Chapter 32: Where Are You?

510K 5.1K 743
                                    

LIAM

"K-Kath..?"

Nakita ko syang nakatingin samin. Halatang nagulat sya sa nakita nya. Maya maya nakita kong tumtulo na yung mga luha nya. Dammit! Akmang lalapit na ko sakanya ng bigla syang lumabas at tumakbo. Hinabol ko sya at hinablot yung braso nya at napaharap sya saakin.

"You know what, Liam.." Tumingin sya sakin. "I've had enough of all of this.. N-ngayon lang ako nasaktan ng sobra sobra.." Sabi nya habang tumtulo yung mga luha nya. I can't.. Hindi ko sya kayang makita na umiiyak sa harap ko.

"D-Do you ever care for me? Kahit yun lang.. I'm not asking for too much.. Is it hard for you to understand that I like you.. I actually love you... But.. you took all of that for granted.. You took me, this, our situation for granted and now.. I'm tired.." Putol putol nyang sabi, gustong gusto ko syang yakapin pero hindi ko alam kung bat di ko magawa. Tinarantado ako ng katawan ko, ayaw gumalaw.

"I am so tired for making you fall in love with me.. I don't blame all of this to you kasi.. Ako naman may gusto na mag pakasal tayo but atleast have the courtesy to treat me as a.. friend. Pero.. minsan nararamdaman kong nakikita mo ko, na nandyan ako pero minsan lang yun.." Pinunasan nya yung mga luha nya. Gustong gusto kong punasan yung mga luha nya, pero hindi ko magawa.

"Nag dedemand na ko kasi.. Hindi ko na kaya.. Pagod na ko, pagod na pagod na ko. Alam kong napilitan ka lang naman na magpakasal satin.. Ayoko na! Ayoko na Liam.. Sorry.. kung nasakal ka sa ganitong relasyon.. Pakiramdam ko ninakaw ko yung mga oras na dapat masaya ka imbis na kasama mo ako.. Masaya ka sana sa mga gantong panahon kasama ang mahal mo.. Pero I was selfish back then, I guess now.. I can handle whatever.. J-just to move on.. Pagod na pagod na ko.."

Nagkatinginan kami sa mata, nakikita ko na nasaktan ko talaga sya. Kung pwede ko lang sana-- "Let's file for a divorce.."

Bigla na syang naglakad papalayo sakin.. Shit! Napahawak ako sa ulo ko. Divorce? No.. Fck! Ba't wala ba kong ginagawa dito. Bakit hindi ko man lang napigilan si Kath umalis. Ang tanga tanga ko! Gumalaw ka, kumilos ka! Sabi ko sa sarili ko. Natauhan ako bigla pero wala na si Kath. Nakalayo na sya. Wala na sya.

Maybe she just said that cause she's mad. But divorce? Hindi naman siguro.. Sana hindi.. Hindi ko kaya. Bakit ganun, kung kailan handa nakong ayusin ang lahat lahat samin tsaka pa nag kaganito. Sana pala kanina ginising ko nalang sya.. Sana dun nako nakipag usap sakanya na ayusin na namin ang relasyon samin. Hindi ko inaasahang mag kakaganito kami.. Akala ko maayos na namin. Pero isang pangyayari lang nawala na..

Nawalan na ko ng gana pumunta sa opisina ko, hindi na ko bumalik dun. At alam kong nandun si Victoria sa loob. Ayoko makita yung taong sumira sa relasyon namin ng asawa ko. Alam kong hindi naman sya ang totoong may kasalanan ng lahat. Alam ko ako may pinaka malaking kasalanan. Ang sama sama kong tao. Ang gago gago ko.. Napaka gago ko.

Mahal nya ko pero binabasura ko lang sya, binabale wala ko lang sya. Napaka tanga ko! Hindi ko man lang sya pinahalagaan. Inabuso ko nga yung pag mamahal nya sakin.. Ang gago gago ko!

Sumakay nako sa kotse ko, ang nag drive na papunta sa bahay. Kakausapin ko sya, pwede pa naman siguro naming maayos to eh.. Babawi ako sakanya. I swear.. Aayusin ko tong relasyon namin. Aayusin ko.

