Chapter 6

606K 5.4K 849
                                    

KATHERINE

Gabi na umuwi si Liam, hinintay ko talaga siya para sabihin sakaniya ang sinabi ni mommy sakin. Mukha siyang nakainom, pero mukha namang hindi siya lasing. Medyo maayos pa ang itsura niya.

"Liam, tumawag sakin si mommy. Sabi niya pumunta daw tayo sa bahay bukas." sabi ko ng pataas siya sa kwarto, tumigil siya.

"Bakit daw?" malamig na tanong niya, sasabihin ko ba na gusto kaming ipag honeymoon ng parents namin?

"Pag uusapan daw natin yung sa.. Honeymoon." Kinakabahang sabi ko.

"WHAT?! NO!" lumapit siya sakin at hinawakan ang braso ko, "Hindi ako papayag. Ayoko." madiin na sabi niya, ang higpit ng pag ka hawak niya sa braso ko.

"Liam, nasasaktan ako." mahinang sabi ko.

"I don't care! Basta sabihin mo sakanila na masaya na tayo dito sa bahay! Na hindi na natin kailangan ng honeymoon na yan!" binitawan niya na ako at lalakad ng pataas pero bigla siyang nagsalita..

"Kahit naman maghoneymoon pa tayo walang mangyayari. You're playing hard to get. Bullshit." umakyat na siya sa kwarto. Napaupo ako sa sofa, tumulo bigla ang mga luha ko. Bakit ba napaka iyakin ko? Haay.. Bakit pag dating sakaniya ang hina hina ko? Bakit kasi ang sakit sakit niya mag salita sakin, bakit ba ang sama sama ng pakikitungo niya sakin? Ang daming bakit na hindi man lang nasasagot.

Nagshower muna ako at humiga sa kama, tulog na si Liam. Ang ganda ng mga mata niya, ang bait bait niya pag tulog.. Sana lagi nalang siyang tulog. Hindi niya ako sinisigawan, sinasabihan ng masasakit na salita at tinitignan ng masama. Sana dumating din sa punto na maging masaya kaming dalawa, na mahal niya din ako.. Lumapit alo sa mukha niya at hinalikan siya, "Goodnight, Liam.."

Pag gising ko, nanunuod ng NBA si Liam. Himala, hindi siya nakaayos ngayon. Halos pag gigising kasi ako nakapang alis siya at aalis. O kaya umalis na siya pero ngayon hindi, nanunuod lang siya.

"Good morning Liam, kumain ka na ba?" bati at tanong ko sakaniya, tinignan niya lang ako at binalik ang mga mata niya sa panunuod ng tv. Tumabi ako kay Liam sa sofa, gusto ko lang siya makausap. Makakwentuhan, baka kasi kahit papano maging okay yung relation namin pag nagiging close kami. "Uy.. Liam, kumain ka na?" tanong ko ulit sakaniya.

Lumayo siya sakin at tinignan ako, "Kumain na ko. Kumain ka na lang dyan, wag ka ngang magulo!" napa buntong hininga nalang ako. Lagi nalang siyang masungit, araw araw ba siyang meron? Daig niya pa babaeng may PMS. Tumayo ako sa sofa at pumunta sa table, kumuha ako ng tinapay at nilagyan ko ng palaman at kinain ko nadin. Biglang nag vibrate yung phone ko.

From: Mommy

Kath, pumunta kayo sa bahay ngayong lunch.

Nagreply naman ako agad, at sinabing pupunta kami. "Liam." tawag ko sakaniya.

"Ano ba?" iritang sagot niya. Haay.

"Sinabi ni mommy pumunta daw tayo sa bahay ng lunch." inirapan niya ko. "Fine, get ready."

Nakaligo na ako at nagayos, ang tagal naman ni Liam sa kwarto. Mag iisang oras na siya dun, umakyat ako sa kwarto binuksan ko yung pinto ng dahan dahan ng marinig ko si Liam na may kausap sa phone.

"Yes, baby.. Later.. I will, we'll do it. I miss you too.. Yeah, yeah.. 6pm.. Okay.. Love you too."

Parang may tumutusok sa puso ko sa narinig ko, sino na naman ba yang kausap niya? Pumasok ako sa kwarto na para bang walang narinig sa usapan. "Tara na?" tanong ko. Tumingin lang siya sakin at naglakad na pababa, parang sinabi niya na rin na bumaba na kami at aalis na. Medyo mahirap din siyang basahin. "Wait." sabi ko, nakalimutan ko kasi yung bracelet ko. Bigay ni daddy sakin. Pag kakuha ko bumaba na agad ako, nakabuka na ang kotse at pumasok na ako dun.

Married To A WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon