommy kay Dad. Nakita ko kung gaano nasaktan si Dad sa ginawa sakanya ni Mommy. Ayoko masaktan ng ganun, ayoko. Kaya ayokong mahulog sakanya nun, pero kahit anong pigil ko. Onting onti ko syang nagugustuhan. Kahit matagal man bago ko sya nagustuhan. Kahit ngayon ko lang napag tanto. I miss her..

Naalala ko kung pano nya ako asikasuhin. Naalala ko din kung pano ko sya baliwalain. Damn. Napapikit ako. Naalala ko na naman yung mukha nya nung huli ko syang makita. Kung paano sya umiyak. Gustong gusto ko syang yakapin nun. Pero dahil ang tanga ko hindi ko nagawa. Hindi ko man lang sya napagilan. Kung pwede ko lang ibalik yung mga oras na yun, hahabulin at yayakapin ko sya, wag lang nya ko iwan.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon