ANDREW – YEAR 2015
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan na it's been a month na pala simula nang tumira ako dito sa Laguna. Medyo naka-adjust na ako at tanggap ko nang nasa year 2015 na ako. Well, matagal ko nang tanggap, ang ibig ko lang sabihin ay hindi ko na nakakalimutang 2015 ang year ngayon, sa halip na 2021.
Maraming nangyari sa nakalipas na isang buwan. Halos mag-iisang buwan na rin akong nagtatrabaho bilang waiter sa Harry's Diner. Obvious na sya talaga ang may-ari noon.
So far, maayos naman ang pagtatrabaho ko.
Hindi ko naman tinitigilan ang pangungulit kay Harry pag nasa may apartment ako. Pero hindi ko naman sinosobrahan. At syempre, hindi ko pa inaamin na mahal ko sya. Hindi ako prangka. Hindi rin naman ako torpe, pero ayoko lang sayangin ang nag-iisa kong chance. Kailangan ko lang maghintay ng tamang pagkakataon. Kung sa future nga, eh inabot ako ng apat na taon sa paglilihim na mahal ko sya, ano pa kaya sa akin yung kaunting oras na paghihintay. Iniisip ko kasing magtataka sya, kasi halos kakakilala pa lang namin sa isa't isa. Pero pansin ko namang napapalapit na sya sa akin. Kumportable na sya sa paakbay-akbay ko, at minsan ay payakap yakap, pero ang pinaka dabest ay yung pagcuddle namin sa kwarto nya. Hindi ako nakatulog nang gabing yun.
Ang isa pang good news ay si Paul. Pinilit kong kalimutan ang masamang nakaraan ko sa kanya dahil ibang-iba talaga ang taong ito ngayon. Hindi sya si Paul na nakilala ko sa future. Ibang tao sya.
Dahil doon ay nagkapalagayan kami agad ng loob sa isa't isa. Madalas ay nangangapitbahay sya sa akin, pagkagaling nya sa pagtuturo sa katabing university. Naging kumportable din naman ako sa company nya, kasi sya lang naman halos ang nakakausap ko nitong mga nagdaang araw kapag umuuwi ako, maliban kay Harry.
Alam kong pansin ni Paul na pumoporma ako kay Harry, pero nakapagtatakang hindi naman nya ako pinipigilan. Well, gumagawa din naman sya ng sarili nyang moves kay Harry, at wala din naman akong nagagawa sa tuwing nangyayari yun.
Nawala ang pag-iisip ko ng malalim nang may kumatok sa pinto. Kagagaling ko lang sa trabaho at kasalukuyan akong nakaupo sa may dining table ko. Kumakain ako ng turon na binebenta ni Ate Angel na tagasingil ng upa at tindera sa sari-sari store.
"Pasok!" sigaw ko nang hindi pa rin umaalis sa aking table.
"Andy!" biglang tawag ni Paul sa akin. Dirediretso itong lumapit at tumabi sa aking kinauupuan.
"Ano yon?" bigla kong tanong dito. Pansin kong kagagaling lang din nya sa tinuturuan nyang university, kasi nakauniform pa ito na pangteacher, tapos dala pa nya yung kulay itim nyang sling bag na leather. Nauna muna syang dumiretso dito kaysa sa sarili nyang unit. "Turon oh, mainit pa," alok ko dito saka itinapat sa kanya yung plato na may cover ng dahon ng saging na kinalalagyan nga ng turon.
"No thanks, busog na ako Andy," tanggi nito sa akin. Hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon sa ginawa nyang palayaw sa akin, sya lang ang tumawag sa akin ng ganyan. "Dumaan ako kasi may dala ako." May kinuha itong tupperware mula sa kanyang bag, na sa tingin ko ay pagkain ang laman.
"Nagpaluto kasi yung isang coteacher ko, birthday kasi nya. Sayang naman daw kasi andami pang natira, so naisip kong dalhan kayo ni Harry," kwento nito. Natouch naman ako, pati kasi ako ay inaalala nya.
"Thank you!" masaya kong sabi dito. "Ang sweet mo naman," biro ko pa.
"Minsan lang ako ganito, magaan kasi ang loob ko sayo," sagot nito.
"Bakit naman?" natanong ko bigla.
"Hindi ko din alam," pag –amin nito. "Parang pakiramdam ko, may ginawa kang pabor sa akin, ganun yung feeling. Pero hindi ko alam kung ano yon. May ginawa ka bang pabor sa akin?" bigla tuloy nyang natanong.
BINABASA MO ANG
The Future Boyfriend
FantasyDalawang pusong nakatadhana sanang magtagpo... Sa isang pagkakamali ko ay parehong nabigo... Hindi ako makakapayag na muling magkamali, Kaya kahit mapanganib, pinagtagpong muli. Magkaibang lugar at panahon.. Pagtatagpuin sa isa pang pagkakataon...