CHAPTER 16

133 9 3
                                    

ANDREW – YEAR 2015

"Tumpak tayo, Andrew!!" masiglang sabi ni Jake sa akin. Hindi ko sya masisisi. Maging ako ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Tama nga, nakita kong nagseselos si Harry. Pero kahit nakangiti ako, ay hindi ko mapigilang mabahala, kasi wala akong idea kung anong epekto sa kanya nung nangyari kanina.

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, at bukas na bukas, after kong magtrabaho ay pupuntahan ko sya. Maglalakas loob na akong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Hindi ako pumunta sa panahon na ito, para magpakatorpe lang.

"Salamat pala, Mark," pasasalamat ko sa katrabaho ko. Magkakasama kami ngayong nakaupo sa sofa sa apartment ko. Kagagaling lang namin sa dinner kanina. Hindi naman namin inexpect na makakasalubong namin dun si Harry. Ang balak lang sana namin ay pumunta dun, at pag-usapan kung ano pang pwede naming gawin. Pero hindi na pala kailangan yun. Kitang-kita ko sa mata ni Harry yung selos. Sumisigaw yung puso ko kanina para sa kanya habang naglalakad sya palayo sa amin.

"Hindi mo kailangang magpasalamat. Wala naman akong ginawa, kundi dumikit lang sayo," nakangisi nitong sabi.

Ilang saglit pa kaming nagkwentuhan, bago tuluyang nagpaalam si Mark sa amin. Maaga pa kasi ang pasok namin bukas. Nang makaalis sya ay bumuntong hininga ako.

"Oh, bakit malungkot ka pa rin?" usisa sa akin ni Jake.

"Ano nang dapat kong gawin?" tanong ko. "Ngayong alam kong nagselos sya, syempre siguradong nasaktan yun. Paano kung ayaw na nya akong makita?" nababahala kong tanong.

"Alam mo, kung nagselos sya, ibig sabihin, may feelings sya para sayo. At kung may feelings sya for you, hindi ka matitiis noon kapag nakiusap ka sa kanya na makapag-usap kayo ng masinsinan," confident na sabi nito.

"Sigurado ka?" nagdududa pa rin ako.

"Basta, subukan mo pa rin. Besides, wala ka namang choice eh, kundi ang kausapin sya. Huwag kang matakot sa magiging sagot nya, basta iexplain mo lahat ng kailangan mong iexplain," payo nito. "Huwag ka nang matorpe, at sabihin mo na agad yung feelings mo para sa kanya. Simple lang naman talaga dapat to eh, ginagawa nyo lang komplikado ni Harry."

Huminga na lang ako ng malalim.

"Labas lang ako saglit," paalam ko kay Jake. Hindi naman ito tumutol.

Dumiretso ako sa tambayan ko. Dun sa bangko sa lilim ng punong mangga. Malamig ang simoy ng hangin at masarap sa pakiramdam. Nagsindi lang ako ng yosi habang nakatanaw sa bintana ng taong mahal ko. Pakiramdam ko ay dinaig ko pa yung sitwasyon ng magsing-irog sa panahon ng kastila. Yung hanggang tanaw ka na lang sa bintana ng mahal mong parang mahirap abutin.

Lumulutang ang diwa ko nang biglang may dumungaw sa bintana. Nataranta ako bigla at naihulog ko yung yosi na hawak ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa tao sa bintana. Kinawayan ko ito, pero nadismaya ako nang bigla nyang isara yung bintana nya.

Ouch. Galit sya. Hindi ko tuloy alam kung paanong approach ang gagawin ko bukas sa kanya. Bumalik na lang ako sa aking apartment para makapagpahinga na......

____________________

Halos wala akong naitulog, dahil sa pag-iisip ko ng kung anu-ano. Hanggang sa mapansin kong alas kwatro na pala ng madaling araw. Bumangon na lang ako para makapaghanda na sa trabaho ko. Ipinagluto ko muna ng agahan si Jake, na tulog pa rin, bago ako umalis.

Nakalabas na ako ng gate nang matanaw ko si Nanay Tasya sa may kalsada. May dala itong malaking bag.

"Nay! Magandang umaga po. San punta nyo?" curious kong tanong.

The Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon