Chapter 13: Tired

563K 5K 274
                                    

KATHERINE

Nagising ako ng maramdaman kong nasusuka ako, tumayo agad ako at pumunta bg banyo. Nahihilo ako at ang sakit ng ulo ko. Onti lang naman ininom ko kagabi, anong nangyayari sakin?

Wala si Liam, umalis na naman. Nahihilo talaga ako, gusto ko lang humiga. Pag tumatayo ako parang hinahatak ako ng kama.

Narinig kong nagring yung phone ko, hindi ko na tinignan kung sino yung tumatawag, sinagot ko nalang. "Hello?"

[Girl! Tara gala tayo! Shopping tayo dali!] si Matt.

"Ha? Eh wag na.. Ikaw nalang." sabi ko, ayokong mahalata niya masama pakiramdam ko.

[Dali na! Pupunta kami dyan, nandito ko kila Kylie eh. Dito nako tumuloy kagabi, san ka ba napadpad kagabi at nawala ka bigla?]

"Umuwi nako nun, ang sakit kasi ng paa ko tsaka hindi ko nadin kayo nakita eh." pag sisinungaling ko sakanila.

[Basta! Mag ready kana, on the way nadin kami ni Kylie babuuu!]

"Ma--" ARGHH. Ang kulit talaga ni Matt kahit kailan.

Tinry kong tumayo, una nahihilo hilo pa ko pero nakakaya ko nadin naman.

Naligo na ako at nagbihis, pag kabihis ko nagblower ako ng buhok at humiga ulit sa kama. Nasan kaya si Liam?

Narinig kong may nag doorbell, malamang si Matt at si Kylie na yun. Tinext ko si Matt at sinabing pumasok nalang sila.

"Katherine..?" boses lalaking sabi ni Matt. Akala niya siguro nandito sa Liam kaya nag boboses lalaki siya. Pero bagay talaga kay Matt na ganiyan siya. Sana ganiyan nalang siya. Bumukas ang pintuan ko sa kwarto at nilabas nun si Matt at Kylie. Nakakatuwa lang silang tignan ni Kylie, para sila mag syota kung hindi mo alam na gay si Matt. Bagay nga sila kaso wala eh di sila talo.

"Buti naman nag ayos kana! Akala namin naliligo ka palang eh. Nasan pala asawa mo?" tanong ni Matt.

"Nasa banyo." pag loloko ko sakaniya. Napahawak naman siya sa bibig niya dahil yung pag sasalita niya kanina ay hindi na boses lalaki.

"Baka narinig niya.." bulong na sabi ni Matt.

Natawa naman ako sa reaction niya. "Joke lang, wala siya. Pag gising ko wala siya eh."

"Nambabae na naman siguro yang magaling mong asawa." sabi naman ni Kylie, nalungkot naman yung mukha ko. Siguro nga nambabae na naman si Liam. May narinig naman akong palo at napatingin ako sa direction nila Kylie.

"Ouch! Matt naman eh!" hinampas ni Matt si Kylie. Medyo umookay na yung paki ramdam ko pero masakit padin yung ulo ko.

"Tara na, punta tayo sa MOA. Namiss ko dun." lumabas na kami ng kwarto at sumakay na sa kotse ni Matt. Kotse ni Matt gamit namin, siya nalang daw mag hahatid samin mamaya. Si Matt ang nag drive at sa tabi naman ni Matt si Kylie. Gusto ko din naman sa likod para pwede din akong mahiga pag nahilo ako. Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako nagkakaganito dati.

Habang nasa byahe kami mas lalo kong nahihilo, ayoko talaga ng amoy ng sasakyan ni Matt, ang tapang tapang amoy lalaki. Kahit yung kay Liam din hindi ko gusto ko yung amoy eh. Nakakahilo kasi at nakakasuka. Sinandal ko lang yung ulo ko at pinikit ang mata ko.

"Kath.. Ayos ka lang?" narinig kong sabi ni Kylie.

"Oo, inaantok lang ako." sabi ko habang nakapikit yung mata ko. Hindi na nagsalita si Kylie, maya maya naramdaman kong tumigil na ang kotse.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon