CHAPTER 8

338 23 1
                                    

ANDREW – YEAR 2015

Kainis naman si Jake oh! Wala sa timing. Makakascore na sana ako kay Harry kanina eh. Pero okay lang. darating din tayo dyan.

Ano kayang gagawin ni Harry kung hinalikan ko sya? Papayagan nya kaya ako? Gaganti din kaya sya ng halik? Hindi ko alam, baka suntukin lang nya ako, haha.

Saka ko na lang poproblemahin yan. Ngayon kasi ay ang sarap pagmasdan ni Harry habang kumakain sa tabi ko. Ramdam ko yung familiar feeling ng comfort kapag magkasama kami dati. Naaalala ko dati yung mga times na magpapalipas lang kami ng buong maghapon na nakatambay lang sa bahay ko, kumakain ng kung anu-ano, tapos manood ng tv, magkukulitan. Oh kaya tatambay ako sa Diner nya, pag wala akong trabaho. Napakaswerte ko at maeexperience ko ulit ito ngayon.

Nararamdaman ko din yung pagiging komportable ngayon ni Harry habang kasama ako, kahit na nung isang araw lang nya ako nakilala. Mailap sya sa akin paminsan minsan, pero ramdam ko pa rin yung comfort nya. Parang magic na mayroon na agad kaming ganitong connection. Sa akin, madali lang kasi matagal ko na syang kilala. At mahal ko sya. Pero nasurprise ako kay Harry na comfortable na agad sa akin.

Naputol ang pag-appreciate ko sa mahal ko nang biglang tumunog ang cellphone nito.

"Excuse me," paumanhin nito sa amin ni Jake, bago ito tumayo at sinagot ang tawag. Parang ang saya saya nito nang sagutin ang tawag. Hindi ko na inusisa pa kung sino ang kausap nya at kung ano ang pinag-uusapan nila. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Ilang minuto pa ay bumalik na si Harry at tumabing muli sa akin.

"I'm sorry guys, pero iwan ko na muna kayo dito ha?" paalam nito.

"What's the matter?" hindi ko napigilang tanong. Hindi ko maitago ang pagkadisappoint.

"Ah, aasikasuhin ko din kasi yung isang bagong magiging tenant dito," paliwanag nito. "Actually, dyan sya titira sa katabi nyo lang. Sya yung huling nakakuha nung studio type."

"Sino?" tanong ko. Mukhang kinukutuban na ako sa kung sino ang tinutukoy ni Harry.

"Paul ang name nya,"sagot nito sa akin. "Sana magkasundo kayo, kasi sya yung magiging kapitbahay mo," dagdag pa nito bago tumayo. Natahimik lang ako.

Eto na nga ba ang sinasabi ko. Malamang ang Paul na tinutukoy nya ay si Paul na pumatay sa kanya.

Fuck!

Bumabalik sa akin ang lahat ng ala-ala. Hindi ko mapigilang hindi uminit ang dugo ko kapag nababanggit yang Paul na yan. Pero napakaunreasonable naman kung magagalit ako sa Paul na yun sa panahon na ito, kasi wala pa naman syang ginagawang masama. Inosente pa sya.

"Harry..." tumayo na din ako mula sa upuan. "Sasama ako. Syempre, gusto ko din namang makilala yung magiging kapitbahay ko."

"Talaga? Okay lang?" nagliwanag ang mukha nito. Nakakahawa ang ngiti nya, kasi ako ay nakangiti na rin.

"Tara," sabi ko dito, pagkatapos ay lumabas na kami ng unit.

Lumabas kami ng gate at doon ko na nga naaninag si Paul. Nakatalikod ito sa amin. Pamilyar na pamilyar ang kanyang anyo. Naikuyom ko tuloy ang aking palad.

"Paul!" pagtawag ni Harry sa kanyang atensyon.

"Harry!!" masiglang tugon ni Paul pagkalingon nito sa amin. Malaki ang pagkakangiti nito nang makalapit na kami sa kanya.

"Gusto mo na bang makita agad yung unit?" tanong ni Harry sa kanya.

"Oo eh," nakangiting sagot ni Paul, pero bakas dito ang pagtataka nang mapatingin ito sa akin.

The Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon