ANDREW - YEAR 2021
Nagising ako sa mahinang pagkatok sa pinto ng aking bahay. Badtrip, nakatulog na naman pala ako sa sala. Tumingin muna ako sa oras ng aking phone bago ako bumangon sa sofa para pagbuksan ang misteryosong bisita. Seriously... halos 2:30 pa lang ng madaling araw, sino namang bisita ang makakaisip na dumalaw sa ganitong oras??
Nang makalapit ako sa may pinto ay hindi ko muna ito binuksan. Sinubukan kong sumilip sa bintana, pero hindi ko maaninag ang mukha ng tao sa kabilang bahagi ng pinto.
"Sino yan?" tanong ko sa taong kumakatok.
"Andrew?... A-ako to," wika ng isang lalaki sa matamlay na boses. Gumagaralgal ang tono nito na parang kagagaling lang sa pag-iyak.
Nadurog na agad ang aking puso dahil kilala ko na agad kung sino ang nasa kabilang bahagi ng pintuan. Agad ko itong pinagbuksan ng pinto.
"H-harry?.. Tuloy ka," paanyaya ko dito. Binuksan ko na ang ilaw. Pinaupo ko si Harry sa sofa at ikinuha ng isang basong tubig. Mukhang alam ko na agad ang ipinunta dito ng kaibigan ko.
"Nag-away na naman kayo no?" Actually, hindi ko na yun kailangan itanong dahil alam kong tama ang aking sinabi. Hindi ito umimik. Nakatungo lang ito sa akin... Ayaw na ayaw kong nakikitang ganyan si Harry. Hinawakan ko ito sa braso para yakapin.
"Aray!" biglang daing nito. Napapiglas sya mula sa pagkakahawak ko. Halatang nasaktan si Harry sa parteng hinawakan ko sa kanyang braso. Agad ko syang binitawan. Sinilip ko ang bahaging aking nahawakan sa kanyang braso na natatakpan ng kanyang manggas.
"Oh, shit!! Harry!! Anlaki ng pasa mo!" Napasigaw ako dahil may pasa na naman ang pinakamamahal kong kaibigan.
"Harry, si Paul ba ang gumawa nyan?!" Hindi na naman ito umimik. Lintik na Paul yan, sinaktan na naman nya si Harry!
Sa galit ko ay tumayo agad ako at naglakad papunta sa pintuan. Talagang sumosobra na yang si Paul. Hindi na tamang paulit-ulit nyang saktan ang kaibigan ko!
"Andrew! Wait!" Bago pa man ako makalabas ng pinto ay nahawakan na ni Harry mula sa likuran ang mga braso ko. Napatigil ako sa paglakad at humarap ako dito.
"Drew, wag na... please," pakiusap ni Harry. Yumakap ito sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit hinding- hindi nya magawang iwan ang lalaking yun!
"Okay sige, wag ka nang umiyak,"mahina kong sabi dito. Kumalma na ako agad nang yakapin ako ni Harry. Ganito naman lagi. Kapag upset ako, o naiinis, just one careful touch from him at lumalambot na agad ako. Umupo na ako sa sofa at tumabi naman sya sa akin.
Haist, Harry...Kung hindi lang kita mahal!!
Noon pa ay mahal ko na itong si Harry... Pero hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. Mahal na mahal. Nalate lang ako ng pagdating sa buhay nya, dahil masayang masaya sya noon kay Paul nang makilala ko sya. Akala ko ay matinong lalaki si Paul. At dahil akala ko noon na patuloy syang magiging masaya sa lalaking iyon, ay hindi na ako nakigulo pa. Ayoko nang maging complicated ang lahat. Pero dahil mahal ko sya, nagstay pa rin ako sa kanyang tabi as his loyal friend.
Hindi kami close ni Paul kahit na sobrang close kami ni Harry sa isa't isa. Hindi ko akalaing umabot na kaming 4 years na malapit na magkaibigan, pero sya pa rin ang mahal ko.
Kinimkim ko na lang ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Bakit ba hindi ko sya nakilala ng mas maaga?
Sa mga oras na hindi ko makayanan ang sakit, ang naging resort ko ay makipagflirt kung kani-kanino. Nang sa ganun ay makalimot ako. Inakala tuloy nya na playboy ako, at walang sineseryosong tao. Pero hindi nya alam ang totoo. Hindi nya alam na sobra akong magmahal. Na sobra syang napamahal sa akin.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...