Mabilis akong nag maneho, kaya agad akong nakarating sa bahay. Pero pag tingin ko wala yung kotse ni Kath.. Kinabahan ako bigla. Wala sya dito sa bahay. No! Pumasok agad ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto namin. Pag akyat ko, binuksan ko agad yung cabinet ni Kath.

Nakahiga ako ng maluwag ng makita kong nandun padin yung mga damit nya. Mukhang hindi naman ito nabawasan. Kath, please don't leave me..

Napaupo ako sa kama namin, at hinilamos ko palad ko sa mukha ko. Nanatili ako sa ganung posisyon. Pano na ko pag wala sya? Kailangan talaga naming mag usap. Kailangan maayos namin ang lahat ng to bago mawala akong lahat.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naalala ko nanama yung itsura ni Kath kanina, ngayon ko lang sya nakitang ganun ka-miserable sa buong pag sasama namin. Bakit ko ba sya tinrato ng ganun? Makikita mo sa mga mata nya na nasaktan talaga sya. Na nasasaktan sya. Gusto ko syang yakapin, gusto ko mag sorry sakanya nung time na yun pero hindi ko magawa. Hindi ako nakagalaw, parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi man lang ako nag salita.. Ang tanga ko!

Napahiga nalang ako sa kama.Hihintayin ko sya. I need her.. I need her.. Bigla ko namang kinapa yung bulsa ko para kunin yung cellphone ko. Bat di ko agad naisip-- fck! Where's my phone?! Napatayo ako sa kama at hinanap pero wala. Wala! Nasan na yun? Dammit!! Agad naman akong bumaba ng kwarto at pumunta sa kotse ko at hinanap yung cellphone ko dun pero wala..

Oh fck! Naiwan ko ata sa opisina. Napahawak ako sa ulo ko, bakit ba kailangang mag ka ganito? Arrghh! ayoko na din naman na pumunta sa opisina ko. Ayoko, dahil dun sa mga nangyari kanina. I'm sure nandun lang yun sa table ko. Or si Tiffany na bahala dun. Bakit kailangan pa bang mag kaganito kami?

Sana tinrato ko sya ng maayos. Akala ko kasi.. Akala ko katulad sya ng mga ibang babaeng nakilala ko. Katulad ng mga babaeng nakikita ko.Pero.. Shit! Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi ko kaya.

Iniisip ko palang hindi ko na kaya. Pero alam ko.. Babalik sya. Uuwi din sya. Naalala ko nung nag away kami dati. Yung hindi sya umuwi at dun pala sya natulog kila Kylie. Please.. Kath, umuwi ka. Kailangan nating mag usap. Kailangan nating ayusin to. Wag ka munang sumuko.. Please.

Sana nandito sya ngayon sa tabi ko para nasasabi ko lahat ng mga sinsasabi ko ngayon sakanya. Na trauma na ko, ayaw ko na ng ganun. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mag isa. Hindi ko din kaya na wala sya.

Pumasok na ko sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto. Humiga ulit ako sa kama namin. Dumaan ang 5, 6, 7, 8 at 9 o'clock pero wala padin sya. Kath please.. Umuwi ka na. Napapikit ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN. Pag gising ko, pawis na pawis ako. Hindi ko pala nabuksan yung aircon. Pero wala akong pake. Tumayo agad ako at tumingin sa paligid. Wala si Kath. Hindi man lang din nagulo yung kama. Bumaba ako ng kwarto at pumunta sa sala. Wala sya.. Nakabukas padin yung front door namin. Hindi ko nga pala nasara to kagabi. Buti hindi ako napasok ng kung ano ano dito. Damn! Wala akong pake kung mapasok ako ng mag nanakaw o ano. Ang importante ay yung umuwi sya.. Pero wala.. Wala sya. Hindi sya umuwi. Akala ko pag gising ko kinabukasan, nandito na sya. Nandito na sya sa tabi ko. Pero wala.. Wala sya..

Katherine, where are you? Please.. Don't leave me..

|11.12.13|

Join our facebook group! (Gingerbreads)

https://www.facebook.com/groups/1410006009323013/

#MarriedToAWomanizer
#MTAW
#MarriedToAWomanizerWP
#gingerbread9

On twitter @jamaxne

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon