Lumipas ang isang buwan unti unti ng nakarecover ang Papa niya si Miggy nagtetext lang nangungumusta habang si chiD laging malalim kung mag isip buti nalang at natapos na din ang 6 months na contract niya sa DAR kaya tumulong siya kay Reese sa tindahan para din tingnan ng personal ang Papa niya at alagaan ito.
Sa totoo lang para na siyang panda walang tulog hindi kasi siya makatulog mag isip na ano mang araw mula ngayon kunin na ni Miggy ang kabayaran nito oo gwapo ito, halos nga mapatid ang ugat sa leeg niya noon sa tili ng nagkwento siya kay Kat tungkol dito ngayon balisa siya kasi hindi naman porket gwapo ito pwede nalang siyang pagsamantalahan nito at hindi porket may utang sila nito angkinin nalang siya nito hindi na niya kayang ibigay ang sarili niya sa taong hindi niya asawa baka nga ibenta siya o di kaya ialay sa kulto Dios ko!! Maprapraning na ata ako.
"anak ano ba ang problema mo?" nanay niya
"wala ma "
"peru tingnan mo nga ang sarili mo para kang laging may iniisip"
Ngumiti siya
"Okay lang ako ma"
"anak sino ba talaga ang tulong sa atin"
"Ma pwede bang akin nalang yun don't worry wala akong ginawang masama"
Yumakap nalang ito sa kanya at napayakap siya dito.
Kinabukasan.....
"I'm ready" message sent
"Ok tom. Meet me at the airport 730am"
"K"
Ito na iyon sus kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon sa ngayon siya na talaga ang pinaka masayang nilalang sa buong mundo.
Putcha!!! Lalo tuloy siyang kinakabahan di na siya nakatulog buong magdamag para nga siyang lutang eh! Dagdag pa niya ang mukha siyang panda
"Ma aalis ako"
"saan ka pupunta anak ang aga pa eh"
"may pupuntahan kami ni Miggy eh malayo ata may pinasamahan lang siya sa akin"
"kailan balik mo"
"di ko nga alam ma eh"
"Naku anak hindi yan pwede baka mapano ka pa niyan eh!"
"basta ma mag ingat ako tatawag nalang po ako"
Nagtataka man ang Ina peru di ito kumibo
"mag ingat ka tatawag ha"
"ok ma bye I love you"
Nagpa alam na din siya sa mga kapatid naka backpack lang siya kaya akala ng mga ito may pupuntahan lang siya kung tingnan siya ngayon mukha suyang estudyante ponytail pa ang kanyang buhok peru 4kilos eyebags niya. 30 minutes siyang advance sa airport naka shades siya ikaw ba naman lustayin ang katawan mo o di kaya i alay ka sa kulto o di kaya ibenta ang lamang loob mo sa sindikato makakatulog ka ba? Habang nasa ganung pag iisip nakita niya si Miggy palabas sa waiting area nakaupo siya sa upuan doon
OMGE!!!!!
Panic ng utak niya
Gwapong gwapo ang mokong, graveh naka leather brown jacket ito naka white t-shirt sobrang neat nito tingnan mas lalo itong naging handsome!! Tinanggal nito ang shades nitong sout pakiramdam niya nag slow motion ang paligid kung wala lang siyang sout na shades baka makita nitong lumuwa na ang mata niya sa pagtitig niya dito napayakap siya ng mahigpit sa bag niya nang makitang palapit na ito sa kanya.
Huhuhuhu!!! Bakit ba ang lakas ng sex appeal nito
"Hi"
Nanaginip ba siya ngumiti ito sa kanya
Freeze!!! Freeze!!! Please e freeze ninyo ang moment na ito hahaha o.a noh? Gwapo kasi talaga si Miggy
"H-hello"
Tang ina nauutal pa siya.
Samantala nang lumabas si Miggy hinanap niya agad si chiD lumukso ang puso niya ng makita itong parang bata na nakupo sa isang sulok nakayakap pa sa bag ito. Ang ganda naman babaeng ito napaka adorable ano mang galaw di mo mahalatang 30 na ito. Binati niya ito di na niya napigilan ang ngiti.
Tumayo ito at lalo siyang naging matangkad tingnan kasi hindi naman ito katangkaran nauna ito sa kanya palabas.
Naghintay doon ang Hilux na pag mamay ari ng Tito Robert niya pinahiram sa kanya ng tinawag siya ng driver nito hinawakan niya si chiD tuloy tuloy lang kasi ito sa pag lakad halatang nagulat ito sa paghawak niya napatingin ito sa kanya
"this way"
"Good Morning ser Megi, Maam"
"Morning Manong"
"dito na po sasakyan ninyo"
"sige ihahatid namin kayo pauwi "
"naku ser Megi, wag na po magtrisikol na lang po ako"
"sige na Manong wag na po kayong mahiya"
Pumasok naman sa sasakyan ang matanda sa likod ito sumakay naunang pumasok si Miggy sa driver's seat sumakay din siya sa likod tumabi siya kay Manong nang lumingon si Miggy sa kanya at seryoso ang mukha
"ba't nanjan ka?"
"hah? Eh??? "
"lipat ka dito?"
Tahimik naman siyang sumunod grabeh ito kung mag utos napaka terror! Tahimik lang din si Manong after 20minutes pumarada sila sa isang malaking bahay.
"baba muna kayo ser, dito na kayo mag agahan ni Maam, sabihan ko lang si Lukring na magluto"
"cge"
Ayun bumaba na sila at pumasok ng bahay.
BINABASA MO ANG
Stay Close to Me
RomanceTunghayan ninyo ang love story ni chiD at Miggy. Love works in mysterious way. Hi Guys I'm not really a writer so I apologized for my typo and grammar error. I just love to play stories in my head so I decided to write. . I love you all